UTY 17

4.4K 143 1
                                    



Naupo ako sa isang table na nasa pinaka-sulok ng cafeteria. Nagpaiwan si Royal doon sa field dahil gusto niyang mapag-isip at mapag-isa. Hinayaan ko naman siya dahil kailangan niya nga iyon.


Nag-aalala lang ako dahil baka mamaya ay mag-suicide siya, pero alam ko namang hindi siya tanga para gawin iyon. Tanga lang siya sa pag-ibig pero hindi sa lahat.


"What happened?" Tiningala ko ang taong nasa harapan ko.

"Kieran, bakit hinihingal ka?"

Umupo siya sa harap ko at niluwagan ang necktie niya. "I'm worried about you. Narinig ko sa mga kaklase natin na pumunta ka sa field dahil nag-aaway ang pinsan mo at 'yong babaeng nanakit sa'yo dati?"

"Ah, oo. Nag-away nga sila."

"Hindi mo man lang ako tinawag para samahan ka?" Medyo mataas ang boses niya, para siyang galit.

"Bakit ko gagawin 'yon eh ang himbing kaya ng tulog mo doon!" Ginaya ko ang taas ng boses niya.

Umismid siya at pinitik ako sa noo, "Paano na lang kung may nangyari sa'yo doon? Paano kung nadamay ka? Paano kung dinamay ka nung babaeng kaaway ng pinsan mo, diba mainit din ulo nun sa'yo!"


Palihim akong napangiti dahil sa sinabi niya, he's worried about me. Halata iyon sa boses at mukha niya.


"Wala namang nangyari sa akin eh, oh tingnan mo!" Ipinakita ko ang mga braso ko.

"Kahit na! Dapat tinawag mo ako," umirap siya sa akin at nag-iwas ng tingin. "Paano na lang kung napahamak ka tapos wala ako? Hindi pwede 'yun."


Natigilan ako sa sinabi niya, mahina lang iyon pero rinig ko. Sa buong buhay ko may ibang taong nag-aalala sa akin ganito maliban sa pamilya ko at mga maid sa mansyon.


Pakiramdam ko espesyal ako kay Kieran.


"Sa susunod tawagin mo ako ha? Huwag kang pupunta ng mag-isa." Tumango ako sa kanya at ngumiti naman siya. "Nagugutom na ako, dito ka lang. Bibili lang ako ng pagkain." Nakahawak siya sa tyan niya habang lumalakad palayo.


Tumunog na ang bell hudyat ng lunch break. Siguro nakapagsumbong na si Britany sa pamilya niya tungkol sa nangyari. Kilala ko ang isang 'yon, gagawin niya ang lahat manalo lang siya.


"Hi!" Napaayos ako ng upo dahil sa bumati, si Garen.

"Hello," bati ko pabalik. Ayan naman siya, soot na naman niya ang ngiti niyang lumalabas ang cheekbone.

"Kumain ka na?"

Umiling ako, "'Di pa, ikaw?"

"Hindi pa din. Anong gusto mo?"

"Vanilla ice cream."

"Wait, bilhan lang kita." Tumayo siya at pumunta sa counter.


Sinilip ko ang cellphone ko dahil sa may nag-text doon. Si Daddy, ipinaalam niya na may dinner kami mamaya sa isang five star hotel. Siguro ay naka-receive din sina Coco at Jeorge ng ganitong text.


"Here." Inilapag ni Kieran ang plato ng carbonara sa harap ko, naupo siya at nagsimulang kainin ang kanya.

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon