UTY 4

6.8K 189 2
                                    



Tahimik ang unang pasilyo ng building naming mga grade twelve. Kakaunti lang ang mga tao sa ground dahil hindi pa naman lunch break. Kahit na wala ang mga teachers namin ay naha-handle naman ng maayos ng mga officers ang kanilang room at mga kaklase.


Kumunot ang noo ko nang makita ang lalaki na nakasandal sa dulong bahagi, malapit sa labasan ng building. Nagpatuloy ako sa paglalakad, hindi ko siya pinansin ng madaanan ko siya pero tinawag niya ako.


"Amee," mahina ngunit rinig ko ang tinig niyang malalim. Nilingon ko siya.


Siya 'yong lalaki kahapon, yung kasama ng may gusto kay Jeorge na si Dust. Garen, iyon ang pangalan niya. Sinabi niya sa akin iyon kahapon.


"Ano 'yun?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin dahil medyo malayo ako sa kanya.

"Pwede ka bang makausap?" Napatingin ako sa mga mata niya, para itong nakikiusap na pumayag ako sa gusto niya.


Doon ko lang napansin ang kabuuan ng mukha niya. Hindi malapad ang noo niya, tama lang ito. Medyo makapal ang dalawang kilay, singkit ang mga mata at mahahalata mong may lahi siya. Hindi ko lang mawari kung chinese, korean or japanese.


Maganda ang mga mata niya, para ito nakakahipnotismo. Pansin din ang eyeliner sa ibabang bahagi ng mata niya. Matangos ang ilong at medyo mapula ang labi. Doon ko lang nakita na may tig-dalawang hikaw sa magkabila niyang tainga.


"Saan ba ang punta mo?" Tanong niya.

"Cafeteria, nagugutom na kasi ako." Nagugutom na kami ni baby kaya doon kami pupunta.

"Samahan na kita." Aya niya, ngumiti siya ng bahagya kaya ngumiti din ako. Iginiya niya ang daan kaya nagpatianod ako.


Nasa tabihan ko lang siya habang naglalakad. Pinapakiramdaman ko kung magsasalita ba siya.


"Kamusta ka?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang ako." Kita ko sa gilid ng paningin ko ang pagtango-tango niya. Bigla kong naalala, "Kasama ka ba sa team ng basketball?"

"Ah, oo. Team mates ko ang mga pinsan mo. Ako din ang team captain nila," Team captain? Ang alam ko ay si Gray, iyong masungit at matangkad na nasa section two.

"Si Gray? Anong nangyari kay Gray?" Usisa ko.

"Nag-quit." Ah.. Sayang naman. Ilang taon na siyang team captain tapos ngayon pa siya nag-quit?

"Andito na tayo." Anunsyo niya, napatingin ako sa harap ko.


Nandito na nga kami sa cafeteria. Hindi ko namalayan. Papasok na sana kami nang makasalubong namin si Kieran. May dala-dala siyang styro foam na sa tingin ko ay may lamang pagkain.


Malamig ang tingin na ipinukol niya sa akin, tapos ay tumungin siya kay Garen. Hindi ko alam kung ano ang nakikita ko sa mga mata niya pero sa tingin ko ay hindi iyon maganda.


Lumapit si Kieran sa akin.


"Tara na Amee." Aya niya sa akin. Napatingin ako kay Garen.

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon