Twenty-ninth Encounter

21 1 0
                                    

Zaney's POV

Pinaghiwalay kaming dalawa ni Edsel madaling araw ng kasal namin. Hindi raw kami pwedeng magkita kaya nagstay ako sa bahay namin, at umuwi naman siya sa bahay nina Tito Fargo pansamantala.

Nagkaroon ng photoshoot bago magsimula ang kasal kaya maagang-maaga kami ng mga abay ko. Hapon pa ang misa ngunit maaga silang nagsidatingan.

I feel like crying habang nakatingin sa salamin na naka-attatched sa make-up kit ng artist na hinire ko. Sinusubuan din ako ng mga kapatid ko ng paunti-unting biscuits para magka-energy ako. Hindi ako pwedeng kumain nang pangmalakasan kahit na de-tali sa likod ang gown ko. Mahirap din gumalaw kasi kapag busog na busog.

"Ang ganda mo talaga, anak," pinagmasdan ako ni Mama nang matapos akong ayusan at tinulungan akong magbihis.

I wore a bridal top with 3D Flowers, lace and beading (a bridal separate crop top). May petticoat ang ginawa ni Edsel na gown at ito ay detachable tulle skirt.

For the hairstyle, it's an elegant high bun wedding updo. Maarte pakinggan, basta nakataas ang buhok ko with a hairdress, then may ilang takas na buhok.


Nagsuot din ako ng mga hikaw at kwintas na may touch of gold. Wedding starter pack ba.

Sa bintana pa lamang ng sasakyan ay kita ko na ang ibang nakatambay sa labas ng shrine. Ang lahat ng lalaki ay naka suit na charcoal at mint na tie samantalang magkahaling mint at peach ang mga abay namin sa kasal. Gold naman ang sa mga ninang.

Nagulat siguro si Edsel nang makita ang Amain niya na na sumama sa kasal. Napilit ko ito at pumayag naman siya sa hindi malamang dahilan. Power of my charms siguro?

Nagsimulang tumugtog ang violin at forevermore ang piyesa. Namawis ang kamay ko habang nakahawak sa bouquet.

Maliliit ang abante ko nang mangitian ko ang mga taong kumukuha ng litrato at video. This is the best feeling ever.

"Chin up, Zaney. Your groom's crying already," napatingin ako sa ceiling para pigilan ang luha ko sa sinabi ni Papa.

When I finally reached the altar, nakalimutan niyang maglahad ng kamay para kunin ko ito. Masyado siyang abala sa pagtitig sa akin kaya ako na ang kumuha.

Sa unang parte ng misa ay hindi niya ako kinibo. Usually may small-talks yata ang mga ikinakasal para mawala ang kaba nila pero nanatili kaming tahimik.

"I, Edsel Atabello, take you, Steszaney Enchano, to be my wife, to share the good times and hard times side by side. I humbly give you my hand and my heart as I pledge my faith and love to you. Just as this ring I give you today is a circle without end, my love for you is eternal. Just as it is made of incorruptible substance, my commitment to you will never fail. With this ring, I promise to cook you delicious and even weird foods, welcome your tired face from the office, and embrace you with the sweetest phrases I could think of,"

Pareho kaming kumuha ng idea sa google, pero hinaluan amin ng kaunting personalized vow para  maaliw.

Nag-ensayo raw naman siya, pero kinabahan pa rin. Ganoon ba ako kabigha-bighani today?

When it's finally my turn, sinigurado kong sumulyap kada period sa kanya to check on his reactions. Way ko rin ito para alisin ang pressure sa kanya.

"I, Steszaney Enchano, affirm my love to you, Edsel Atabello, as I invite you to share my life. You are the most beautiful, understanding, and generous man I have ever known, and I promise always to respect you. With kindness, unselfishness, and trust, I will work by your side to create a wonderful life together. I promise to eat all your dishes so nothing would be wasted, water all your plants if you can't get up and shower you with breathless kisses that only I, can give,"

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon