Zaney's POV
First thing in the morning, agad kong naalala ang important details na hindi sumagi sa isip ko nitong nakaraan.
"What kind of tea set do you want?" balak kong umorder ng mga ito for the wedding at pwede rin na for the long run.
"Basta made in China," gusto ko siyang kurutin dahil sa sagot niya. Nagtatanong ako nang maayos, "Joke lang, patingin," binawi niya agad ang sinabi at pinag-isipang mabuti ang pagpipilian mula sa cellphone ko.
"May wedgwood, foley, worcester...ginori at meissen. I narrowed down your choices para hindi ka mahirapan."
Itinuro niya ang kanyang nagustuhan at nagproceed ako sa susunod na tanong, "Anong motif pala? para ganoon din ang kulay na ilalagay ko sa invitation," umupo ako sa aking swivel chair at naghanda ng sticky notes. Kumuha rin ako ng ballpen para ilista ang mga sagot sa tanong ko. I still have work today, kaya mamaya ko ito gagawin pagka-uwi.
"Surprise me," natigil ako sa pag-scroll sa google sa sinabi niya. He gave me a thumbs up and listed what I desired.
Idinikit ko sa aking clipboard ang sticky note at naligo na. I gotta finish things para makapag-skin care routine ako mamaya bago matulog.
Nagbaon ako ng isang egg sandwich at kinain ito habang nasa byahe. I feel bad for not eating what Edsel has prepared for me, kaya lang ay mahuhuli na ako.
Naging busy rin sa office namin nitong nakaraan. May mga nag-resign na pinalitan ng mga bagong saltak, kaya matic na kailangan naming mga regular na i-guide sila.
Of course, maraming pagkakamali noong una, pero mabilis naman naka-adapt ang iba. Mayroong mga hindi rin kinaya, pero at least, may natira.
"Ms. Atabello, mauna na po kami," Yumi waived her hand at kumaway naman ako pabalik. May lakad daw sila ng boyfriend niya ngayon at babawi bukas. Isa siya sa mga bagong hired na empleyado.
"Juana, makiki-check naman ng sinend ko sa iyo. Ito 'yung ipinasuyo ni Ms. Beck kanina," nakita kong isinukbit na niya ang bag nang sinilip ko siya at nakaramdam na mukhang negative, "Zaney, emergency lang ha. Aasikasuhin ko na agad sa bahay pag-uwi," nagmamadali ito kaya pinalampas ko na.
"Okay, ingat ka!" sabi ko.
Ilang oras pa ang nakalipas ay nilapitan ako ng section head namin at tinapik sa balikat "I'll go ahead, make sure to have a back-up file," tumango naman ako at napansin na tatlo na lang kaming naiwan.
Ako, si Thalima at si Gretna.
"Mga mare, gusto ninyo ng kape?" alok ni Gretna at nag-inat ako saglit, "Yes please, four shots para malakas ang sipa," hindi ko na binanggit dahil alam naman niya kung ano ang hilig ko,
"Me too," tipid na sagot ni Thalima."Okie, gotta bounce," nagdala ito ng pitaka at iniwan ang bag sa kanyang cubicle.
Tumingin ako sa orasan saglit, at narinig ang pag-ipod ng silya ni Thalima, "C.R. break, mare," itinaas ko ang dalawa kong kilay at ipinagpatuloy ang gawain.
Pagpatak ng alas-otso ay natapos ako at nagtaka. Kanina pang hindi bumabalik ang dalawa mula sa pagbili at comfort room.
Lumabas muna ako saglit at tinanong anga security guard, "Kuya, may napansin po ba kayong babae na nakabalik na mula sa labas?" sinubukan ko pang maghanap kahit dilim na ang paligid.
"Si Ma'am Gretna po ba? Nakita ko po siyang bumalik na pero mukhang sa basement po siya patungo kanina at hindi pumanhik sa itaas," kumamot pa siya sa kanyang batok.
"E, si Thalima po, nakita niyo pong lumabas?" nagsimula na akong magtipa dahil baka bukas ang GPS nila sa kanilang cellphone.
"Bumaba po siya at pumunta sa basement. Baka naman po may kinukuha lamang?" doon kasi namin inilalagay ang mga past documents na maaaring kailanganin for future purposes.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.