Hindi pa naman masyadong halata ang tyan ko dahil malaki ang blouse ko. Hindi ko din masyadong tinuck-in. Mahirap na baka may makahalata. Kinuha ko ang bag ko at saktong papunta na ako sa pinto ng bumukas ito.
"Let's go?" Tumango ako kay Jeorge, sabay kaming naglakad at bumaba sa hagdan. Tapos na kaming kumain kaya, diretso na kami sa school.
Lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa.
"Oh, nasaan na si Ekko?" Tanong sa amin ni Cyan.
"Nandun pa, nagbibihis." Sagot ni Jeorge.
"Ano ba 'yan! Kahit kailan talaga iyan si Kuya!" Iritadong sabi ni Derian. Naupo ako sa tabi ni Reyie. Busy siya sa pagce-cellphone kaya hindi niya ako napansin.
Dumungaw ako para makita ang ginagawa niya. Napanguso ako dahil sa nakita ko, she's stalking someone's profile on facebook!
"A-ate!" Utal niyang tawag sa akin. I smiled.
"Ikaw ha," tiningnan ko siya nang makahulugan. Kita ko ang pagpula ng pisngi niya. "Crush mo?" Taas kilay kong tanong.
Mabuti na lang ay busy ang iba naming pinsan at hindi nakikiusyoso sa aming dalawa.
"Opo," ngumiti siya kaya lumabas ang mataba niyang cheekbone.
Nanggigigil ako sa kanya.
"Aw!" Sigaw ni Reyie nang kurutin ko ang dalawa niyang pisngi.
"Hala, ikaw ang mapaglilihian niyang Reyie." Singit sa amin ni Cyan. Ngumuso si Reyie kaya mas lalo ko pang kinurot ang pisngi niya.
"Ang cute mo, haha." Tuwang-tuwa kong sabi.
"Ate.. mashakit.." Dahil nasasaktan na siya ay inalis ko na ang kamay ko sa pisngi niya.
"Sorry!" Nag-peace sign ako sa kanya.
Pulang-pula ang pisngi niya dahil sa pagkakakurot ko. Ang cute niya kasi, kasalanan ko ba na ma-cute-an ako sa pisngi niya. Buntis kaya ako. Hihi.
"Ano ba! Ang tagal mo!" Singhal ni Nile kaya napatingin kami sa gawi nila, kakababa lang ni Ekko ng hagdan.
Ngayon ko lang napansin ang mga sport bag nila. May practice sila?
"May practice kayo?" Tanong ni Blue.
"Yup." Sagot ng kapatid nitong si Cyan, "Pati nga din si Nile meron eh." Ibang sport ang sinalihan ni Nile sa school, table tennis. Samantalang sina Cyan at Ekko ay basketball.
"Let's go." Aya sa amin ni Zeron. Nauna pa itong lumabas ng mansyon, sumunod kami sa kanya at sumakay na sa van.
Abala silang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Si Blue na selfie ng selfie, kambal nitong si Royal na nagsusulat ng kung ano sa notebook niya, si Reyie na nagbabasa ng libro, si Coco na naglalaro ng psp, si Jeorge na naka-earphones at nakapikit. At mga boys na nagkwekwentuhan ng kung anu-ano.

BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.