Zaney's POVEdsel looked down, but he nodded at my question. A part of me wanted to start blasting, but I remained calm to be collected.
"News flash ba? I am going to get him now," hindi ko nagustuhan ang pananalita ni Rizha. She isn't the shy person na ipinakilala sa akin ni Erdel.
"The last time I checked, you have your own husband," I crossed my arms and leaned on the wall for more relaxation.
"Bakit ko siya babalikan if he's the one who ruined my plans?" again, hindi ko siya maintindihan dahil hindi kumpleto ang detalye niya at balak pa yatang isa-isahin sa harap ko.
"Please stop. Bumalik ka na sa hospital, alright? Tatawagan ko si Erdel para intayin ka na lamang doon," pumagitna si Edsel sa amin pero kinuha ni Rizha ang cellphone sa kanya.
"Tumakas nga ako para balikan ka, tapos isasauli mo ako?" umiyak siya harap namin at hindi ko alam kung anong gagawin ko.
"I told you, I am sick of your kind of love!" hindi man ako ang sinabihan nito pero nasasaktan ako para sa babaeng kasama namin ngayon.
"Mali ba na gusto kong iangat ka sa buhay? I introduced you to Tito Fargo and told him to prepare a DNA test!" ibinulgar niya ang kanyang ginawa at si Edsel ang mas nagulat kaysa sa akin.
"Iyan ang dahilan kung bakit umayaw na ako. Gusto mo akong i-level agad sa yaman mo when in fact, kaya ko namang paghirapan ang lahat," paliwanag ni Edsel. Para tuloy akong naging audience sa kanilang dalawa.
"Iniwan kita kasi gusto kong maging successful ka," paulit-ulit niyang sinasabi ang kanyang punto, "Then nagdalawang-isip ka ba? That's all I need to know," ito naman ang isinukli ni Edsel.
Hindi makasagot ang ini-interrogate niya, "Mas masakit ang tama sa akin ng tanong na iyan. Para kasing wala sa option mo ang mag-stay kasi desidido ka na agad akong bitawan," aniya ni Edsel. Their past is really something.
Saktong dumating si Erdel at ako ang unang nakapansin sa kanya, "What's going on here?" mahinang tanong niya sa akin ay nakakuyom ang kamao nito.
Nagtama ang mata ng mag-asawang lumusob sa bahay namin. I could see anger on those two pair of orbs. The tension is slowly building.
"Kasalanan mo ito, Erdel. Kung hindi mo sana siya inimbitahan at inilagay 'yung letcheng garter ko sa bag niya, hindi sana sila ikinasal!" I literally snapped on her statement pero pinigilan kong manampal dahil naalala kong kagagaling lamang niya sa hospital.
"Watch your mouth, babe. Ano bang problema mo at sumugod ka rito?" sinubukan pa ni Erdel na kalmahan ang tanong niya kahit ramdam ko na ang pagtitimpi niya.
"Kinukuha ko lang ang dapat na sa akin. Hindi ba, kayo naman talaga ni Zaney ang dapat na nagkatuluyan?" minasahe ko ang aking noo. Grabeng ungkatan naman ito ng past. Tumitibok ang ulo ko sa sakit!
"I gave him up para sa ika-sasaya ninyong dalawa. Huwag mo nang gawing komplikado pa ito, please umuwi na kayo," kailangan ko ring kausapin si Edsel para hingin ang side niya.
"Rizha, kuya is your past! Ano bang hindi malinaw sa sinabi niyang 'ayaw' na niya?" dadag ni Erdel at hinawakan ang nababaliw niyang asawa.
"He's faking it! Sinasabi niya lang na ayaw na niya kasi nagpaubaya siya sa'yo. Napaka-makasarili mo!" umatungal lalo si Rizha at napapikit ako.
Wala na sana akong balak pang sumali sa sagutan pero parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko, "Hintay ka, alam mo...na ex-girlfriend siya ng kapatid mo?" I felt numbness on my hands.
Hindi siya sumagot. So it's true.
Silence occupied our living room until I dropped the bomb.
"Am I still needed here? Kasi t*ngina, wala man lang nakapagsabi sa akin. Mahirap bang aminin?" hindi ko na napigilan ang pagkadismaya ko.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.