UTY 9

5.2K 170 8
                                        



Magkahawak kamay kaming pumasok ni Kieran sa isang resto na sabi niya ay paborito niya dahil sa masarap daw ang pagkain nila dito. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito.


Maganda ang ambiance, nakaka-relax kahit na tingnan mo lang. Medyo madami din ang kumakain, hindi gaanong maingay. Hindi ko gusto ang instrumental music pero ngayon ay gusto ko na ito. Napaka-kalmado kung pakikinggan, ang sarap sa tainga.


"Like the music?" Napatingin ako kay Kieran saka tumango.


Pansin kong unti-unti akong nagiging kumportable sa kanya, kahit na nakakaramdam pa din ako ng ilang at hiya. Alam kong tumaas ang lebel ng pagiging malapit naming dalawa.


Dumating ang waiter at binigay ang menu sa amin. Sa picture palang ay alam mo nang masarap ang pagkain nila, pumili ako ng sa akin at ganoon din si Kieran.


"You saw your picture?" Umpisa niya.

"Oo." Nahiya ako bigla, sumandal siya sa upuan niya. "May tanong ako.." Napakagat ako sa labi dahil hindi ako sigurado kung itatanong ko pa ba o hindi.

"Ano 'yon?" Huminga ako ng malalim.

"Gusto mo ako dati pa, diba?" Parang ang kapal ng mukha ko nang itanong ko 'yun.

He nodded. "Pero bakit ngayon ka lang nanligaw?" Ngumiti siya.

"Karamihan sa mga lalaki torpe, oo gusto kita dati pa. Pero wala akong lakas na umamin sa'yo. Nahihiya ako, kalaunan naisip ko na walang mangyayari kung hindi ako kikilos. Hindi ka magiging akin, kung hindi kita liligawan." Napalunok ako dahil sa sagot niya. Halata sa mga mata at boses niya na seryoso siya.

"I'm sorry kung naghintay ka." Napa-awang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Natawa siya bigla. "Nagbibiro lang ako,"


Natawa din ako nang sabihin niya iyon, may ganito pala siyang side. Ang akala ko kasi ay wala, akala ko ay seryoso lang siya palagi. Marunong pala siyang magbiro.


Dumating na ang order namin at tahimik kaming kumain. Ni hindi kami nag-usap dahil ninamnam naming dalawa ang pagkain namin. Tama siya, their food here is delicious. Ma-aya ko nga minsan dito ang mga pinsan ko, I'm sure they'll love it here.


Nagpunas ako ng bibig matapos kong kumain, hindi ako masyadong kumain. Sakto lang sa aming dalawa ni baby. Ayokong sumobra dahil baka isuka ko lang din mamaya.


May bigla akong naalala, "Nakausap mo ba si Daddy kanina?" Tumingin siya sa akin.

"Oo," sagot niya. Dahil sa kuryusidad ay nagtanong ako ulit. Lumapit ako sa mesa at ipinatong doon ang magkabila kong siko.

"Anong pinag-usapan niyo?" Ngumuso siya.

"Bawal sabihin, sa amin lang 'yon." Napangiwi ako dahil sa sagot niya, ganoon ba 'yon?

"Oh my God!" Sabay kaming napatingin ni Kieran sa sumigaw.


Nagmamadali sa aming lumapit ang isang babaeng naka-shorts, tank top at roshe run. Maputi, matangkad, mahaba ang buhok na kulay brown. Tumayo si Kieran at niyakap ang babae. Bineso naman siya nito.

Up To YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon