UTY 23

3.8K 117 2
                                        



Naghanda na ako ng matapos namin ang pangatlong movie na pinanood namin, it's three thirty in the afternoon nang matapos akong mag-ayos. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang sabi sa akin ni Tita Rey, kamukha ko daw si Mommy Ara. Ipinakita nila ang picture ni Mommy sa akin at masasabi kong kamukha ko talaga siya. 

Aalagaan at mamahalin ko ng sobra ang magiging anak ko. Hindi ko siya iiwan dahil alam ko ang pakiramdam nang iniwan. Tatanggapin ko siya ng buo dahil alam ko ang pakiramdam ng hindi tinanggap ng buo. I'll be a good mother to him or her. 


"Lalo ka yatang gumaganda tapos pala-ayos ka na din ngayon ah? Ganyan ba pag buntis?" Hinarap ko si Royal na prenteng nakahiga sa kama ko. 

"Hindi ko alam, gusto ko lang ayusan ang sarili ko." Ngumiti ako.

"Para maging maganda ka sa paningin ni Kieran?" Panunukso niya, tumawa na lang ako. 


Ayokong aminin na isa din iyon sa dahilan kung bakit ako nag-aayos. Syempre, lahat ng babae ay gustong maging maganda sa paningin ng minamahal nila. Para sila lang ang titingnan nito, pero tiwala naman ako kay Kieran na ako lang ang titingnan niya.


"Kamusta na kayo ni Blue?" Tanong ko. 

"Hindi pa din kami nagkaka-ayos." Sagot niya habang nakaharap sa laptop, panigurado akong tintingnan na naman niya ang facebook page ni Clov kung saan may mga update patungkol dito. She's been like that simula nang mawala si Clov sa school.

"Ayusin niyo na 'yang gusto niyo. Hindi pwedeng hindi kayo magkabati, kambal kayo." 

"It's already four, bumaba ka na kaya." Natawa ako dahil sa iniba niya ang usapan, ayaw niyang pag-usapan kung anong nangyari sa kanila ng kambal niya. Tumayo ako.

"Okay, bye." Paalam ko sa kanya bago lumabas ng kwarto ko.


Pababa palang ako ng hagdan ay rinig ko na ang boses ni Blue na nag-aayang magpunta sa mall. Nakahiga sina Reyie at Coco sa sofa habang si Blue nakapameywang sa harap ng dalawa. 


"Sumama na kasi kayo! Libre ko naman eh," matamis na ngumiti si Blue.

"Talaga? Libre mo?" Napaupo si Reyie.

"Oo basta samahan niyo ako."

"Huwag kang magpapaloko dyan Reyie," binato ni Blue si Coco ng throw pillow. 

"Sumama ka na din kasi Cocoa!" Tumayo si Coco.

"Ayoko nga," iniwan ni Coco ang dalawa. Tiningnan ko siya habang papalakad papunta sa akin, ni hindi niya ako tiningnan at nilagpasan ako. 

"Problema ni Coco?" Tanong ko sa dalawa. Mukhang wala sa mood ang kapatid kong iyon ah?

"Di namin alam, kanina ay ayos naman siya." Sagot ni Blue.


Naupo ako sa sofa at tiningnan silang dalawa.


"Sama ka ate? Mall tayo. Libre ko." Aya sa akin nito.

"Kayo na lang, may lakad ako eh. Susunduin ako ni Kieran." Tiningnan ko si Reyie, nakatingin siya sa akin pero mukha siyang dismayado. 

"Ay ganun? Sige kami na lang. Mag-ready na tayo, Reyie." Hinila ni Blue si Reyie paakyat sa second floor.


Up To YouMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon