UTY 22

4.2K 116 5
                                        

NOTE: Dedicated to mseliza1345628, sorry kung natagalan sa update. Dapat ay nung nakaraan pa ito na post kaso may sira yata si wattpad at hindi ma-publish ng ayos. Sorry talaga. Madami lang din kasi akong inaasikaso sa school </3


"Enjoy the rest of the night students! Enjoy the party!" Sigaw ng Guidance Counselor matapos magbigay ng mensahe sa amin at paalalahan ng kaunti tungkol sa pag-aaral namin. 

"Whoo!" Sigawan naming lahat, pliney ni Jeremih ang isang kantang nakakaindak at malakas. 


Madaming mga estudyante ang nagpuntahan sa gitna ng quadrangle para sumayaw. Tiningnan ko ang mga ka-miyembro kong inaaya nina Jei at Yuji para sumayaw. Tiningnan ko si Kieran na nasa tabi ko, hawak-hawak niya ang cellphone niya. 


"Amee, tara sayaw tayo!" Sigaw ni Yuji. Nilingon ko siya.

Umiling ako, "Kayo na lang."

"Grabe, tara na kasi! Christmas Vacation na after neto oh!" Sumimangot siya sa akin. 

"Medyo masama ang pakiramdam ko, Yuji. Sorry." Totoo 'yon, medyo masama ang pakiramdam ko. Dahil siguro sa malakas na tugtog. Nahihilo ako ng kaunti. 

"Kj 'yan si Amee, Yuji! Tsaka hayaan mo na 'yan kay Papa Kieran!" Pigil sa kanya ni Jei.

"Tayo na lang." Napatingin kami kay Coco na tumayo at dumiretso sa gitna.

"Anong nakain ng kapatid mo 'teh?" Nagkibit balikat ako sa tanong ni Yuji.  

"Baka sinapian ng masamang espirito! Tara na!" Pinanood ko sina Yuji at Jei na tumakbo papunta sa mga kumpulan ng estudyante.


Nagsigawan ang mga estudyante sa saliw ng musikang umiibabaw sa school, mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Nahihilo ako dahil sa neon lights at lakas ng tugtog. Nilingon ko si Kieran, hawak pa din niya ang cellphone niya pero ngayon ay nagtitipa na siya doon. 


"Ate!" Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko ang mga pinsan ko sa 'di kalayuan, napahawak ako sa upuan dahil muntik na akong matumba. Nahihilo ako pero binigla ko ang sarili kong tumayo. 

"You look beautiful!" Cyan kissed me on my cheeks. 

"Thank you!" 

"Look at Derian and Nile, Ate!" Tinuro ni Reyie ang dalawa pa naming pinsan na lalaki. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa outfit nila. They're wearing an elf costume!

"Hi Ate! We're Santa Zeron's elves!" Derian shouted. Iniharap nila sa akin si Zeron na ngayo'y nakasimangot, halos lumuwa ang mata ko sa soot niya! He's wearing a Santa Claus costume! Oh my God!

"What happened?" Hindi ko na napigilang matawa nang umirap si Zeron.

"Ewan ko ba sa mga iyan, ganyan ang trip nila eh." Nagtawanan kami ng mga pinsan ko dahil sa itsura ng tatlo. 

"Babe," nilingon ko ang taong nasa likuran ko. Dumulas ang kamay niya sa baywang ko, ikinasinghap iyon ng mga pinsan ko. 

"Oh my.. What's the meaning of this?" Shocked na sabi ni Blue.

"Kayo na?" Tanong ni Ekko.

"Yes." Taas noong sagot ni Kieran.

"Woah, congrats!" Nag-fist bump sina Cyan at Kieran. Niyakap naman siya ng iba kong pinsan maliban kay Ekko. 

"Saglit lang Kieran, hiramin ko lang si Ate." Paalam ni Reyie saka ako hinila papalayo doon. 


Up To YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon