UTY 12

5.2K 143 7
                                    



Maganda ang gising ko dahil sa nangyari kagabi, pinasaya talaga ako ni Kieran sa ginawa niya. Lumabas ako ng kwarto ko nang nakabihis na ng uniform. Maaga ako papasok ngayon dahil kakausapin pa ako ni Mr. Principal.


Nagpahatid na lang ako sa driver papunta sa school, dumaan muna ako sa McDo para mag-take out. Nagutom kasi ako at ayoko namang malipasan kaming dalawa ng baby ko.


Kakaunti pa lang ang tao sa school, kadalasang mga alas siyete ng umaga pumapasok ang mga nerd kung tawagin ng iba. Ang iba sa kanila ay nakatambay kaagad sa library para magbasa.


Binati ako ng mga estudyante nang makapasok ako, dumiretso agad ako sa Principal's Office. Maaga napasok si Mr. Zamora kaya sigurado akong nandito siya ngayon. Kumatok muna ako bago pumasok. Tama ako, nandito siya.


"Oh, Ms. Salvatore." Ngumiti ako sa kanya, iginiya niya ang upuan sa harap ng table niya. Naupo ako doon.

"Andito po ako Mr. Zamora dahil sa ipinasa ko po sa inyo. Gutso ko pong malaman kung ano ang desisyon niyo patungkol sa magiging theme ng Christmas Party namin ngayon linggo."

"Tungkol dyan Ms. Salvatore, maganda ang temang naisip niyo. Pero, hindi niyo ba naisip na masyadong magastos?"

"Napagkasunduan po ng Student Government na lilikom po kami ng isang libong piso para sa mga gastusin tulad ng mga pagkain, props at iba pa." Tumango-tango siya at ngumuso.

"Okay,"

"Anong okay po Sir?"

"Okay. Inaaprubahan ko na ang temang gusto niyo. Maari na kayong magsimula ngayon." Tumayo ako at tumayo din siya, nakipagkamay ako at nagpasalamat bago lumabas.


Magandang balita ito. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa, kailangang malaman agad nila ang desisyon ni Mr. Principal. Tsaka kailangan na naming kumilos. Agad ko iyong sinend sa mga kapwa officer ko, binasa ko din ang mga texts ng mga pinsan ko.


Nagtatanong sila kung bakit daw ako maagang umalis, sinabi ko naman agad ang dahilan. Pakunwari pa silang nagtatampo dahil iniwan ko sila. Mga baliw. Itinago ko ang cellphone sa bulsa ng blazer ko. Napatigil ako sa paglakad, maging ang makakasalubong ko ay napatigil din.


Garen.


"Amee," tawag niya sa akin saka lumapit. Ilang araw na din ng huli ko siyang makita at makausap. Naalala ko ay gusto niya akong makausap.

"Gusto mo akong makausap hindi ba?"

Umiling siya, "H-hindi na. Kamusta ka na nga pala?"

"Ayos lang ako.. Ikaw ba?" Sumabay siya sa akin sa paglakad papuntang field. Balak ko sanang maupo sa isa sa mga bench doon.

"Hindi ako maayos." Napatingin ako sa kanya, sa mukha niya pa lang masasabi mo nang hindi talaga. Halata ang eyebags niya na nagsasabing hindi maayos ang tulog niya.

"Nai-stress ka ba dahil sa basketball?" Next year na kasi ang laban kaya naisip kong gahol na sila sa pagpa-practice.

"Medyo, mahigpit kasi si coach. Nitong sabado nag-practice kami, nakakapagod." Wala nga sa mukha ng dalawa kong pinsan na team mates niya ang pagod eh. Ang energetic pa nila noong sabado.

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon