Twenty-eighth Encounter

25 1 0
                                    


[Twenty-eighth Encounter]

Zaney's POV

Maaga akong nagising dahil maaga rin akong pinuntahan ni Erdel sa bahay ni Gareth.

"Zaney, palagay ako ng luggage sa compartment mo ha," sabi niya habang nagbibihis ako. Gagamitin kasi ang kotse ko at siya ang magmamaneho.

"Alright!" sigaw ko at nagmake-up nang kaunti.

"Dadaan ako sa Duty Free, gusto mong magpadamay?" tanong ko sa nagpatuloy sa akin dito na kagigising lamang.

"Mare, puno pa ng tsokolate ang refrigerator ko. Galing din po ako ng ibang bansa," kinusot nito ang kanyang mata at nagskin-care routine, "Oopsie, oo nga pala," nag-peace sign ako sa kanya at kinuha ang bag ko.

Magwiwindow-shopping na lang ako roon kaysa umuwi agad.

"Ingat ka bakla," lumapit ako at nakipagbeso-beso, "Salamat, aalis na kami," paalam ko at lumabas na ng bahay niya.

"Bawal na mag-u turn ha," greetings ko sa kanya ngayong umaga, "Oo naman, takot ko na lang sa heels mo," hindi naman ito mataas pero pointed kasi ang unahan nito.

"Okay, let's go," ibinigay ko sa kanya ang susi at lumarga na kami.

"Hindi mo ba itatanong kung anong lumabas?" naalala ko lang na ibalita ito sa kanya. Parang mas excited pa siya kaysa sa akin.

Lumingon siya saglit para tingnan ako at tumawa, "I don't need to ask. It's all written in your face,"

"Ngayon ko lang nalaman na may positive at negative sa mukha ko," biro ko na kunwari ay hindi ko nagets ang punto niya.

Pagkalabas ko ay hinintay ko siyang kunin ang maleta niya at nagsimula na kaming maglakad.

Bawat hakbang, bawat taong naglalampasan sa amin, at bawat eroplanong nakikita kong tumaas ang nagpagising sa akin sa katotohanan na aalis siya. Walang kasiguraduhan kung kailan ang balik. Ni hindi niya masasaksihan kung gaano ako kasaya. Dahil sa kanya, ay nakita ko kung kanino ako tunay na liligaya.

"Here's your car key," inabot niya sa akin ito at hindi ko siya magawang bitawan.

"Hihintayin kita," I pursed my lips to control my tears. Wala naman ako sa taping at hindi artista pero ganito pala iyon.

"As an in-law?" he managed to give me the best smile he ever granted on me. One that is sweeter than when we were lovers.

Gumanti ako ng ngiti, "Yes, as an ex to in-law," I waved and watched him walked away from me.

Namili ako ng pwedeng bilhin sa Duty Free. Pinawi ko ang luhang pumatak at umiling para hindi ko na ito masyadong isipin. Nahawa rin ako sa dami ng emotional scenes na nakita ko sa airport.

Hugs, kisses, and tears. Puro longing ang nakita ko sa mga dumating at sumalubong, gayon din sa mga aalis at naghatid. Unfortunately, mine was the latter.

Before going home, naisipan kong i-check ang back compartment dahil baka may naiwan si Edsel na kailangan niyang dalhin pag-alis.

As I opened it, may hindi nakaligtas sa akin na maliit na bagay.


It was a pair of knitted baby socks. Pastel yellow ang kulay nito.

"Hey, I made that!" my head automatically turned where I heard a voice. May british accent ito kaya natakot ako.

This is what bothers me. Naging nearsighted ako nang tumanda kaya kapag may taong malayo sa akin ay hindi ko kaagad nakikilala unless lumapit ako o sila sa akin.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon