"Wait—what? Inimbitahan ka ni Erdel sa kasal niya?" muntik pang masamid si Thalima sa balita ko sa kanya habang naglalakad papuntang opisina.
Napapikit ako at huminga nang malalim. Even I, can't understand what's going on his mind.
I massaged the bridge of my nose to calm down kahit sumasabay ang init ng araw. Sa sobrang stressed ko kaninang umaga ay nakalimutan kong magdala ng payong.
"Nakakatawang isipin, pero yes. Take note, I blocked all his contacts, but he managed to send me an formal invitation through email. May map pa papuntang reception. How cruel is that?" yamot na yamot akong pumasok sa loob at halata ito sa pagtunog ng takong ko. Good thing kami pa lamang ang tao.
Tumaas ng kilay ng chismosa kong ka-trabaho at hinarap ako, "Baka naman kasi he wants to get even. Truce ba, mars? Puro kasi world war ang nasa isip mo kapag siya ang topic."
"Oo nga, halata tuloy na hindi ka pa nakaka-move on. Let me remind you, 5 years na ang nakalipas ha," segunda ni Gretna. Mas maaga pa siya sa amin nakarating kung tutuusin. Iba talaga ang nagagawa ng chismis.
Umupo ako sa swivel chair na parang pagod na agad kahit magsisimula pa lang sa trabaho at binuksan ang laptop, "He was my best friend too, okay? siguro kung strangers lang kami to lovers noon ay mas madali. Ewan, I guess I'll attend para matapos na ang pagka-bitter ko," sambit ko ara matigil na ang atensiyon sa akin.
Gretna raised my chin, "Girl, don't think like that. Pumunta ka for his sake. I'm sure he's sorry too."
Inabutan naman ako ni Thalima ng chocolate, "Malay mo, doon niya sabihin ng lahat. Pareho niyong deserve ng closure. Matagal mo na itong hinahanap, hindi ba?"
I sighed and nodded. Imbitado ang mga college friends namin doon, panigurado.
Habang nagtatrabaho ako ay iniisip ko ang hitsura ko sa araw na iyon. Should I wear an all-black outfit for that mysterious aura? Dapat ba eye-catching? Nah, sundin ko na lang siguro ang motif or theme ng kasal.
And then the day came. Beach wedding at halos beach themed din ang venue. Pumili lang sila ng pwesto na may silong.
Umupo muna ako saglit at tiningnan ang dalampasigan. Hindi ko kayang dumalo sa seremonyas kaya sa program na lang ako makiki-cooperate. I just can't accept the fact na hindi ako 'yung naglakad sa sand at ibinilad ang sarili sa ilalim ng mainit na araw para lang mahagkan ang tinatangi ko. Hindi ko kayang maging masokista at mas mabuting hindi ipilit. Hanggang ngayon, siya pa rin, I guess.
"Kanina ka pa rito? Katatapos lang ng kasal."
Pamilyar ang tinig. Tama ang hula ko na isa siya sa kabarkada ni Erdel. "Yes, Vitto. Inunahan ko na sila. Nate-temp na nga akong paliparin 'yung dalawang puting ibon kahihintay," biro ko. He understood my reason at hindi na umimik pa. Tumawa na lang siya at umiling.
"Zaney, bawal mangagat. Tatandang dalaga ka niyan," sabat ni Patty. Karga nito ang anak niyang tatlong-taong gulang na siguro.
Nahagip ng mata ko ang amiga ko noong Senior High School. Kahit buntis ito ay nagmadali siyang lumapit at hinigit ako para bumulong, "Mare, ang gwapo ni Erdel. Sayang kayo!" hinampas pa niya talaga ako sa braso nang bahagya kaya natawa ako. "Ganoon talaga, Mareng Linka. Sabi ko sa'yo ireto mo na lang ako kahit kanino basta nahinga," sagot ko at tinaasan niya ako ng kilay.
"Luka ka. Standards pa rin, uy!" sabay kuha ng pagkain na inilahad sa mesa habang wala pa ang newlyweds.
Namataan ko na rin ang iba ko pang kakilala at tinanguan ko sila. Nginitian ang iba at pinaglaruan ang cellphone ko pansamantala.
Erdel and his wife, Rizha entered the venue. Hiyawan, palakpakan, at picturang malala ang natamo nila bago pa makaupo sa unahan.
I must say, tama nga si Linka. He's really gorgeous today. Akala ko babalik ang sparks or masarap na pakiramdam nang makita ko siya. Truth is, I felt nothing.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.