[Sixth Encounter]
Zaney's POV
Ako muna ang unang sumakay at akmang ikakapit na niya ang kamay sa aking baywang, "Sa balikat ka humawak, baka hindi ako makahinga," suggestion ko at sumunod naman siya.
Nang mapatakbo ko ang motor ay kakaibang sarap sa pakiramdam ang aking naramdaman. Ganito pala ulit ang feeling kapag bumiyahe ka sa gabi. May malamig na hanging humahaplos sa balat mo na exposed.
"Ang ganda ng city lights," puna niya nang daanan namin ang isang bridge. Hindi ko nilingon ang sinabi niya dahil baka mawalan ako ng pokus.
I used to be in your place, Edsel. Banong-bano ako nang una akong umangkas sa likod ng kapatid mo. Hindi niya rin makita ang view pero sapat na sa kanya na marinig sa boses ko ang pagkamangha.
"First time?" tanong ko at minasahe niya ng kaunti ang balikat ko bilang tugon, "Ngayon ko lang nasilayan nang maigi. Ako palagi ang driver, e. Baka paglingon ko, salpok lang ang makuha ko.Alam mo, matagal na sa akin ang motor na ito, gamit ko pa noong nagdedeliver ako ng mga buto o maliliit na punla sa kung saan. Extra income rin noong college," parang part-time job pala. Ang dami niyang sinabi, ah?
"Hindi ko naman tinanong kung matagal na ito sa iyo," pang-aasar ko. Kaunting pahiya effect lang para tumahimik siya mamaya sa bahay. Nawiwili rin, e. "Nahulaan ko kasi na iyon ang susunod mong tanong. Inunahan lang kita," hindi ko alam kung palusot ba iyon o sadyang malakas lang ang loob niyang maging madaldal ngayon.
Saktong pagbaba namin ay bumuhos ang ambon. Dali-dali akong pumasok sa bahay nila sa halip na magbukas ng payong. Tinamad na ako, pati kaunting distansya na lang naman ang lalakarin.
"Gusto mo ng cocoa?" alok niya at naguluhan ako. "Hot chocolate ba ang ibig mong sabihin?"
Nagulat siya at napatakip sa kanyang bibig dahil sa hiya, "Ganoon pala ang tawag sa inyo. Oo, iyon ang inalok ko."
"Sige kuya, makikisuyo na," request ko at unti-unting naghubad ng suot sa katawan.
Nagmadali akong nagbihis dahil sa gutom at uhaw. Pagkababa ko ay patay ang ilaw at tanging bukas lang ay fireplace nila. "Ah—init!" sambit ko nang makahigop ng inumin. Kamuntik nang maluto ang dila ko.
"Sorry, pinakuluan ko kasi para hot na hot. Mukhang lamig na lamig ka, e."
Napigilan ko ang inner devil ko na magmura at nagpaka-stressed na lang, "Bakit gusto mo ng boiling water para sa inumin? Hindi naman ito pampaligo, ah?"
"Ang totoo niyan, ginawa kong superheated para matagal lumamig. In that way, mas mahaba ang pag-stay mo rito sa baba with me," dinalihan pa ako ng ganoon. Kailan ba siya mapapagod sa mga pang-kuya na linyahan niya? "Whatever. Salamat pa rin sa pagtimpla," hinayaan ko muna dahil pagod ako.
Inihagis niya sa akin ang Rubik's cube na buo at nagsenyas na I-shuffle ko raw. "Kumusta ka naman dito sa bahay?" pagbasag ko ng katahimikan. Iginalaw ko ang aking paa na nakasuot ng medyas.
Humigop siya ng inumin bago sumagot, "Okay lang. Pero mas okay kung day off mo sana," hirit niya. Nasobrahan sa keso ang kuya niyo.
"Haha. I bet you'll feel the best just by being with your plants," sabay abot sa kanya ng ginulo kong Rubik's cube.
Napatigil siya sa pag-inom at ngumisi, "Sabi ko na nga ba, dadating sa point na magseselos ka sa mga baby ko," umiling-iling pa siya habang naglalaro.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "Husay mo naman. Hindi po 'yung ang punto ko," pagtatama ko. "Alam ko. Tinesting ko lang kung anong reaction mo kapag inakusahan kitang nagseselos."
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.