UTY 27

4.4K 119 11
                                    



  Kieran: Amee, I'm sorry. Ngayon lang kami nakadating sa airport, nagkaron pa kasi ng problema sa bahay. Tatawagan kagad kita kapag nasa France na kami. I love you.


Iyan ang nasa message na natanggap ko galing kay Kieran. Nagka-problema pala kaya hindi siya nakapagtext sa akin kanina. Agad akong nagtipa ng reply sa message niya, sinabi kong ayos lang at mag-ingat sila. Nakaupo ako ngayon sa tapat ng puntod ni Lola Aine, namimiss ko na siya.  Naalala ko pa noong bata pa ako. 

Siya ang nag-alaga sa'kin, buntis si Mommy Jeramy kay Coco. Halos ayaw niya akong dumikit sa kanya, akala ko dahil lang yon sa sensitibo siya gawa ng pagbubuntis pero dahil pala hindi niya ako tanggap sa buhay niya. Minsan tinatanong ko kung ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya? Tita ko naman siya, kamag-anak niya ang Mommy Ara ko. Siya din ang nag-alaga sa akin nung mga panahong nakatira pa kami kina Daddy, Dadu at Dada at hindi pa nila alam ang tungkol sa akin.

Nalaman kong hindi niya ako tanggap ng marinig ko mismo sa pag-uusap nila iyon ni Lola Aine, hindi pala sila nag-uusap, nagtatalo sila. Ang alam ko ay ayaw ni Lola si Mommy Jeramy, ang sabi niya noon sa akin na dapat pinigilan niya ang kasal ni Daddy at Mommy pero huli na daw ang lahat. Hindi ako galit kay Mommy Jeramy, kahit kailan ay hindi ako nag-tanim ng sama ng loob sa kanya dahil naiintindihan ko siya.

Tinamaan ako ng antok kaya nahiga ako sa loob ng tent na inayos nila Cyan, medyo maingay sila sa labas pero hindi ko iyon alintana at nakatulog ako ng mahimbing. Nagising ako dahil sa naging panaginip ko.


"Amee, I love you."


Alam ko, narinig ko na ang boses na iyon pero hindi ko mawari kung sino ang taong iyon. Sapo-sapo ko ang aking dibdib dahil sa bilis ng aking paghinga, hinihingal ako. Tulog na pala ang mga pinsan ko sa aking tabi, marahil ay tumabi sila sa akin nang antukin na. Lumabas ako ng tent para makakuha ng tubig.


"Oh, Amee.." Ngumiti ako ng bahagya ng makita si Daddy na nakaupo sa folding chair niya. "Bakit gising ka pa?"

"Nauuhaw po ako," tinungo ko ang cooler kung san naroon ang mga inumin. "Bakit po gising pa kayo daddy?"

Tumabi ako sa kanya at uminom ng tubig, "Hindi ako makatulog." 


Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Simula nang mag-trabaho si Daddy ay hindi na niya kami natingnan ng maayos. I mean, hindi na niya kami nasusubaybayan buong araw. Hanggang sa nasanay na ako, kaming magkakapatid. Pero wala akong hinanakit sa kaniya, naiintindihan ko naman na kailangan niyang magtrabaho para sa aming pamilya. 


"Daddy, naiisip mo pa po ba si Mommy?" I suddenly asked. Gusto ko lang malaman kung naiisip niya pa ba ang Mommy ko kahit ilang taon na ang lumipas. 

"Yes, naiisip ko pa din ang Mommy Ara mo." Rinig ko ang pag-buntong hininga niya, "Kahit kailan naman Amee hindi ko nakalimutan ang Mommy mo. Andito pa din siya sa puso ko." 

"Do you love her Daddy?" Tiningnan ko siya. Ngumiti siya habang nakatingin sa langit na puno ng bituin bago sumagot.

"Yes, I do love your Mommy Ara. I love her still, I always have and always will." Halos mapaso ang puso ko dahil sa sinabi ni Daddy. Muli, katahimikan ang namayani sa aming dalawa. 

Tumingin sa akin si Daddy, "Kamukhang-kamukha mo ang Mommy mo, Amee." 

"You still love her.." 

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon