UTY 29

5.2K 137 3
                                        



"Hindi! Hindi totoo 'yan! Hindi pwedeng mawala ang baby ko!" Sigaw ko. Hindi pwede, hindi.. 


Madami pa akong pangarap sa kanya, madami pa akong gustong gawin kasama siya. Ipapanganak ko pa siya. Bubuo pa kami ng sarili naming pamilya. Aalagaan ko pa siya! Mamahalin ko pa siya gaya ng pagmamahal ni Daddy sa akin! Tuturuan ko pa siyang lumakad, magsalita, magsulat, magbasa at lumaki ng tama! Maglalaro pa siya tulad ng ibang bata! Mamamasyal pa kaming dalawa! Mag-aaral pa siya!


Mabubuhay pa siya..


"Amee, I'm sorry.." Umiiyak na din si Daddy. Napasandal ako sa headrest ng kama. 

"Bakit naman po ganun? Bakit iniwan niya ako agad?" Ang daya naman, bakit niya ako iniwan? Iniwan na nga ako ni Mommy Ara pati ba naman ang baby ko?

"Hindi kinaya ni baby kumapit sa'yo. Alam kong masakit anak, nawalan din ako ng apo pero kailangang tanggapin." Wala na akong nagawa kundi umiyak.


Napakasakit.


Hindi man lang ako nagkaroon ng tyansang makasama siya.. kahit na bunga siya ng kawalanghiyaang ginawa sa akin ni Yael. 


Pinagpahinga muna ako ni Daddy. Tinawagan niya ang mga pinsan ko para bantayan ako, hindi ko sila kinausap o kinibo. Wala akong ganang magsalita. Wala akong gana sa lahat. Ngayon pa na alam ko na ang dahilan kung bakit ako nabuntis at nawala pa sa akin ang baby ko. Naiintindihan siguro nila ako kaya hindi na nila ako pinilit pang magsalita. 

Nakalimutan ko na din ang tungkol kay Kieran, mas masakit pa ang nangyaring ito sa buhay ko kaysa sa ginawa niya sa akin. Kung magpapaliwanag siya sa akin ay hahayaan ko siya, papakinggan ko siya pero hindi na ako babalik sa kanya. Durog na durog ako ngayon. Walang natirang buo sa pagkatao ko dahil sa nangyari. 


"May bisita ka Ate," hindi ko nilingon si Blue. Hinayaan ko siyang buksan ang pinto at papasukin kung sino man ang taong iyon. Nakatingin lang ako sa bintana. 


Naramdaman kong may naupo sa tabi ng aking kama. Hinihintay kong magsalita siya, unti-unti akong napatingin sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Ang kamay na iyon.. Napalunok ako. Tiningnan ko ang taong gumawa ng kawalanghiyaan sa akin. Malungkot ang mukha niya habang nakatingin sa akin. 


"Masaya ka ba?" Tanong ko. "Masaya ka ba sa ginawa mong kababuyan sa akin?" Tila hindi niya inaasahan ang tanong kong iyon. 

"A-amee.." Nanlalabo ang mga mata ko dahil sa luha. 

"Masaya ka ba sa ginawa mo sa akin, Yael?!" Alam kong nakatingin sa aming dalawa ang mga pinsan ko. "Napaka-walang hiya mo! Bakit mo ginawa sa akin ang bagay na iyon?!"

Napatayo siya, "Amee.. Hindi ko sinasadya." 

"Hindi sinasadya? Kalokohan!"

"Ate, anong nangyayari?" Tanong ni Royal sa akin. Hindi ko siya pinansin.

"Bakit mo ako ginahasa, Yael Tan!?" Napasinghap ang mga pinsan ko dahil sa pagsigaw ko at dahil sa tanong ko. 

"Amee.." Mahina niyang tawag sa akin.

"Napakawalang hiya mo! Bakit mo nagawa sa akin ang bagay na iyon! Naaalala ko na ang lahat! Alalang-alala ko na! Nilapastangan mo ang pagkababae ko dahil lang sa hindi ko mapansin ang pagtingin mo sa akin? Kaya ano? Gumawa ka ng paraan! Inimbita mo ako sa isang kunwaring birthday at pinainom ng pampatulog! Napakasama mo!" 

Up To YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon