Seventeenth Encounter

16 1 0
                                    

Zaney's POV

Sumilip si Edsel bandang alas dose na ng umaga at nagtulog-tulugan ako. Lumabas siya at narinig ko ang boses nila ng kanyang amain sa may veranda.

"Gusto ko pong anyayahan kayo sa church wedding ko," bungad niya at matiyagang hinintay ang isasagot ng kanyang tinatanong.

"Si Dolores lang ang pamilya mo rito," para akong pinana sa sinabi sa kanya, "Malapit pa rin po kayo sa akin bukod kay Mama," mukhang hindi natinag si Edsel at namayani ang kagustuhan.

"Ikaw ang kasalanan sa akin ng Ina mo. Sa tingin mo ba ay mapapalampas ko iyon ngayong tumanda ka na?" matarik ang pader ng kanyang ama na kahit anong subok niyang pagkatok ay hindi siya basta-basta papapasukin, "Naiintindihan ko po, ngunit kahit sa araw lang na iyon, Tito Nomer," nabanggit niyang ninais niyang tawagin ang ginoo ng Tatay noon, ngunit nagalit ito sa kanya at pasa pa ang inabutan niya.

"Kapag sinabi kong hindi, ay hindi—"

"Hiling po ito ni Zaney para sa aming dalawa," agad na sambit ni Edsel.

"Huwag mong idamay ang pangalan ng nobya mo," sinisi pa niya ang kausap. Gusto kong sumabat at sabihin na free will ko iyon.

"Ngunit totoo po ang sinabi ko. Gusto rin po nina Eva na sumama talaga," pagpupumulit niya. Hindi na niya mabilang kung ilan ang ginamit niyang panulak para lang maipod ang matigas na bato.

"Alam mo bang masakit sa akin na magkikita na naman ang Fargo na iyon at si Dolores? Ngayon, balak mo pang isama ang mga anak ko at iwan ako rito," hindi man sila nagsisigawan ay ramdam ko ang bigat sa bawat salita na kanilang binibitawan.

"Wala po akong balak na hayaang mangyari ang kinatatakutan ninyo, Tito. Isang araw ko lamang po silang hihiramin sa inyo. Kung hindi po kayo mapanatag ay maaari po kayong sumama kahit sa simbahan lang," I must say he did great in choosing the right words this time. Ang smooth lang sa last part, in fairness.

"Kung mapilit ka ay isama mo na lamang iyong mga kapatid," pumayag man ang matandang lalaki ay may kulang pa rin sa tingin ni Edsel, "Maraming salamat at magandang araw po, Tito," paalam niya at hindi na pinilit ang amain na sumama. Sa tingin ko ay pinangunahan siya ng takot na baka magbago ang isip ng matanda.

Tumalikod ako nang hindi mapansin ang pagkukunwari ko. Sumampa siya sa kama.

Naramdaman ko na he turned to the other side, too. Unusual. Magkatalikuran tuloy kami ngayon na parang nag-away.

I had this impulse na yakapin siya nang mahigpit from behind. I did it carefully like it's part of my sleeping habit. Siguro paborito niya ang hugs, so it's my turn to do the same.

Malapit ang kamay ko sa dibdib niya at ramdan ko ang bilis ng kabog nito. He squeezed my hand at namalayan ko na lang na mas una pa siyang nakatulog kaysa sa akin.

--

Hours later, dumagasa na ang kamag-anak ni Tita Dolores at puro ito mga matatanda.

"Si Tiya Nida nga pala, Zaney," panimula ni Edsel at tingin ko ay may susunod pa sa kanya na kailangan kong hingin ang kamay para makapagmano.

"Magandang araw po!" bati ko at ngumiti. Kung pwede lang na i-tape ang dalawang dulo ng labi ko pataas ay nagawa ko na for the long run. Nakakangalay ngumiti dahil ang dami nila.

Inakbayan ako ni Edsel at lumingon, "Magmano ka rin sa kanya," itinuro ang papalapit na matanda, "Anong pangalan?" dahil balak ko sana itong banggitin.

"Hindi ko rin alam, basta kamag-anak ko raw 'yan," nat*nga naman ako sa sinabi niya, pero sinunod ko na lang, "Pasok po kayo!" inalalayan ko itong maglakad kahit na may tungkod na hawak matapos magmano.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon