Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makarating kami sa isang malaking mall. Bumaba ako at palihim na nagpasalamat dahil hindi na kami malapit sa isa't-isa katulad ng kanian sa kotse niya.
Ni hindi ako makagalaw at makapagsalita habang nasa biyahe dahil kinakabahan, nahihiya at naiilang ako. Iginiya niya ako sa entrance ng mall. Sa entrance pa lang ay pansin ko na ang pagtitinginan ng mga tao kay Kieran.
Paano ba naman hindi siya pagtitinginan? Maputi siya at blonde pa ang buhok at maganda din ang porma niya. Naghiwalay kami ng daan dahil hiwalay ang babae sa lalaki. Ininspeksyon ng guard ang bag ko, rinig ko pa ang mga impit na kilig ng mga babae sa aking likuran. Ganoon kalakas ang dating niya.
Nang makapasok ako ay agad siyang dumiretso sa akin. Nahiya naman ako dahil maging ako ay pinagtitinginan na din nila.
"Are you hungry?" He asked. Umiling ako.
"Pero gusto ko ng ice cream." Kumunot ang noo niya.
"Ice cream?" Paniniguro niya, tumango ako sa kanya. "Oo, 'yong fried ice cream." Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Fried ice cream? Meron ba non?" Tumango ako.
"Oo, ang alam ko ay meron dito non."
"Okay, sige. Let's go." Hinawakan niya ako sa bewang at sabay kaming naglakad.
Hindi ko alam kung ano ang itsura ko habang naglalakad, baka mukha akong manikin na hirap sa paglalakad dahil nasa bewang ko ang kamay niya. Hindi ako makatingin sa mga taong nakakasalubong namin dahil sa hiya. Hindi ako sanay ng ganito.
"Wala naman yatang ganon eh," napanguso ako.
"Hindi, meron non dito. Nakabili ako non last last last week eh."
Iyon yung time na nasa mall ako at bigla akong nag-crave sa fried ice cream. Doon ko din nalaman na naglilihi ako dahil palagi ko iyong hinahanap. Si Coco ang pinapabili ko non at binibili naman niya ako.
Pero nang magtapat ako kina Daddy tungkol sa sitwasyon ko ay nawalan ako ng gana kumain non at heto hinahanap ko na naman.
"Sigurado ka bang meron non dito?" Napatigil ako sa paglakad.
"Bakit hindi ka ba naniniwala? Hindi naman ako nagsisinungaling ah," sabi ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin.
Nakakaasar siya, hindi siya naniniwala sa sinabi ko na meron non. Mukha ba akong nagsisinungaling? Mahirap bang paniwalaan yung sinabi ko? Eh meron naman kasi talaga non eh.
"Oh bakit iiyak ka?" Ilang beses akong napapikit dahil sa sinabi niya.
"Hindi ako iiyak ah!" Nakakaasar siya. Hays.
Naglakad ako palayo, hahanapin ko yung stall non. Ang alam ko ay dito lang sa first floor yun. Napatigil ako sa paglalakad dahil humarang siya sa harap ko. Pilit niyang hinahagilap ang mata ko, nang mahagilap niya ito ay masama ang tingin na ibinigay ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/38987967-288-k870949.jpg)
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.