NOTE: Short update. Sorry :(
"Ate! Nakakaloka, sinabihan ka niya ng I love you!" Sigaw ni Yuji habang pinapalo pa ang lamesa. Hindi pa din tumitigil ang hiyawan sa paligid kahit na wala na si Garen sa stage. "Naku Coco, dapat ikaw din ay maging katulad ng ate mo para madaming mahumaling sa'yong fafa!"
"Shut up, Yuji." Kita ko ang pag-irap ng kapatid ko sa kaibigan namin.
Nagkomento pa sina Madiline at Jei tungkol sa naging performance ni Garen na nagpayanig daw ng buong school namin, matapos noon ay inanunsyo na nila na kailangan na naming ibigay ang mga regalo sa kung sino ang nabunot namin. Naunang pinatayo ang mga lower year at ang huli ay kami. Hindi ko ka-close ang kaklase ko na nabunot ko pero tinupad ko iyong gusto niyang regalo.
"Salamat dito, Amee. Maraming salamat talaga." Napangiti ako dahil bigla niya akong niyakap matapos niyang makita ang binigay ko sa kanya. Isa iyong album ng paborito niyang banda.
"Walang anuman." Gumanti ako ng ngiti sa kanya bago mag-paalam.
Kailangan kong maibigay ang mga regalong inihanda ko para sa mga kaibigan ko. Isa-isa kong binigyan sina Jei, Madiline, Yuji at Mikayla. Dalawang regalo na lang ang nandito sa paper bag na hawak ko, kay Garen at kay Kieran.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakikita si Kieran. Hindi siya pumunta? Siguro nga. Sinilip ko ang cellphone ko at wala ni isang text niya doon. Sana nagsabi man lang siya na hindi siya pupunta. Naupo ako sa table namin, ang iba kong mga kaklase at kaibigan ay may kanya-kanyang kinakausap. Hindi ko din naman makita ang mga pinsan ko dahil malayo ang mga table nila sa akin.
"Amee!" Nag-angat ako ng tingin sa tumawag sa akin, papalapit sa akin si Garen na may ngiti sa labi. Tumayo ako at ngumiti din.
"Ayos ang ginawa mo kanina, ang galing mo!" Puri ko sa kanya. Kumamot siya sa kanyang ulo.
"Para sa'yo kasi yon kaya ginalingan ko." Pansin ko, nagiging vocal si Garen tungkol sa nararamdaman niya sa akin.
"Salamat pala sa regalo mo," nginitian niya ako kaya nawala ang mga mata niyang singkit. "Nga pala, heto regalo ko para sa'yo." Iniabot ko ang isang box na nakabalot ng kulay berde.
"Nag-abala ka pa. Salamat." Guguluhin na sana niya ang buhok ko ng biglang may humawak sa kamay niya, sabay kaming napatingin sa may-ari ng kamay na iyon.
Si Kieran.
Matalim siyang nakatingin kay Garen, si Garen naman ay kalmado lang na nakatingin kay Kieran. Agad kong inalis ang kamay ni Kieran na nakahawak sa kamay ni Garen.
"Excuse us, Garen." Ngumiti ako ng bahagya bago hinila palayo si Kieran doon. Ayaw niyang lumalapit ako kay Garen pero heto ako, nahuli niyang nakikipagusap sa taong gusto niyang layuan ko.
Dinala ko si Kieran sa garden ng school, mabuti na lang at may ilaw ang bawat poste sa gilid kaya hindi madilim. Binitawan ko ang kamay niya. Tanging tubig lang na nanggagaling sa di gaanong kalakihang wishing fountain ang naririnig ko. Dito ko siya dinala para makapag-usap kami.
"Akala ko wala ka.." Umpisa ko.
"Nahuli lang ako ng dating." Napapikit ako nang marinig ang boses niya, gusto kong sabihin kung gaano ko hinanap-hanap ang boses na iyon. Ang malalim at seryoso niyang boses.

BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.