Twenty-second Encounter

13 1 0
                                    

Zaney's POV

We rushed to the hospital. Sinabi ni Erdel kung saan sila naroroon kaya nakarating kaagad kami.

"3rd floor, room 303," aniya ni Edsel na hawak ang kamay ko habang hinahanap ang kwarto.

Nakasandal ang tumawag sa amin kanina sa may hallway at malayo ang tingin. Halatang malalim ang iniisip at kung saan na ito nakaabot.

"Hey," hinila ko ang sleeves ng sweater niya at saka lamang siya natauhan. Unang dumapo ang mata niya sa matangkad na nasa likuran ko.

"Anong nangyari?" tanong ng kasama ko sa kanyang kapatid na minasahe ang noo niya.

He deeply sighed and replied to cater the curiosity, "She carelessly drove my car and got into an accident," hindi ako kumbinsido rito dahil gasgas na ang ganitong pangyayari sa mga Filipino telenovela, "Hindi siya nag-seatbelt?" para nabawasan man lang ang damage, "How about the airbag?"

Wala akong napalang sagot kaya naging magkasunod ang tanong namin, "Sa gilid kasi tumama ang motor. It was a collision," paliwanag niya. Nagkatinginan kami ni Edsel dahil hindi nasagot ang tanong namin. Siguro ay hindi matanggap na hindi man lang nagamit ang dalawang bagay na makakapagsalba sana.

"Kung sinabi niya na may gusto siyang puntahan, hindi sana mangyayari ito," he added, "Kasalanan ko rin naman dahil iniwan ko ang susi sa bahay," inamin niyang pareho silang may kasalanan.

"Son, there you are!" madaling-madali si Tita Ednesse kahit naka-heels ito at may dalang designer bag. Nagtungo siya sa anak at ikinalma ito.

"Magandang gabi po," bumati ako at nagmano sa bagong dating na parents.

"Kumusta na si Rizha?" sinubukang silipin ni Tito Fargo ang kwarto pero isinara ulit ito dahil tulog ang pasyente, "Mom, niraspa po siya kanina," mahinang sabi ni Erdel.

"Y-you lost the child?" bakas sa ginang ang panlulumo. She almost cried, ngunit nanatiling matatag para sa anak. Hindi nakayanang sumagot ni Erdel at tumango na lang. Tito Fargo patted his shoulder to comfort him.

Bukod sa mismong magulang ng bata ay masakit din sa mga lolo at lola dahil unang apo na sana nila ito. Their eyes says it all.

"Sandali...kumain ka na ba?" tanong ni Edsel sa kanyang kapatid, "Not yet," isinugod ba naman dito at mayroong nasa sinapupunan pa ang dinala. Hindi ka talaga mapapakali at makakakain.

"Bibili po muna kami sa labas, maiwan po muna namin kayo rito," kahit kami na pauwi na dapat ay gutom na rin.

"Mag-iingat kayo sa labas," paalala ni Tito at umalis na kami.

Umorder kami at nag-drive thru na lamang para mabilis. Hindi naman kasi basta miscarriage ang nangyari. Pati katawan ay damaged.

"Things are getting serious now. Sana makadalo silang dalawa sa kasal," sabi ko habang naghihintay sa aming order, "Sana nga," inabot ni Edsel ang supot ng Jollibee at sumabay ang bugso ng ulan nang paandarin niya ang sasakyan.

"Cr*p, may super typoon nga pala," I talked to myself and good thing na may dala akong payong ay may spare rito sa sasakyan. In case of an emergency like this.

Pinayungan niya ako papasok sa hospital. Iniabot ko ang pagkain, ngunit tulala pa rin si Erdel. On the other hand, Edsel went down at the basement para gumamit ng vendo machine saglit.

"Wala akong ganang kumain," kami lang ang tao sa may hallway dahil pumunta ng chapel ng hospital na ito ang parents niya para magdasal.

"Eat," pagpupumilit ko dahil hindi naman uubra ang pagmamatigas niya. Ilang taon ko na siya kilala kaya alam ko ang kiliti nito.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon