Eighth Encounter

11 1 0
                                    

Zaney's POV

"Saan ka nanggaling?" bungad niya at halatang papikit na ang mata sa puyat. "It's not important. Halika sa loob," hinawakan ko ang kamay niya pero hinatak niya ako pabalik para makuha ang sagot niya. He stared at me until I replied, "Kasama ko si Gareth. Kauuwi lang dito sa Pinas kaya inimbitahan akong kumain sa labas."

Tumango lang siya at hindi ako makapaniwalang naniwala agad siya sa sinabi ko. Hinatak ko na siya at pinapasok sa kwarto namin. "Anong oras ka nagkalagnat?" tanong ko at kinuha ang temperature niya gamit ang thermometer. "Kanina lang habang nasa ospital kasama sina Erdel."

Umawang ang bibig ko dahil kanina pa pala ito. Sana umuwi na siya kaagad kung ganoon! "Bakit hindi mo sinabi sa kapatid mo?" kumuha ako ng damit sa cabinet niya para makapagpalit siya ng damit. Hindi na rin siya nakaligo panigurado.

"Mapapawi pa kasiyahan nila. At saka...aanhin ko pa si Erdel kung pwede naman akong magpa-asikaso sa iyo," pinisil niya ng palad ko nang iabot sa kanya ang damit.

Kumuha ako ng bimpo at palanggang may laman na tubig para sa sponge bath.

"Sorry sa inasta ko kanina. Ang lakas ng loob kong magsabi ng sensitivity, pero hindi naman kita inisip as my husband," una kong paghingi ng tawad dahil masusundan pa ito.

Nakita kong ngumiti siya ng kaunti sa sinabi ko na naging hudyat ng pagpapatuloy ko, "I'm sorry if I always leave early and come to you so late," hindi ko magawang tumingin sa kanya ngayon habang pinupunasan ang ibang parte ng katawan niya ng binasa kong face towel.

"It's my fault, too. Maaga akong nagigising sa umaga kasi gusto kong makita na umalis ka at nagpupuyat para alam kong nakauwi ka na. Naging habit ko na simula nang bumukod tayo kaya ito napapala ko," sagot niya.

"Magte-text na lang ako sa iyo para makampante ka. You worry too much," dagdag pa ito sa anxiety niya araw-araw.

"Because you made me adore you too much," agad niyang sambit at napatingin ako sa kanya. My face heated when he still tried to smile genuinely despite his condition.

Nagsimula siyang maghubad para madaanan ko ang ibang parte niya at hindi na ako naghysterical pa. Hindi rin naman ako nag-expect na mayroon siyang abs.

Natigil akong magpunas nang maungkat ko sa kanya ang nangyari kanina, "You know, I lied earlier."

Hindi siya sumagot at bagkus ay hinintay akong magpatuloy, "I went to a gay bar with her. Hindi planado. Nilapitan pa ako ng isang lalaki," bigla akong kinabahan at hindi tinapos ang gustong sabihin.

Kinuha niya sa akin ang tuwalya para matauhan ako at siya ang nagkuskos ng ibang parte, "Tapos?"

"I almost gave in,"

Inasahan ko naman ang katahimikan. Akala ko ay hindi na masusundan ang usapan namin pero nagsalita siya, "Ginagawa mo akong pari, ha? Ang dami mong kinumpisal sa akin ngayon."

He tried to hide his disappointment, pero kita ko pa rin kahit idinaan niya sa biro. "Ang sabi mo, almost. Dahil ba naawa ka sa akin?" isinuot niya ang ibinigay kong damit at tumalikod ako nang nagsuot siya ng para sa kanyang ibabang parte.

"Siguro isa na iyon. Nakita rin niya ang singsing ko, e. I guess he don't do girls who vowed already," kinulbit niya ako at hinarap siya.

Gumaan ang ekspresyon ng kanyang mukha, "Mukhang mabait. I-add friend mo na."

Binusangot ko ang aking mukha sa narinig ko, "Hindi naman ako hayok sa kaibigan dahil iilan lang sa kanila ang tunay. Kung pipila siya at makikipagtulakan, I might reconsider," tumayo ako para mag-toothbrush at inayos ang kumot niya bago umalis.

Kumuha rin ako ng water jug at baso para mapainom siya maya't maya. Nagset pa ako ng alarm kada dalawang oras para magising kami pareho.

Nang makabalik, umupo ako sa kama at doon nagbihis. Tumalikod ako sa kanya at hindi binuksan ang ilaw.

Palaylay na ang damit ko nang may yumakap sa akin na braso galing sa likod. Mainit ito at napapikit ako, "Akala ko tinanggihan mo kasi mas okay ako. I guess panget ang na-magnet mo."

"Cute siya, kaso hanggang doon lang," kinurot niya ang tiyan ko nang bahagya kaya pilit kong inalis ang nakapulupot niyang kamay sa akin.

"Matulog na tayo," humikab siya at  nahawa ako rito.

Hindi pa rin siya natulog nang bumaba ako kanina. Naghintay pa rin siya na makabalik ako.

"Sorry ulit," pag-uulit ko.

"I love you na lang para tanggapin ko," ngayon ko lang napansin na parang paos ang boses niya.

"Tulog na," utos ko na iyon dahil nakadepende pa rin siya sa akin.

"Ang daya, ah," may kaunting aliw sa tono niya kaya napanatag ko nang bahagya. Bati na siguro kami. Amp. Barang away-bata.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon