Nagpunta ako sa cr at doon umiyak. Hindi ko na kasi kaya. Nakakainis talaga. Oa na kung oa pero iyon lang ang paraan para mailabas ko ang pagkainis ko kay Kieran. Naghilamos ako at nagpunas ng maayos bago bumalik sa cafeteria, nandoon silang lahat sa isang mesa. Nagkakatuwaan. Nandon din si Garen, kausap nila Denise.
"Saan ka galing?" Napahawak ako sa tyan ko nang biglang sumulpot sa harap ko si Coco.
"Nakakagulat ka. Sa cr," sagot ko saka naupo sa mesang malapit sa amin. Naupo siya sa harap ko.
"Umiyak ka ba?" Taas kilay niyang tanong.
"H-hindi." Pagsisinungaling ko. Tumango lang siya sa akin.
"Amee, Coco. Tara na alis na tayo." Aya ni Jei sa amin.
"Agad? Ang bilis naman," reklamo ni Coco.
"Madami kasi tayong bibilhin kaya ganun." Tumayo ako at tumayo na din si Coco.
Sabay-sabay kaming lumabas sa cafeteria. Nakasalubong pa namin si Kieran, agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya ng makita kong nakatingin siya sa akin. Ayoko siyang pansinin ngayon dahil baka mainis na naman ako.
"Magco-commute lang tayo ah," paalala ni Denise.
Nag-abang kami ng jeep sa tapat ng school. Napatakip ako sa mukha ko dahil sa init. Nakalimutan kong magdala ng payong ngayon. Napatingin ako payong na nasa itaas ko, kulay pink ito, sunod akong napatingin sa nag-payong sa akin.
Si Kieran. Nakatingin siya sa malayo kaya tumingin na lang din ako sa sapatos ko. Sumigaw si Jei na may jeep na kaya sumakay kami doon. Naupo ako doon sa malapit driver. Sa harap ko naman ay si Kieran. Napangiti ako ng makatabi ko si Garen.
"Manong bayad po, dalawa." Sabi ni Garen sabay abot ng bente doon sa driver. "Libre na kita." Kinindatan na naman ako ni Garen.
Hinampas ko siya sa balikat, "Salamat."
Medyo malayo ang Mall sa school, traffic din kaya naman parang isang dekada kaming nandon sa jeep. Pinapayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko dahil sa init.
"Paypayan na kita," napa-ayos ako ng upo nang paypayan ako ni Garen.
"Saan mo nakuha iyan?" Tukoy ko sa pamaypay na hawak niya.
"Kay Denise, malaki naman ang pamaypay ni Jei kaya pinahiram niya 'to sa akin." Inagaw ko sa kanya yung pamaypay.
"Ako na magpapaypay."
Hinawakan niya ang kamay ko at inalis iyon sa pamaypay, "Hindi ako na. Mangangawit ka eh."
Napatingin kaming dalawa kay Kieran dahil sa pagtikhim nito. Problema niya?Hinayaan ko na lang si Garen na paypayan ako dahil siya naman ang nagkusa, hindi ko naman siya pinilit na paypayan ako.
Nakarating kami sa Mall kaya laking pasasalamat ko. Malamig na kasi dahil aircon.
"Pawis ka, wala ka bang bimpo?" Tanong ni Garen sa akin.
"Wala eh,"
"Here." Iniabot niya ang isang puting bimpo.
BINABASA MO ANG
Up To You
RomanceHindi naging madali kay Amee na hindi siya tanggap ng Mommy niya, sabihin na nating step mother o Tita. Maging madali din kaya sa pamilya niya na tanggapin ang katotohanang haharap sa kanila? Sa kaniya? Started: May 04, 2015 Ended: April 07, 2016.
