Magkasabay kaming naglakad ni Kieran paalis sa field matapos ang ilang sandali namin doon. Nang sinabi niya sa akin na gusto niya ako ay hindi ako nakapagsalita. Nasa field ang mga mata ko pero ang utak ko ay lumilipad.
Maingay ang buong ground dahil lunch break na. Naiirita ako dahil may ibang nagsisigawan na parang walang bukas, gusto ko sa tahimik na lugar. Gusto kong magbasa ng libro.
"Ah, Kieran.." Tawag ko sa kanya, nilingon niya ako. Mainit kami sa mga mata ng schoolmates namin. "Gusto ko sanang pumunta sa library.." Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na, "ng mag-isa." Dugtong ko.
Alam kong sasabihin niya na sasamahan niya ako, ayoko namang palagi siyang nakadikit sa akin. May mga bagay siyang dapat gawin na baka hindi na niya nagawa dahil sumasama siya sa akin.
Naniningkit ang mga mata niya.
"Pina-plano mo bang iwasan ako, Amee?" Umiling ako. "Mabuti dahil kung may plano ka hindi 'yon uubra. Hindi mo ako maiiwasan, Amee." Napa-awang ng bahagya ang bibig ko.
"Sige na, alam kong gusto mong magbasa ng libro." Pinat niya ang ulo ko. Nakakabasa ba siya ng isip?
Iniwan na niya ako kaya nagtungo ako sa library. Nang makarating ako doon ay kakaunti lang ang estudyante, ang iba ang busy sa paggawa ng kung anong activity. May ibang nagbabasa lang.
Tinungo ko ang pinakadulong shelf. May libro ako doong iniwan na hindi ko natapos. Pinilit kong intindihin ang binabasa ko pero hindi ko magawa.
Tungkol doon sa pag-iwas na nabanggit niya, may plano talaga akong ganoon. Bakit? Dahil hindi ako nararapat sa kanya at natatakot ako para sa amin ng baby ko. Natatakot na kapag nalaman niya ang sitwasyon ko ay magbago bigla ang isip niya.
Paano kung ipinagpatuloy namin ito ay mahulog ang loob ko sa kanya at malaman ang totoo? Masasaktan siya, iiwan niya ako. Masasaktan din ako dahil sa pagiwan niya sa akin pag nagkataon.
Natoon ang pansin ko sa estudyanteng nag-uusap hindi kalayuan sa akin. Hindi naman sa nakikiusyoso ako, sadyang naririnig ko lang ang pinag-uusapan nila.
"May nililigawan si Kieran," ani ng babaeng naka-ponytail.
"Yong pinsan ni Dust? Sino daw?" Tanong ng katabi nito.
"Ang alam ko ay ang president ng student council." Napangiwi ako, ganito din siguro ang pinag-uusapan ng iba.
Ipinagpatuloy nila ang pinaguusapan nila, hindi nila alam na nandito ako malapit sa kanila.
"Si Amee?"
"Oo, kaso diba gusto ni Britany si Kieran tapos ayaw ni Britany kay Amee.." Iyon din ang isa sa inaalala ko. Alam nang lahat na may gusto si Britany kay Kieran.
![](https://img.wattpad.com/cover/38987967-288-k870949.jpg)
BINABASA MO ANG
Up To You
RomansaHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.