"Kyah!"
Napatakip kaming lahat dahil sa matinis na sigaw ni Jei. Um-echo pa ito sa buong campus. Nagtatalon siya sa tuwa. Sa wakas ay natapos na namin ang pagdedesign ng buong ground.
Ayos na din ang program, may na-assign na din kami bilang Masters of the Ceremony. Sina Madiline at Jei ang napili namin dahil sila lang ang malalakas at madadaldal sa amin. Nilagyan ko ng check ang nasa listahan ko. May inarkila din kami para sa pekeng snow dahil White Christmas nga ang aming theme.
Pinasadahan ko ng tingin ang paligid, wala si Kieran. Miski bakas niya ay wala. Sabi din ni Mikayla ay wala din siya sa room. Nasaan ba siya? Hindi ba siya papasok?
"Tara na 'te!" Aya sa akin ni Jei, kailangan naming pumunta sa Broadcasting Room para i-announce ang tungkol sa dress code. "Oh, 'yong mga magpa-practice para sa program mag-practice na!"
Tumango ako kay Jei at sabay kaming naglakad patungo doon. Nakapagtataka din dahil wala din si Garen. Ang sabi niya ay tutulong siya hanggang ngayon, ito na ang last ng paghahanda para sa Christmas Party.
"Hi!" Bati ni Jei sa taong nasa loob ng Broadcasting Room. "This is Jeremih, Amee. Siya ang DJ ng school." Jeremih? Parang familiar ang pangalang iyon.
"Tapos lalandiin mo si Jeremih? I told you before na huwag si Jeremih and don't dare mess with me, right b-itch!?" Naalala ko na. Si Blue.
"I-ikaw ba si Jeremih na gusto ni Blue?" Umigting ang panga niya at umiwas ng tingin.
"Alam mo naman dito Jei diba? Kaya niyo na iyan. Labas nako," nagmamadaling lumabas si Jeremih at naiwan kami ni Jei dito.
"Nako 'teh, dapat hindi mo na binanggit si Blue kay Jeremih. Ayaw niya sa pinsan mo at alam ng lahat iyon." Naupo si Jei at naupo din ako.
"Bakit ayaw niya sa pinsan ko? Anong dahilan?" Nagkibit-balikat siya at may pinindot doon sa isang aparato na ginagamit ng DJ.
"Walang nakaka-alam."
Umilaw ang on air at nagsimula nang magsalita si Jei, may script kami kaya naging madali lang sa akin ang pag-aanunsyo. Nang matapos ay lumabas na kami sa loob. Naabutan naming nakasandal sa pader si Jeremih habang may sigarilyo sa bibig.
"Thank you, Jeremih." Matamis ang ngiti ni Jei dito. Inalis niya ang sigarilyo sa bibig at tinapakan ito.
"Walang anuman." Tumingin siya sa akin kaya natigilan ako, kakaiba siya kung makatingin. "Magandang pakinggan ang boses mo, pwede kang maging DJ."
Nilagpasan niya kami at pumasok na sa loob ng Broadcasting Room. Hinampas naman ako ni Jei sa braso kaya natauhan ako.
"Ang daming nagagandahan sa'yo 'teh! Diyosa!"
"Baliw, hindi ah."
Sunod kaming pumunta sa ground, naabutan naming nagpa-practice na ang mga magpe-perform. Naupo ako sa bench sa gilid at sinilip ang cellphone ko. May isang text doon kaya agad ko itong binasa. Akala ko ay si Kieran ang nag-text pero hindi pala.

BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.