UTY 20

5.2K 151 9
                                    


NOTE: Sorry for the long wait. Sinapian ako ng espiritu ng katamaran. Haha! Enjoy po!  


Nagising ako dahil sa ingay at umaalog-alog ang kama ko. Natawa ako bigla dahil sa nakita ko. Nandito sila sa kwarto ko at kung anu-ano ang ginagawa nila. 

"Hala! Nagising na si Ate!" Sigaw ni Reyie nang makita ako.

"Diba sabi ko sa inyo huwag maingay dahil magigising siya?" Sinamaan ng tingin ni Blue ang mga pinsan naming lalaki. 

"Kasalanan ni Ekko, tumalon-talon siya sa kama ni Ate eh!" Sisi ni Derian sa kapatid nito.

"Lah, di naman ako ah." Biglang umupo si Ekko sa dulo ng kama ko. "Si Nile 'yon!"

"Anong ako? Busy ako dito." Tanggi ni Nile na nakaupo malapit sa study table ko.

"Okay lang, ano ba kayo." Naupo ako at tiningnan silang lahat. Kanya-kanya silang pwesto, naglatag pa sila ng comforter sa tabi ng kama ko at doon sila nahiga. "Anong meron?"

"Wala naman, na-miss lang naming tumambay dito sa kwarto mo." Sagot ni Royal. Bumukas ang pinto at pumasok doon sina Cyan, Coco at Jeorge na may dalang pagkain. 

"Cookies and milk!" Sigaw ni Zeron nang makita ang nasa tray. 

Lahat kami ay na-excite dahil sa pagkaing iyon. Iyon ang inihahanda sa amin ni Lola Aine noong buhay pa siya, sa t'wing wala ang mga magulang namin at sila ang naiiwan sa amin ay ito ang inihahanda niya. Tinutulungan ko pa siya sa pagbi-bake ng cookies.

"I missed Lola Aine," malungkot na sabi ni Ekko. Sa aming lahat siya kasi ang pinaka-malapit kay Lola Aine. 

"Bisitahin kaya natin sila mamaya bago pumunta sa Christmas Party?" Suhestiyon ni Nile, napaisip kaming lahat.

"Oo nga, diba five pm pa naman ang umpisa ng party?" Tumango ako kay Coco.

"Tara, let's visit them." Cyan.

Lahat kami ay nagkanya-kanya nang maubos namin ang cookis at milk. Nagpahatid kami sa driver since ayaw mapagod ni Cyan, dapat daw ay hindi siya mapagod ngayon dahil kailangan niyang maging gwapo sa Christmas Party mamaya. 

Dumaan muna ako sa isang flower shop malapit sa subdivision namin, binili ko iyong pabotiro kong bulaklak para ibigay kay Lola Aine at Lolo Eidan. Binilhan din namin sina Mamita at Lolo Ted dahil baka magtampo sila. 

"We missed you Lola's and Lolo's!" Ani Reyie nang makapaso kami sa musileo nila. 

Inilapag ng mga pinsan kong lalaki ang mga bulaklak na binili namin sa tapat at gilid ng lapida. "Flowers for all of you po." Biro ni Cyan. 

"How are you Lola Aine and Lolo Ted?" Royal asked. Ganito kami kapag bumibisita sa kanila, kinakausap namin sila at kinakamusta. 

"Alam niyo po bang Christmas party na namin mamaya? And I'm sure, magiging magulo na naman kami." Natatawang sabi ni Ekko.

"Huwag niyo na po akong bisitahin sa kwarto, Mamita. Kahit sa panaginip na lang." Natawa kami dahil kay Nile. 

Siya ang matatakutin sa amin, kalalaking tao takot sa mga multo. Mahilig daw magparamdam sa kaniya si Mamita, madalas daw na kumakalampag ang pintuan niya. Si Mamita lang naman ang gumagawa noon sa kanya kasi mainit siya sa mata nito dahil sa kakulitan niya.

"Mamita, sige lang po. Dalawin niyo po si Nile kahit anong oras. Ayos lang sa amin." Sinapak ni Nile si Ekko sa braso. 

"Walang sakitan, mas lalo kang dadalawin ni Mamita niyan. Alam mong ayaw niya sa taong nananakit." Singit ko. Natigil si Nile kaya natawa kami. 

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon