Naalimpungatan ako dahil umingay ang paligid, rinig na rinig ko ang halakhakan ng mga pinsan ko. Nagkakatuwaan sila.
Hays, gusto ko pang matulog. Pakiramdam ko ay nabitin ako.
"Huwag kayong maingay," suway ko sa kanila.
"Anong nangyari sa mukha mo?" Kumunot ang noo ko sa tanong ni Cyan sa akin. Inihinto niya sa tabi ng kalsada ang van at sinuri ako.
"Bakit? Anong nangyari sa mukha ko?"
"Ba't puro kalmot ka Ate?" Huh? Oh, sheez! Naalala ko yung nangyari kanina.
"Sino may gawa niyan sa'yo?" Tanong ni Royal.
"Patingin nga!" Hinawakan ni Blue ang baba ko at tiningnan ang magkabila kong pisngi. "Oh my God! I think kilala ko na kung sino ang may gawa nito." Dugtong niya.
"Britany." Singit ni Jeorge.
"Sinugod ka niya?" Napatingin ako kay Ekko.
"Ah.. eh," Napangiwi ako.
Alam kong hindi nila hahayaan na ganito ako, gaganti sila. Kapag may umaaway sa akin, sina Royal, Blue, Jeorge at Coco ang palaging sumasalo. Sila ang nakikipag-away kahit na sinasabihan ko silang huwag na.
Pinapatigil ko sila pero hindi daw pwede na awayin na lang ako basta, hindi daw sila makakapayag na may umaapi sa akin. Ako ang panganay sa kanilang lahat pero ako itong ipinapagtanggol.
"F-uck that girl!" Blue shouted.
"Huwag niyo na lang patulan." Heto ang palagi kong linya sa kanila sa t'wing magsasalita sila sa mga umaaway sa akin.
"Hindi, Amee. Hindi pwede 'yon." Iiling-iling na sabi sa akin ni Royal.
"Lagot siya sa akin bukas." Naikagat ko ang ibabang labi ko dahil kay Coco, ayokong masama siya sa mga away o ano dahil vice president siya ng school.
Nakarating kami sa mansyon at iyon pa din ang pinaguusapan nila. Ang mga lalaki naman ay tungkol sa sports at mga babae. Mabuti na nga lang at wala sina Daddy, Mommy at mga Tita at Tito ko dito, dahil kung nandito sila ay mapapansin nila ang kalmot sa pisngi ko. Nagbihis ako ng pambahay at nagtungo sa garden.
Madalas kaming tumambay doon kapag friday na at walang pasok kinabukasan. Doon kami nagkwekwentuhan sa kung anu-ano. Nagtatawanan na naman sila nang makarating ako.
"Dust likes you, Jeorge." Nakangising sabi ni Ekko sa kapatid kong naka-indian sit sa bakal na upuan. Binato siya nito ng coke in can. "Aw!" Sapul sa noo si Ekko.
"Shut up, please." Umirap si Jeorge at nagtawanan naman sina Cyan at Derian.
Inasar nila si Ekko na namumula ang noo. Tinungo ko si Reyie na nagbabasa sa isang mahabang kahoy na bench, naupo ako sa tabi niya. Sinilip ko ang binabasa niya.
"Nagbabasa ka ng pocket book?" Tiningnan niya ako, namula ang pisngi niya kaya natuwa ako. Ayan na naman ang pisngi niya.
"A-ate naman, nakakagulat ka." Ang cute niya talaga magulat. Haha.
"Sorry." I giggled. "Kailan ka pa nahilig sa pagbabasa ng pocket books?"
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.