UTY 15

5.3K 141 5
                                    



"Amaia," sabay kaming napatingin ni Garen sa lalaking tumawag sa akin. Si Kieran, nakatayo siya sa likuran namin. "Let's go." Aya niya sa akin na ipinagtaka ko.

"Saan tayo pupunta?"

"Sumama ka na lang." Hindi na ako nakapagsalita dahil hinila na niya ako patayo at palayo sa kanila.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" Tumigil siya sa paglakad at humarap sa akin.

"Sa lugar kung saan tayo lang ang nakaka-alam."


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Sa lugar kung saan kami lang ang nakaka-alam? Hindi ko maintindihan. Nagpatianod na lang ako at sumama sa kanya kahit wala akong ideya kung saan kami pupunta at kung ano ang ibig sabihin niya.


"Kieran, may gagawin pa ako sa school. Nakakalimutan mo atang president ako ng Student Goverment at kailangan nandoon ako para sa preparasyon ng Christmas Party."


Kanina pa kami nakalabas ng school at ngayon ay naglalakad kami papunta sa lugar kung saan kami lang daw ang nakaka-alam. Napatingin ako sa kanya, diretso lang ang tingin niya sa daan at mukhang walang balak magsalita.


"Kieran, huy!" Tawag ko sa kanya. Huminto siya kaya huminto din ako.


Nakalimutan ko yatang hawak niya ang kamay ko. Yumuko ako dahil ramdam ko ang pag-init ng mukha ko at alam kong namumula ngayon ang pisngi ko.


"Andito na tayo," napatingin ako sa tinitingnan niya.


Nasa tapat kami ng isang coffee shop, Sweet Seeya, pangalan ng coffee shop. Bumukas ang pinto at nandoon na si Kieran. Bumitaw pala siya sa pagkakahawak sa akin?


"Tara sa loob." Aya niya.


Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba, tumango ako at sumunod sa kanya. Medyo madaming customer ang nandito. Luminga-linga ako sa paligid. Natigilan ako dahil kay Cleo at Niqua. May mga kasama siyang ibang babae sa isang table.


"Ayun sila," hinila ako ni Kieran papunta kina Cleo. Napatingin sila sa kay Kieran tapos sa akin.

"Ran," tumayo ang isang lalaki at yinakap si Kieran. Tumingin siya sa akin. "Sino siya?"

"Amaia Psychee Salvatore." Napatingin ako sa nagsalita. Si Dust, iyong pinsan ni Kieran na may gusto kay Jeorge. Andito din pala siya.

"Ooh, kaibigan mo Ran?" Tanong ng babaeng chinita at may mahabang buhok na kulay dark brown.

"Stupid, Arian. Sa tingin mo magdadala ng kaibigan iyang si Ran kapag kasama tayo? Tayo lang ang kaibigan niya, remember?" Umirap si Niqua sa kanya.

"Nililigawan niya." Napasinghap silang lahat maliban kay Demon at Niqua. Cleo smiled at me.


Ito na ba yung sinasabi ni Jei na grupo niya?


"Upo na kayo." Sabi naman noong dark brown at straight ang buhok, may pagka-chinita din siya tulad noong berde ang buhok.

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon