UTY 13

5.2K 154 2
                                    



Maingay ang mga pinsan ko sa sala dahil nagtatalo sila kung saan kami magbabakasyon ngayong pasko. Kung ako lang ang masusunod ay ayaw kong malayo dito sa mansyon, gusto kong doon kami sa libingan nina Mamita, Lolo Ted, Lolo Eidan at Lola Aine.


Okay lang naman 'yon diba? Sama-sama kaming lahat, tsaka gusto ko ding bumisita sa puntod ni Mommy Ara. Naupo ako sa sofa at sinimulang kainin ang isang galon ng ice cream na natira. Nagising na lang kasi ako na gusto ko itong kainin.


"Sa Zambales na lang kasi tayo!" Giit ni Royal.

"Gusto ko sa splash island," ngumuso si Nile.

"I prefer Zambales, may maganda doong beach eh!" Ani Blue, nag-apir silang dalawa ni Royal.

"Palawan kaya?" Suhestiyon ni Ekko.

"Tawi-tawi na lang? Ano?" Natawa ako sa sinabi ni Cyan. Binato siya ng throw pillow ni Derian.

"Corny mo," ngumisi lang si Cyan kay Derian.

Pabagsak na naupo si Coco sa tabi ko, "Sige. Sa Tawi-tawi ka Cyan."

"Dito na lang sa bahay." Walang ganang sabi ni Jeorge.

"Ang pangit naman nun Jeorge." Singit ni Royal.

"Disney Land?" Ayan na naman ang pagka-isip bata ni Reyie, alam naman naming gusto niya lang makita sina Mickey Mouse at Minnie Mouse. Paborito niya kasi.

"Gusto ko sa La Trinidad." Napatingin kaming lahat kay Zeron.


Bigla niya na lang sinabi ang La Trinidad? Oo no, hindi pa ako nakakapunta doon. Sa tingin ko ay wala pang nakakapunta doon ni isa sa amin. Saka nacu-curious na din ako kung ano ang itsura ng La Trinidad.


"I'll tell Tito Aiden about it." Napanganga na lang kami nang tumayo si Zeron at naglakad papaakyat ng mansyon.

"Nile, bakit ganun si Zeron?" Tanong ni Derian. Nagkibit balikat si Nile.

"Pumasok na kaya tayo?" Tumayo ako para ilagay sa kusina ang galon ng ice cream, ubos ko na kasi siya.


Lahat sila ay nakatingin sa akin nang bumalik ako. Nagtaka naman ako at nagpunas ng bibig dahil baka may ice cream pa ako sa gilid ng labi, makalat pa naman ako kumain.


"Bakit?" Nakatingin pa din kasi sila sa akin. "Wah!" Napaatras ako ng makita si Kieran na nakaupo sa pinaka-dulong bahagi ng sofa.


B-bakit siya nandito?


"He's fetching you." Sabi ni Coco.

"Mauna na kayo," tumayo si Royal at ibinigay ang bag ko kay Kieran.

"T-teka.." Mahina kong sabi.


Bakit sinusundo niya ako? Anong meron? Kumunot ang noo ko nang maalala ang hindi niya pagpaparamdam kahapon. Parang wala lang sa kanya ah. Hindi ko alam kung bakit kumulo bigla ang dugo ko.


Nagpatianod na lang ako dahil wala naman na akong magagawa, nandiyan na siya. Nag-effort siya na pumunta dito para sunduin ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at tahimik lang akong pumasok doon.

Up To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon