Eleventh Encounter

20 1 0
                                    

Zaney's POV

Mabagal umikot ang mundo, ngunit mabilis lang ang isang araw. Kinabukasan ay company outing na namin at narito ako ngayon sa kwarto para mag-impake.

Kanina pa ako namomroblema dahil hindi pa narating ang Shopee ko. Doon kasi ako umorder ng isusuot ko at naging busy ako nitong nakaraan. Kahapon dapat ang dating noon, ang kaso baka na-delayed.

If ever na hindi dumating, mag rash guard na lang kaya ako? Joke, ang killjoy ko naman sa part na iyon. Naghanap lang ako ng bikini at buti ay mayroon pang stock na small ang size. 

"Zaney, 'yung parcel!" umalingawngaw ang boses niya mula sa ibaba kaya kumaripas ako nang takbo, hawak ang pera na pambayad.

Umakyat kaagad ako nang maibigay sa akin ito dahil may kasama ako sa bahay na usisero. Half day kaming lahat ngayong araw para raw makapaghanda for tomorrow.

He's busy watering his plants at buti hindi niya kayang iwan iyon. Isinukat ko kaagad ang inorder ko at labis ang aking panlulumo.

Nakatulala akong nagsuksok ng iba pang gamit at inisip kung papaano ako bukas. Manghiram na lang kaya ako? Hays, nakakahiya.

Sinubukan kong isukat muli ang binili ko dahit baka magawan ko naman ng paraan. Inilapit ko pa nang todo ang sarili ko sa salamin at tiningnan kung ayos lang o masagwa.

Napatingin ako sa lalaking nakasandal sa may pintuan at nakahalukipkip na tiningnan ako, "Kakain na," tawag niya at hindi na ako tinablan ng hiya kahit nakatingin pa siya.

Tumingin ako sa sahig para umisip pa ng ibang paraan, "Baka naman hindi lang maayos ang tali sa likod," lumapit siya at inigtingan ito para sa akin. Marahil ay nakuha niyabkung bakit hindi pa rin ako mapakali.

Sabay naming tiningnan ang kinalabasan sa salamin ngunit ganoon pa rin.

Bakit kasi medium ang dumating sa akin? Masyadong malaki tuloy ang cup size. Kapag nag-slouch ako or kahit sa side-view, kita ang kaluluwa ko.

Hindi niya ako pinagtawanan o inasar. He sighed and went for his closet. May inilabas siyang paperbag at inilagay sa kama, "Try this,"

It's a black lace up one piece swimsuit. Kumbaga, ang style niya ay parang rubber shoes kasi nga may lace.

Isinukat ko ito sa CR. Fit na fit sa akin, pero hindi ko alam ang hitsura ko. "Ano? Sakto ba—"

Nakita ko na ang sarili ko at nanlaki ang mata ko. Gawd. Mas okay pa ito kaysa sa inorder ko!

"Ano ba 'yan, spoiler!" tumalikod siya at umalis na.

Para akong t*ngang nagpo-pose sa salamin dahil sa tuwa. Feeling ko, ang sexy-sexy ko sa suot ko. Paking syet.

Nagbihis agad ako at bumaba para i-hot seat si Edsel.

Pagkasandok niya ng ulam na chopseuy ay tinanong ko siya, "Kanino 'yun?" hindi naman ako galit o ano. Baka kasi sa kakilala niya or kamag-anak.

The paperbag seems new, though. Wala pa itong gusot kaya baka fresh from store.

"Sa asawa ko," tipid niyang sagot. Kumunot ang kilay ko for what reason. Dahil ba may outing nga kami? Eh alam naman niyang umorder na ako for this dahil katabi ko pa siyang nag-add to cart.

"Wedding gift. After church wedding pa sana iyan, kaso minalas ka ngayon kaya ibinigay ko na in advance," paliwanag niya nang makita ang reaksiyon ko. Nakakainis. Gusto ko siyang awayin today, pero hindi ko magawa kasi ang saya ko talaga.

Nakangisi akong uminom ng tubig at mabilis na tinapos ang pagkain. Good mood ako today. "Gusto mo, ako na ang mag-impake ng gamit mo?"

Napakurap-kurap siya at napalunok, "Sige, ako na ang magliligpit nito kahit ikaw ang naka-assign ngayon," mukhang natuwa rin siya sa initiative ko today. Ngayon lang 'yan. Lubusin na niya sana.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon