Ninth Encounter

16 1 0
                                    

Zaney's POV

Nagising ako sa bulong ng aking katabi, "Tanghali na."

Napabalikwas ako ng bangon at nasapo ang noo nang makitang ala-sais pa lamang ng umaga. Sinamaan ko siya ng tingin at humiga ulit, "Wala kang balak pumasok?" tanong niya muli.

Kinuha ko ang aking cellphone at nag-email sa boss ko. Mabilis naman itong nagreply at ayos lang naman daw. Binanggit ko sa aking letter na mago-overtime na lang ulit ako bukas kaya siguro pumayag din.

"Wala, kaya palayasin mo na 'yang sakit mo para makapasok na ako bukas," angal ko at kunwari ay sinisisi siya sa pag-absent ko kahit half-meant.

Kinuha niya ang iPad sa may cabinet at ipinakita sa akin ang mga halaman niyang may label pa, "Nakita ko na lahat iyan. May bago ba?" nagsuklay ako ng buhok at nag-unat, "None. Makikisuyo sana ako sa'yo na diligan mo itong mga may arrow gamit ang hugas-bigas kapag nakapag-saing kana," sabay ibinigay sa akin ng gadget. "Okay sige. Masusunod po, kuya," kinuha ko ang clamp at itinaas ang buhok ko upang hindi makasagabal sa mga gagawin ko.

"Wait!"

Lumapit ako at umupo sa kama at kumuha ng face mask para isuot ito at hindi niya ako mahawaan, "Tubig na lang sa iba kapag naubos na ang hugas-bigas. May itlog sa ref, ulamin na lang natin tapos 'yung shell nito ay dikdikin mo at ibudbod sa mga halaman na ito, ha?" dire-diretso nitong sabi at napa-facepalm na lamang ako. Demanding naman pala. "Siguraduhin mong hindi ka na ulit lalagnatin, ha?" pananakot ko. Tumayo ako at tiningnan ang ipinakita niya nang malapitan.

"Saglit, last na talaga!" lumingon ako at nakita siyang nanlalambot na bumangon at lumapit sa akin na nasa may pintuan na ng aming kwarto.

Hinintay ko siyang magsalita para masimulan ko na ang po ipinagagawa niya.

"Thank you,"

Akala ko naman kung ano. He just hugged me first, then kissed my temple. Mainit pa rin siya, ngunit hindi na katulad ng kahapon.

Mabilis akong nagsaing. I watered his plants and I found it satisfying. Muntik ko nang paliguan ang sarili ko, pero naalala ko lang na kailangan ko pang magluto.

Nahagip ng mata ko ang cocoa na nasa cabinet at kinuha ito. Mayroon din na evaporated milk at glutinous rice sa food storage namin. Sa halip na lutuin ko ang essential at pambansang pagkain ng mga may sakit na lugaw ay iba ang aking gagawin.

"Uy, champorado! Baka naman sunugin mo pa," aniya ng naramdaman kong lalaki sa aking likuran. Nakaka-distract ang mainit nitong hininga na dumapo sa may batok ko. Sinasadya ba niya iyon? Lintik. "Kapapatay ko lang kaya ekis na sa sunog. Wala ka rin namang choice kung ma-overcooked, e. Alangan namang bulukin mo iyan," sambit ko at naghayin ng pang-isang serving.

"Sumabay ka na sa akin," alok niya at hinila ang upuan na gagamitin ko pagka-upo niya. Kumalam na rin naman ang tiyan ko kaya ginalaw ko na ang  sinaing at itlog.

"Kumusta ka naman sa trabaho mo?" pauna niyang topic habang kumakain. "Masaya kasi laging may chika kada umaga, kaya somehow, tanggal ang stress. As much as possible naman ay hindi namin pinag-uusapan ang mga empleyado kapag nasa loob ng office," napasubo ako ng itlog at natawa ang inner self nang maalala ang mga maiinit na kwentong pinagsaluhan naming tatlo. Nakakaloka!

"Hmm. Siguro afterwork niyo pinag-uusapan ang iba niyong colleague, ano?" hula niya at nakakainis ang tawa nitong nakakaloko. Parang wala namang sakit, "Minsan lang, kapag adwang-adwa kami sa isang tao. Pero at least, rants lang. Hindi naman para siraan," pagtatanggol ko sa trio namin.

Bumulos siya ng champorado at nag-komento, "Ows?"

"Oo nga! Mabait kasi kami," pagmamayabang ko at uminom ng tubig matapos maubos ang umagahan.

Nanood lang siya ng TV at humiga sa sofa bed nang matapos kaming kumain. Naglinis naman ako ng pinagkainan at naligo.

Mabilis lang pumalo ang kamay ng orasan kaya nagluto na agad ako ng ulam para sa tanghali.

"Hoy! Gagamitin ko na itong bean sprouts (toge) ha? Feeling ko, mas magaling na ako sa'yo magpatubo. Grabe oh, keri lang sa basang white cloth," tuwang-tuwa kong kinuha ito mula sa bilao at inilagay sa mixing bowl. "Malamang tutubo iyan, ako ang nagsabi sa iyo, e," paninira niya sa kasiyahan ko.


Bumili ako sa labas ng lumpia wrapper at sinamantala ang spam in can, kasi mas mahal ang kilo ng karne ngayon. Next week na lang ang fresh meat kasi may fresh toge naman. Haha! Bumili rin ako ng iba pang sahog sa lumpiang toge sa labas

Nang maglakad ako pabalik ay may humila sa dala kong pinamili. "Bakla ka! Sinuyod namin ang San Francisco tapos nandito ka lang pala! Buti may friendship kami ng boss natin at nahingi ko ang bagong address mo," gulantang na gulantang ako sa ingay na dulot ni Gretna.

Hinawakan ni Thalima ang noo ko at nagtaka siya, "Mare, buntis ka na ba? Parang wala ka namang sakit na."

Nagpatuloy kani sa paglalakad at si Gretna ang humawak ng payong na kasya kaming tatlo dahil siya ang pinaka-matangkad. "Hindi, g*ga...so nag-half day kayo para lang dalawin ang asawa ko? Ang dakila niyo naman," pang-aasar ko para magka-idea sila na mali sila ng akala.

"Agoi, may dala pa naman akong weird foods kasi sabi ni Thalima, baka need mo," aniya ni Gretna at narating namin ang pintuan ng bahay ko.

Nauna akong pumasok at dumampot ng facemask para ipa-suot sa mga bisita, "Pasok kayo! May slippers diyan sa gilid," sambit ko at inilapag sa countertop ang pinamili.

"You must be...her husband?" Gretna extended her hand at tinanggap naman ito ni Edsel.

"Ah, yes. I am Edsel Atabello, by the way," sunod niyang tinanggap ang kamay Thalima at naupo silang lahat.

"Gusto ninyo ng champorado?" offer ko at kinuha ang iniabot nilang dala. Mayroong mga prutas at ang tinutukoy nilang 'weird foods' na siyang hapunan na lang namin siguro.

Tumango naman silang dalawa kaya naghayin ako. "Maiwan ko muna kayo rito at sa kusina muna ako. Magluluto lang ako for lunch," sabi ko nang mailapag ang ilang utensils para makakain sila.

Napansin kong sinundan ako ng tingin ni Edsel nang makaalis ako sa kinaroroonan nila hanggang makarating ako sa kitchen, "May kailangan ka?"

Ngumiti lang siya at umiling.

Niluto ko na agad ang filling para madaling prituhin kapag naibalot ko na ang lumpiang toge. Dinagdagan ko na rin at baka humirit ang mga bisita ko.

Gumawa rin ako ng sawsawan na suka at nilagyan ng sibuyas, bawang, at kaunting asukal para may tamis.

Pinuntahan ko sila sa living area, "Halina kayo, luto na!" nagsandok na rin ako ng kanin para rito na sila kukuha at naghubad ng apron.

Wala silang tatlo roon kaya nagtungo ako sa may garden at tama nga ang hinala ko.

"For sale ba ito? Magbi-birthday na kasi si Mama, e mahilig din siyang mag-alaga ng mga ganito," hinawakan ni Thalima ang isang dahon ng nagustuhan niyang halaman. Malay ko lang kung anong tawag.

"Oo, ibinibenta ko. Pero kung sa inyo, kahit libre na lang," aniya ni Edsel at binisita ang iba niyang alaga, "Anla! Hindi pwedeng ganoon, kapatid! Namuhunan ka rito, at saka pinaghirapan mong palaguin," dahilan ni Thalima at natawa ang isa pang bisita na tila gustong kampihan ang nagsalita sa kanyang sinabi.

"Ako rin, bibili. Puro lumot lang ang nakikita ko sa amin," suporta ni Gretna.

Inilagay nila ang mga halaman sa isang plastic bag at nag-abot ng bayad. Nagkahiyaan pa sila at pilit na ibinabalik ni Edsel ang pera.

"Sinusundo na tayo ng cook for today's video," sinamantala niya pa talaga ang presensiya ko para makalimutan nilang dalawa ang pagbabayad. Nakasandal kasi ako kanina at pinakinggan ang usapan nila.

Nauna ni Edsel sa hapag at isiniksik nina Thalima ang pera sa bulsa ko, "Ayaw tanggapin, edi sa misis na lang ang bagsak!"

"Ikaw na ang bahala, Mars. Kapag ayaw pa rin na tanggapin, sabihin mo hindi ka papayag na magpadilig sa kanya. Ganoon!" bulong ni Gretna matapos magsabi ni Thalima kanina.

"Kayo talaga...utak berde," sambit ko at lumingon sila pareho. Tinaasan ako ng kilay, "Mana sa'yo!" nag-apir pa sila nang magkataon na sabay at pareho sila ng sinabi.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon