Zaney's POV"Gusto mo, ipakulam ko si Rizha?" bold na suggestion at tanong din ni Thalima sa akin nang ikwento ko sa kanilang dalawa ang nangyari ngayong lunch break. Ilang araw din ang pinalampas ko bago ko ito ibunyag sa kanila dahil hinanap ko muna ang mga tamang salita at sinigurong hindi sila malilito.
"Agree ako sa offer niya, kahit kami na ang sumagot at maging free real estate sa iyo. Baka kasi tumutol siya sa kasal niyo, isakto pang kalagitnaan ng seremonya," Gretna explained their evil intentions. Gusto i-consider ng demonyita kong side ang sinabi nila pero pinukpok ako ng anghel at sinabing kahangalan ito.
"I appreciate the suggestion, pero ayaw ko na ng gulo. Nakakahilong isipin na parang bagyo ang mga problema ko ngayon. It became a disaster dahil hindi ako ready," komento ko at lumanghap ng katinko.
"Kidding aside, tuloy pa ba ang kasal?" seryosong tanong ni Thalima at hinawakan ang kamay ko. Alam nilang madaling mabasag ang tiwala kaya maaari akong umatras.
Ngumiti ako nang tipid sa kanila, "Sana," iyon lang ang kaya kong sabihin. Walang kasiguraduhan.
"But you told us that you're in deep. Hindi pa ba enough na reason 'yun to continue?" aniya ni Gretna sapagkat sa kanila ko pa lang nasabi ang pagsidhi ng nararamdaman ko.
"Sapat na. The problem is, how can I go further with him if I don't have enough trust?"
Nalungkot silang dalawa. I could still remember how excited they were when I handed the invitation. Gretna even dyed her hair in brown, while Thalima brought a dress na akma sa motif or color scheme na ibinigay ko.
"Susuportahan ka namin kung anong desisyon mo. Balitaan mo na lang kami ha," Gretna held and squeezed my hand as well.
"Pagsubok lang ito, Zaney. Hindi ki masabing one call away ako kasi baka busy or sexy time, pero rest assured na sasagot naman ako o pupuntahan ka namin," sabi naman ni Thalima.
"Luka, pero salamat sa inyong dalawa. I'm all ears and to the rescue pa rin for the both of you. Lapit lang," sambit ko at nagtawanan kami dahil sa sudden change of usapan. Biglang naging sentimental.
As we ended our shift, I contacted Gareth and was fortunate na hindi siya busy.
"Bakla, buti nakarating ka," nakabihis na siya at handa na rin ang Christian Dior bag niya. Sosyal.
"Well, it's my time to bring you somewhere. I know a place," naalala ko ang Dora the explorer era namin before na nakarating pa sa isang gay bar. Hanep. What an experience.
"Sige, intayin mo ako sa car mo outside," nasa harap pa niya ang jewelries kaya sumunod ako sa sinabi niya.
Dinala ko siya sa isang Sweets Festival sa San Ignacio. Medyo malayo ito sa San Francisco pero paniguradong sulit naman ang punta namin.
"Holy moly, this is paradise!" napakapit sa akin si Gareth nang makitang maraming tao ang nakapila.
Hindi lamang iyon. Nakahilera rin ang naggwa-gwapuhang patissiere na nagse-serve ng kanilang dishes.
"Bonjour, Mademoiselle!" bungad ng isang professional patissiere sa amin at ngumiti naman kami.
"Bonjour, Monsieur," ito lamang ang alam kong french at napangiwi ako sa katiting na confidence na mayroon ako today.
"I'm afraid that the line is too long for you, may we take your desired sweet?" ibinigay niya sa amin ang mouthwatering na pagkaing nakahain sa buffet.
"Mine's this one," itinuro ko ng may word na 'Eclair'. Tunog expensive kaya natakam ako.
"Oh! I want these crepe cake and cream puffs," masiglang sambit ni Gareth. I guess it's her first time, katulad ko.
"Ah, Monsieur!" itinaas ko pa ang aking kamay to add more,
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.