Tenth Encounter

20 1 0
                                    

Zaney's POV

"Sa dining area na kami kakain. Dito na kayo sa living room para malambot ang upuan ni mister," pagde-deklara ni Gretna at hinila si Thalima, "Lilipat pa kayo? Dinala ko na nga rito para masaya," aniya ko. "Pumayag ka na lang, Mare. Quality time niyo 'yan, don't mind us! Kunwari, one of the halamans kami," pina-upo na ako ni Thalima at pumunta talaga sila sa may kitchen kung saan malapit ang dining room.

Sinipat ni Edsela ang dalawa at akala niya ay hindi ko mahuhuli na he mouthed something to them, "Ano't may pa-thank you?" angal ko, ngunit kumuha lang siya ng pagkain. Humalakhak naman ang mga nasa kusina.

"Sus, maliit na bagay!" halatang pinag-usapan na magsabay muli silang dalawa dahil nagkaroon ng kaunting katahimikan.

Nakita ko ang lupa sa kamay niya at medyo kumulo ang dugo ko, "kakain kang madumi ang kamay?" tunog nanay tuloy ang dating. Kainis.

"Makakakain naman ako...kung susubuan mo ako," nginuso pa niya ng lumpiang niluto ko, "Sinadya mo 'to, ano?" at ang kupal, tumango! Proud na proud sa ginawa niya.

"Ayaw mong maghugas, ah? Sige, dalihan natin ng baby wipes 'yang kamay mo," kinuha ko sa cabinet ang tinutukoy ko at pinunasan ang kamay niya.

"Tch. 'Kill this love' lang ba ang nasa playlist mo?" komento niya at walang nagawa kung hindi magpunas nang iabot ko ito sa kanya.

May kutsara naman at tinidor siyang magagamit pero iba pa rin ang malinis na kamay. Baka sumama iyon sa pagkain niya, edi lalong nagkasakit. Absent na naman ako kung ganoon!

"Mare, may company outing pala tayo this week. Sasama ka? Sasama na 'yan!" sabi ni Thalima nang balikan kami sa living room. Wari ko ay tapos na silang kumain.

"Kaa-announced lang kanina. Pwede raw magsama ng pamilya, basta ang shoulder lang ng company ay individual payment ng employee, pagkain, beach resort, cottage, at service," sabay uminom ng tubig si Gretna matapos magsalita. Dala ang isang piraso na lumpiang toge at pinapak niya ito habang patungo sa amin.

Tumango ako at na-gets ang balita nila, "Okay. So, ang babayaran ko lang ay ang sabit, ganoon?"

"Edsel, ang salaw. Sabit ka raw?" pang-aalaska ni Thalima, "Okay lang, love language niya talaga ang laitin ako," natawa naman ang dalawa kong kumare.

"Basta, see you there! Tiyagain niyo na lang ang iniwan namin na pagkain diyan, hehe," isinukbit na nila ang kani-kanilang mga designer bag, cue na gogora na sila. "Ihahatid ko lang sila, ha?" lumingon ako at nag-thumbs up naman siya.

"Pagaling ka!" kumaway na silang dalawa, dala-dala ang mga halaman, "Balik kayo!" paalam ng asawa ko.

Naunang naglakad ang dalawa at nahuli ako ng kaunti. "Possible pala ang marriage at first sight. Alright, starting today, magbabaon na ako ng wedding ring at kotse para kapag magtatanong pa lang, wala nang yes-yes!" ani Gretna, "Mismo! 'I do' na agad o kaya diretso sa city hall for civil wed," dagdag ni Thalima. I can't with these two. Dino-dog show nila ang romance life ko.

"Huwag kayong magmadali. Mas bata kayo sa akin kaya sulitin ninyo muna," I sounded like an old lady na nagbibigay ng pangaral.

"Mare, OA ka. Para 1 year, nagself-declared gurang ka na agad? Mas baby-faced ka pa nga sa amin," sabi ni Thalima. Nilingon nila ako pareho at hinintay na makasabay paglalakad. Tinawanan ko lang siya at hindi na ginatungan pa ang kanyang sinabi.

Nang marating namin ang sakayan ay hinawakan ni Gretna ang balikat ko, "Zaney. He's a keeper. Loving him would be worth it," her eyes made me believe that she is speaking only the truth.

Thalima patted may shoulder twice and also gave me a comment, "Kung makikita mo lang kung paano ka niya tingnan. D*mn! Aakalain naming matagal na kayong kasal kung strangers kami ni Gretna," Thalima looked like she just witnessed a beautiful phenomenon.

Exaggerated, Yes. Dahil that time lang nila ako sinabihan in a 'matinong' way. Walang halong biro o malisya.

"Final answer na ba iyan? Mukhang wala kayong masabi sa hitsura, ah?" pabiro ko itong sinabi pero seryoso pa rin sila.

"Well, we can't deny the fact that Erdel is one level higher than him when it comes to looks, pero that's it!" pag-amin ni Gretna, "Hindi kami para plastikin ka at sabihing napakagwapo niya just to make the you relieved. Prangka tayo, alam mo 'yan."

Nakipagbeso-beso ako sa kanilang dalawa at pareho nila akong iniwanan ng payo bago umalis via whispers.

"Zaney, keep trying," -Thalima

"We saw love today, Zaney." -Gretna

Mag-isa akong bumalik sa bahay at nakita ko siyang nag-aabang na naman sa may pintuan. "Hingal na hingal ka. Hindi naman kayo tumakbo, 'di ba?" sabi niya at kinuha ko ang tuwalya na saglit niyang kinuha at iniabot sa akin.

Hindi pa nakuntento ang kaaalis lamang na bisita at sinendan pa ako ng text.

From: +639184463655

'Yung tinginan niyo kanina, mas malagkit pa sa kinain namin na champorado! OMG kayo!

-Thalima ft. Gretna.

P.S. New number ko ito kasi new sim lelz. Love ka namin!

"Makulimlim na kasi. Parang uulan din, e wala akong dalang payong," paliwanag ko. Ibinaba ko ang aking selpon dahil baka mabasa niya ang text sa akin at lumaki ang ulo niya.

Pagkapasok namin sa loob ay kumain kami nang matiwasay. Hindi muna niya ako dinaldal dahil halata niya sigurong pagod ako.

Nang magtungo kami sa kwarto, nagpalit ako ng damit at sumalampak na agad sa kama.

"Nasa ibabaw ng kabinet ang bayad nila. Ipinakita mo kasi sa akin ang picture kaya inilaglag kita at ibinigay ko ang presyo. Nasaulo ko tuloy," para rin naman sa kanya iyon, "Pasasalamat ko na sana iyon sa kanila for sticking with you through thick and thin," paliwanag niya at naunawaan ko ang punto niya ng hindi pagpapabayad. "Mapilit sila. Hayaan mo na at sa susunod ka na lang bumawi kung gusto mo," suggestion ko and he seemed okay with that.

Tumabi siya sa akin at binalot ang sarili sa kumot, "Ang hyper ng mga ka-trabaho mo. Ducks of the same feather quack together nga naman."

Pinigilan kong kumawala ang tawa sa bibig ko pero huli na ang lahat. Natawa lang naman ako nang bahagya sa another kuya jokes niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" pag-iiba ko ng usapan. "I'm feeling better na. Kaya na nga kitang ipagluto bukas," dumali na naman siya sa kanyang hambog moments. Kinarir na ng pagiging househusband.

"Dapat lang! Kung gusto mong isabit kita sa miming umayos ka," nag-sign of the cross na ako para hindi na masundan ang sasabihin ko pero ayaw niyang magpaawat.

"Sabit pala, ah? Okay lang naman talaga..."

Pinatapos niya talaga akong magdasal bago niya ipinagpatuloy.

"Basta ba may isa pang sabit na bulilit sa susunod, ayos lang talaga."

"Tama na, please. Bahala kang mag-isa sa aisle," tinukoy ko ang church wedding na plano noong nakaraan.

"Ako na ang magdadrive papuntang simbahan at maghahatid sa iyo patungong altar, sumipot ka lang."

Malala na talaga siya. Palitan ba naman ng role sina Mama. Tsk. Tsk.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon