After ng dalawang araw naging maayos na ako. Lumakas na ang katawan ko pero malungkot pa din ako. Nakalabas na din ako ng hospital. Nandito kami ni Daddy ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Mommy Ara. Tinitigan ko ang pangalang nakaukit sa maliit na lapida na katabi ng kay Mommy. Dito inilibing ang baby ko at si Daddy ang nag-asikaso noon.
"Aimira Salvatore.." Napangiti ako ng mapait. My baby is a girl. She's a girl.
"Noong panahon na magkasintahan pa lang kami ng Mommy Ara mo, iyan ang gusto kong ipangalan sa magiging anak ko na babae. Pero hindi natupad. Naikwento ko na naman sa'yo ang lahat diba? Kung ano ang nangyari noon at kung bakit wala siya ngayon. Nagpapasalamat ako na binigyan niya ako ng isang mabait na anak bago siya mawala, kahit na hindi ako ang nagpangalan nagpapasalamat pa din ako. Mahal na mahal kita, Amaia. Mahal na mahal ko kayo ng Mommy Ara mo."
Naiyak ako sa sinabi ni Daddy, niyakap ko siya ng mahigpit. Sandali lang kaming nagtagal doon dahil pupunta pa kami sa korte dahil ngayon hahatulan si Yael. Sa dalawang araw na nakalipas ay walang ibang ginawa si Daddy kundi asikasuhin ang tungkol sa kasong isinampa niya. Hindi niya daw hahayaang hindi makulong si Yael.
Pagkadating namin sa korte ay nandoon na ang buong pamilya namin, nahanap na nila si Tita Alex. Nagpakita kasi ito nang malaman na naaksidente ako. Agad niya akong niyakap ng makita ako. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob. Madami-dami na din ang tao, napatingin silang lahat sa amin. Ang alam ko ay nandito ang pamilya ni Yael. Natigilan ako ng makita si Kieran, diretso siyang nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil iginiya na ako ng abogado namin sa aking uupuan.
May ilang minuto pa ang natitira bago magumpisa ang paghahatol. Wala akong ibang ginawa kundi tumingin sa paligid. Hindi ako makagalaw dahil ramdam na ramdam ko ang ginagawang paninitig sa akin ni Kieran. Habang nasa hospital ako ay palagi siyang bumibisita, binabantayan niya ako pero hindi ko siya kinakausap. Hindi ko siya pinapansin.
Napaayos ako ng upo nang pumasok ang judge at naupo sa pwesto nila. Madaming sinabi ang judge na hindi ko nasundan. Nakatitig lang ako sa kamay kong nakapatong sa lamesa. Ano kaya ang mangyayari ngayon? Kinakabahan ako. Natauhan ako ng tawagin ang pangalan ko.
"Maaari ka bang pumunta dito, Ms. Salvatore." Huminga ako ng malalim, tumayo ako at pumunta sa pwestong iminuwestra ng abogado namin. "Ibahagi mo sa amin ang ginawa sa'yo ni Mr. Yael, ipapaalala ko lang na pawang katotohanan lamang ang dapat mong sabihin."
Tumango ako bilang sagot, nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napakadaming tao. "Naalala ko na inimbitahan niya ako sa isang birthday party. Kilala ko naman ang may birthday kaya hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanya. Nasa party na kami, madaming tao. Kumain kami at pagkatapos non ay binigyan niya ako ng juice. Doon na ako nakaramdam ng pagkahilo, ang akala ko ay nahihilo lang ako dahil sa pagod. Naalimpungatan ako ng maramdaman na may humahawak sa akin at tinatawag ang pangalan ko." Napapikit ako ng ilang beses, sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko.
"Hinahalikan niya ako sa mukha, sa leeg at pababa habang sinasabi niyang mahal niya ako. Hindi ako makagalaw. Wala akong lakas para pigilan siya, hindi ko alam kung bakit ganon. Iyak ako ng iyak," hindi ko na nakaya at humagulgol na ako.
"Anong sunod na nangyari, Ms. Salvatore?" Tanong ng judge.
"Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari ng makatulog ulit ako, pagkagising ko ay nasa mansyon na ako. Sobrang sakit ng ulo at katawan ko. Wala akong maalala na kahit ano. Ilang araw din akong hindi nakapasok, ang akala ng pamilya ko ay nag-inom ako ng sobra kaya ganon ang nararamdaman ko." Pinilit kong magsalita ng maayos para maintindihan nila. Napakasakit pa din ng nangyari sa akin, hindi ko matanggap.
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.
