[Third Encounter]
Zaney's POV
"Ako dapat ang ikakasal kay Rizha, pero tumanggi ako. Buong buhay ko, kontrolado ng ama-amahan ko ang lahat. Sunod lamang ako nang sunod. Takot na baka iwan niya kami ni Mama. Wala e, mahirap lang kami before at nag-aaral pa ako. Ngayong nalaman kong ama ko si Fargo Atabello at umasenso na ako, naglakas loob akong sabihin na ayaw ko..." he paused for a bit, and continued, "Makasarili ang atake kung tutuusin, pero pumayag si Erdel. Sabi niya naman ay simula noon, sunod na ang kanyang luho."
Tumingin siya sa akin at inilipat ang tingin sa lupa, "Napanatag ako, ngunit hindi ko inisip na may pinanghahawakan siyang ikaw."
Humiga muli ako para damhin ang hampas ng hangin at rebelasyon sa akin. Hindi ko maiwasang maawa sa sitwasyon naming dalawa pero mas nangibabaw ang awa ko sa sarili, "Kung nilalamon ka ng konsensiya mo dahil iniwan ako, itigil mo na lang ang balak mong pakasalan ako, hindi lang naman iyon ang solusyon para gumaan ang loob ko," paliwanag ko. Para kasing sinakripisyo parehas ang future namin without considering each other's happiness.
Binasa niya ang natuyong labi at sumagot, "Still, I want to try making my way," sabay pitas ng bulaklak sa hardin namin at akmang ilalagay sa aking tainga. Pinalo ko ang kanyang kamay, "Bakit mo pinitas? Bagya ko na mapatubo iyan!" singhal ko.
Nagpigil siya ng tawa at inilagay pa rin sa akin, "Masipag akong magtanim, Zaney. Maybe that's one of the reasons why botong-boto sa akin ang pamilya mo," ipinakita niya sa akin ang kamay niya. Tingin pa lang, magaspang na. "Kailangan ka pang ma-involved? Certified Plantita na nga ako, hindi pa ba sila satisfied?"
Sumilong siya sa ilalim ng puno at tumayo, "Mabagal ka raw kumilos. Ready na ang buto na magbunga, ikaw hindi pa. Diring-diri ka pa sa lupa, dahil baka may earthworm," naalala niya ang panlalaglag sa akin ni Mama kaya napairap lang ako sa sinabi niya.
"Sana naghire na lamang sina Mama ng hardinero kung ganoon."
Hinawakan niya ang mga dahon na nasisinagan ng araw, "These hands could make plants, flowers, herbs, fruits, and vegetables grow. Lahat ng kailangan mo, libre lang sa akin. Kung balak niyong mag-hire, gastos pa iyon buwan-buwan."
Naalala kong nag-flex si Tita Ednesse kanina about sa kanya. Since napaka-helpful ng facebook, nag-oonline selling siya roon at libo-libo ang bumibili sa mga itinanim niya. Dagdag pa ni tita na may YouTube Channel pa siya para magshare ng tips kung paano magtanim at iba pa.
Tumingin siya sa orasan at nagsabi, "Susunduin kita bukas sa opisina ninyo para sa Civil Wedding. Ako na ang bahala sa lahat, umattend ka lang."
"Bahala ka. Payong citizen lang, mapipigtal ang pasensiya mo sa akin for real," babala ko.
"For real din, mas mahaba pa ang patience ko sa inaakala mo."
"High-maintenance ako pero makalat ang kwarto ko," ibinaba ko na ang sarili ko ha? Give up na kasi.
He pinched his nose, "Araw-araw tayong maglilinis. Hindi pwedeng hindi, kung ayaw mong maging alikabok,"
"Tamad ako everyday. Sa work lang masipag kasi may pera."
"We'll do something about your laziness. Basta secret."
Sinamaan ko siya nang tingin.
Ang consistent, ah? "Bakit ba gusto mo ng kasal agad? Sabi mo, subok lang. Pwede namang talking stage or flirting muna."
Napakunot ang kilay niya because of confusion, "Hindi pa ba usap o landian ang tawag mo sa ginagawa natin ngayon?"
I ignored his remark and tried to think of a valid reason, "Ah! malakas ang loob mo kasi may annulment dito at divorce sa ibang bansa. Mayaman moments nga naman," napailing ako.
He scoffed at my statement, "Why would I think of separation kung in 2 years, may akay ka nang mana sa akin?"
Napanganga ako sa kahambugan niya, "Sus! What if sa ibang guy naman pala ang seed?" Lusaw panigurado ang self-esteem niya rito. Tiklop malala.
Tumawa siya na parang naaliw pa sa sinabi ko, "Impossible. After a year, ikaw pa ang magpapakalabit sa akin kahit madaling araw na."
Naisaboy ko sa kanya ang naipon kong tuyong dahon kanina nang magwalis ako bago sila makarating, "Nakakayamot 'yang confidence mo," diretsahan kong sabi, "That's good to hear. Kaunting yamot pa, kilig na ang sunod."
Minasahe ko ang aking sintido at inihatid sila sa labas para umuwi. That's enough cringe for today.
Hindi ko mahanap ang rason kung bakit nagmamadali. He could have more fun sa mga bars, go wild and free para lang malubos ang pagiging bachelor.
Dahil ba gusto niyang haluan ko ng magandang genes ang magiging anak niya? o para lang may maganda siyang maipakilala sa angkan nila tuwing may family reunion?
One more thing...I feel like, hindi lang dahil sa independence ang factor para humindi sa kasunduan sana nila ni Rizha. I believe there's something more than that. Ano kaya ito?
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.