Hindi ko namalayang nakatulog ako sa paghihintay. Wala na si Royal sa kwarto ko at patay na din ang ilaw. Soot- soot ko pa din ang damit na sinoot ko para sa date naming dalawa ni Kieran. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tingnan kung may text siya doon pero lowbat ito.
Agad kong kinuha ang charger at isinaksak ito. Ilang segundo lang ay nakatanggap na ako ng mga texts. Maraming texts si Kieran sa akin, humihingi siya ng tawad dahil sa hindi natuloy ang lakad naming dalawa at dahil sa pinaghintay niya ako. Ni-replyan ko siya na ayos lang. Totoo, ayos lang sa akin na ganon ang nangyari. Naiintindihan ko naman.
Alas onse na pala, ang haba masyado ng tulog ko. Nagbihis ako ng pangtulog, gusto ko ding bumaba para kumain dahil nagugutom na ako. Mabuti na lang at gising pa ang maid namin, hindanaan niya ako ng makakakain. Inusisa niya din kung bakit ngayon lang ako kakain, sinagot ko naman siya na kaya ako ngayon lang kakain dahil ako'y nakatulog.
"Iwan mo na lang sa iyan pinagkainan mo dito kapag natapos ka na hija, ako na ang bahala dyan. Magpahinga ka na, hindi maganda sa iyo na gising ka pa ng ganitong oras." Paalala niya sa akin bago bumalik ng kusina.
Itinabi ko ang phone ko at nagsimulang kumain ng mag-isa. Masyado yata akong nagutom dahil malapit ko nang maubos ang inihanda ng maid. Sunod-sunod ang pag-vibrate ng phone ko, ibinaba ko ang kubyertos at tiningnan ito. Puro texts sa isang unknown number.
From: Unknown Number
What is your dirty not little but so big secret?
I know your secret.
Do you know me? Yes or no?
I know you.
Very very well.
Be careful, I'm watching you.
Always watching.
Sunod-sunod iyang text, ito yung number na nagtext din sa akin kahapon. Malakas yata ang trip nitong may-ari ng number na 'to. Rereplyan ko sana kaso nagtext siyang muli at halos tumigil ang mundo ko dahil dito. I swallowed hard. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mabasa 'yon. Paano? Paano niya ako nakilala? Sino ba siya? Bakit alam niya?
I know you're pregnant, Amee.
Kinakabahan ako. Wala nang may alam ng tungkol doon maliban sa pamilya ko at doctor na tumingin sa akin noong na-hospital ako. Papaanong may ibang nakaka-alam? Hindi ko na tinapos pa ang kinakain ko at nagmamadali nang bumalik sa kwarto ko.
Ikinulong ko ang sarili ko sa kumot habang binabasa pa din ang mga mensaheng natanggap ko sa unknown number na iyon. Sa bawat pagbasa ko sa mga salita ay mas lalong lumalagabog ang dibdib ko. Dahil hindi ako mapakali ay tinawagan ko si Royal, sa pang-limang ring ng tawag ay sinagot na niya ito.
"Hello?" Halata sa boses niya na nagising siya dahil sa tawag ko.
"Royal, pwede bang dito ka matulog sa kwarto ko?" Tanong ko.
"Bakit? Anong meron?"
"Basta, dito ka na matulog. Para may kasama ako."
"Okay, papunta na ako." Ibinaba ko ang tawag at hinintay siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/38987967-288-k870949.jpg)
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.