Zaney's POV
"Tito, mauna na po kami," paalam ko at nagmano sa kanya. Tamang pa-good shot lang kahit medyo magka-vibes na kami.
"Anla, ang aga naman, Zaney! Balak niyo na bang magparami?" biro ng isa niyang tiyahin.
Malma na ang iniling ko, "Naku, hindi po. May pasok din po ako bukas at kailangang maghanda," rason ko.
"Sayang naman, ang sarap ninyo pa namang kahuntahan ni Edsel," parang batang maiiwan ng kanyang kalaro ang toni ni Tito Tacio, "Babalik naman po kami rito," sambit ko.
Binigyan kami ng ilan ng mga regalo at pera dahil sa una naming kasal. Animo'y mga ninong at ninang namin at tuwang-tuwa pa sapagkat nakalagay pa sa angpao ang salapi na mukhang pinaghandaan.
Lumingon sa akin si Edsel na nakaramdam ng kakaiba sa pakikitungo ko sa kanyang Amain. Pinaningkit niya ang kanyang mata na kulang na lang ay sabihin na 'Something's not right'.
"Ma, sa kasal na lang po," yumakap siya nang matagal at pinat ang ulo ng kanyang mga kapatid.
"Sandali, magdala kayo ng mansanas," nabalitaan ko na masarap daw sa kanila ang bunga ng nasabing prutas kaya hindi muna kami tuluyang umalis.
Nagtext sa akin si Erdel at napakagat ako sa labi ko sa aking nabasa.
Tumunog naman ang cellphone ni Edsel at lumayo siya amin ng ilang minuto.
Iginala ni Tita Dolores ang mata nang hindi makita ang balak pagbibitbitin, "Nasaan na ang asawa mo?" inextend ko ang aking kamay, "May tumawag po sa kanyang cellphone, Tita. Ako na lamang po ang magdadala," I insisted.
Mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin, at pati ang mga kapatid niya ay pinupog ako sa halik.
Kaagad namang bumalik si Edsel at kinuha sa akin ang aking bitbit, "Nagkaproblema po sa San Benito, kailangan na po naming umalis," nagtama ang tingin nila ng kanyang amain at tumango sa kanya ito.
"Ingat po kayo lagi," huli kong sambit sa kanyang pamilya, pati na rin sa mga kamag-anak na naiwan doon. Hapon pa lamang at hindi pa nalubog ang araw, ngunit nagpumilit si Tito dahil baka raw kami abutin ng traffic pag-uwi.
Edsel would probably think na gusto na ayaw kaming magtagal doon, ngunit naisip ko na baka concerned lang talaga siya. Sadyang mali lamang ang ginamit niyang mga salita.
"Ako na ang magmamaneho at ibababa muna kita sa atin," sabi niya nang makasakay kami sa kotse, "Pwede naman kitang samahan sa San Benito. Malay mo makatulong ako—"
Isinuot niya ang seatbelt ko na nakalimutan kong gawin at saka nagsalita muli, "Salamat, pero baka magtagal ako at maaga ka pa para bukas," wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Mukhang problemado siya.
Bumugso pa ang ulan pero naihatid naman niya ako.
I can't help but to tilt my head to check on him. Mannerism ko iyon sa tuwing interested ako sa isang tao. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses ko ito nagawa.
I forced his lips to go upward using my two thumbs kasi gusot na gusot ang mukha niya.
"Mag-iingat ka, okay? Masyadong malakas ang ulan kaya magstay ka muna sa kubo mo roon," binuksan ko ang pinto nang sabihin ito.
"Hindi na ako sanay matulog na walang katabi," medyo indirect, ngunit banat pa rin. What a move, "Magtabi ka ng bonsai, kakayanin mo," biro ko at sinamaan niya ako ng tingin.
Kumaway ako at isinarado ang pinto.
Nagpalipas ako ng gabi na mag-isa sa amin at nag-isip ng iluluto para sa araw na iyon.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.