Nineteenth Encounter

17 1 0
                                    


Zaney's POV

"Doon muna kayo sa movie theater room at magluluto ko ng popcorn," hinawakan ako ni Edsel sa balikat as he guided me papunta roon.

It's a black room na pwede mong iproject ang gusto mong panoorin. Parang cineme type.

"Ilang araw ka nang puyat. Ako na lang—"

"Puyat ako, pero hindi naman ako baldado. Let me serve my queen and her royalties," buti na lang at nauna ang mag-asawa roon nang sabihin niya ito sa akin. Hindi ko alam kung nagpaparinig ba siya o for show lang ang sweetness niya ngayon. Grrrr.

"Put some cheese powder and sugar, please?" request ko and he arched both of his eyebrows as a yes.

Nanood kami ng 'Knives out' sa Netflix at lumabas muli si Rizha. "May kailangan ka ba? Ako na ang kukuha," umiling siya, "Comfort room ulit," at hinayaan ko siya.

Naiwan kaming dalawa sa loob ni Erdel, kaya umakyat siya ng isng hakbang para tumabi muna sa akin, "Kumusta ang beach? muntik ka na maging uling," sinamantala niya ang pagkakataon, "I had fun. I'm sure he had more fun, though," sagot ko.

"That's good to hear, Ninang," nahampas ko siya ng remote, "Practice lang, ikaw naman," depensa niya.

"Tataguan ko ang anak mo sa pasko kapag kamukhang-kamukha mo. Mark my words!" banta ko. Huwag naman sana talaga at doble ang yamot ko if ever that happens.

"Okay lang, maniningil kami kapag ikaw na ang nanganak," I made a face just by hearing that, "Hindi ko ipapaalam sa'yo kapag buntis na ako. Manigas ka."

"Baka ako pa ang unang mong tawagan at umiyak ka pa," walang pag-aalinlangan sa sinabi niya. His confidence is killing me.

"Sige, i-block ko na ulit contacts mo," kinuha ko ang cellphone at kunwaring nagtipa.

"Okay lang, g-mail pa rin ang malakas," sumipol pa siya. Unbothered sa threat ko. That effin' gmail is the reason why I'm here. Naisend ang invitation. Boom, kasal after a few days.

Nilakasan ko ang volume ng movie at nagfocus na nang makarating si Rizha. Matic behave kaming dalawa at tapos na ang bickering session na parang classroom setup kapag dumating n ang advisor or subject teacher.

Nasa likod ni Rizha si Edsel na may dalang dalawang container.

"Ano ito?" may sauce ang popcorn. Pinigilan kong hindi mandiri. It's really weird.

"It's a ketchup popcorn! Nagpabukod ako kay Edsel kasi feeling ko masarap," tuwang-tuwa akong sinagot ni Rizha. Okay, I'll let that pass.

Tinabihan ako ni Edsel at sumiksik sa may balikat ko. Nasa likuran kasi kami at elevated ang pwesto kagaya ng sa home theater seating.

"Pare, condolence sa dila mo," pang-aasar ko kay Erdel at tumawa mula sa likod.

"Sana matapilok ka sa office nyo bukas," ganti niya. Hindi siya pumapayag na talo sa argumento. Exactly the opposite of Edsel.

"Alam mo, I have to look away while pouring banana ketchup sa popcorn. What a nightmare!" sumulpot si Edsel para magrant ng pabulong para hindi marinig ng nasa tapat at baba namin.

Yumugyog naman ang balikat ko sa pagtawa. Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kanya o iisipin na deserved niya, "Buti nga," yep. I chose latter. Masaya siyang pagtripan.

"Zaney, bakit hindi mo sinabi sa akin na ngayon sila darating? Natulungan sana kita," he tilted his head para tingnan ako pero hindi ko siya pinansin dahil nasa climax na ang story.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon