UTY 10

5.3K 179 7
                                    



Nagising ako dahil parang may nakatitig sa akin. Naupo ako sa kama nang makita ko si Coco na nakaupo sa gilid ko.


"Coco," tawag ko sa kanya.

"Naistorbo ba kita, Ate?" Umiling ako. "Maghahapunan na kasi, gigisingin sana kita kaso ang himbing ng tulog mo." Dugtong niya.

"Dapat ginising mo na ako." Tatayo na sana ako ng magsalita siya.

"May gusto akong malaman, Ate." Tiningnan ko siya, diretso ang mga mata niya sa akin. "Sino.. sino ang nakabuntis sa'yo?"

Napa-awang ang bibig ko. Hindi ko sa kanya sinabi kung sino, kung paano nangyari ang lahat. Walang nakaka-alam maliban sa akin. Wala.

Nag-iwas ako ng tingin. "Ayokong pag-usapan ang tungkol dito."


Nagmamadali akong tumayo at nag-ayos bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang mga pinsan kong kambal na nagja-just dance sa sala. Naupo ako sa tabi ni Reyie. Hawak niya ang ipad niya.


"Gising ka na," aniya. "Sakto at matatapos na din nila Mommy yung hapunan." Sinilip ko ang ipad niya, nagfi-facebook siya.

"Ate, tingnan mo 'to." Nagtype siya sa search bar, kumunot ang noo ko dahil profile ni Kieran ang lumabas. "Ang gwapo niya 'no?"

Tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa profile picture ni Kieran. "Ang pangit niya."

Nilingon ako bigla ni Reyie, "Eh? Ang gwapo kaya niya dyan."

"Hindi, hindi siya gwapo. Ang pangit niya." Hindi na nagsalita pa si Reyie, pinanood ko na lang sila Royal at Blue na sumasayaw.


Nag-vibrate ang cellphone ko at bumungad ang pangalan ni Kieran. May iilang messages na galing sa kanya. May missed calls pa. Tumatawag siya. Sasagutin ko ba?


Tumayo ako at lumabas ng mansyon, nilakad ko ang daan papunta sa garden. Sinagot ko ang tawag niya nang makarating at makaupo ako sa bench doon.


"Ano 'yon?" Naiirita ako. Hindi ko alam kung bakit. Basta naiirita ako.

"Wala, masama bang tumawag?"

"Hindi, ano bang kailangan mo?"

"Woah, bakit ang sungit mo ngayon?" Napabuga ako ng hininga.

"Wala."

"Meron ka ba?" Ano?!

"Wala ah!" Sigaw ko.

"Eh bakit ang sungit mo bigla." Hindi ko din alam, basta naiirita ako. Yun ang alam ko.

"I miss you." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Eh si Via? Miss mo?" What the..


Anong sinabi ko? Napatakip ako sa bibig ko nang marinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. Bakit ko ba nasabi 'yun? Baliw ka Amee!


"Nagseselos ka ba, Amaia?" Nanlamig ako bigla dahil sa pagtawag niya sa akin gamit ang una kong pangalan.

"H-hindi ah! Ba't ako magseselos?" Bumalik na naman ang pagka-irita ko.

"Sige na, kumain ka na. Huwag kang magpapalipas ha. Bye," at ganon lang ay binaba niya ang tawag.


Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon