Sinubukan kong i-entertain si Edsel nang matino matapos ang gabing iyon. Lumipat pa kami sa bahay na ipinagawa ko noon para raw masanay kami. We dated in a lot of posh restaurants after work for a month, thinking na magtutuloy-tuloy na ang pagbaling ng atensiyon sa kanya.
Nagvibrate ang cellphone ng 'asawa ko' sa may cabinet at inabot niya ito. Wala siyang ideya na mas nauna akong nagising kaya nagkunwari akong natutulog pa.
"Hello?"
"Nagsusuka si Rizha, kuya! Anong gagawin ko?"
Pinilit kong ipikit pa rin ang mata kahit kinutuban ako. "Huh? Edi hagurin mo ang likod! Pakalmahin mo pagkatapos. Anong kinain ba?"
"Nagluto ako ng pancit canton...ang sabi, lasang bulok!" kahit si Erdel ay hindi matanggap ang ibinalita niya base sa kanyang tono.
"Bumili ka ng PT. Kahit ano pa ang maging resulta, dalhin mo pa rin sa ospital," suhestiyon ni Edsel.
"Pwede bang samahan mo kami? Sige na naman, tsong," pagmamakaawa nito.
"Nako, tulog pa kasi si Misis at hindi ko maiwan..."
"Ako na ang bahala kay Zaney! Please!"
Narinig ko ang malalim na paghinga ni Edsel at nagmadaling bumangon para mag magbihis.
Nang magkalkal siya sa drawer ay hinigit ko ang dulo ng t-shirt niya bago pa siya makaalis, "Saan ka pupunta?"
"Emergency raw, sabi ni Erdel. Babalik ako kaagad."
Hindi niya masabi sa akin ang dahilan kahit alam ko. Dahil ba, posibleng masaktan ako sa malalaman ko?
Hindi na ako nagpumilit pa at binalot ko ang sarili sa makapal na kumot. Ramdam ko ang init na dala nito at pinakalma ako nang panandalian lamang.
Nagprito ako ng itlog para sa umagahan. Day off ko ngayon kaya malakas ang loob kong magtagal sa kama. Heto nga't nakatulog muli ako bago makapagluto, pero wala pa siya.
Hindi ako nakapagsabi ng 'Ingat ka' dahil sa kirot na naramdaman ko.
Blangko kong nginuya ang mga kanin na may ulam at sinubukang namnamin ang pagkain na nasa harap ko, ngunit para akong nawalan ng panlasa. Paborito ko pa naman ang bigas na ito dahil ang sarap ng kanin kapag naluto na, pero ngayon ay may pait ang lasa nito.
Tumayo ako at kumuha ng banana ketchup. Nagbaka sakali na magkakalasa ang nasa hapag.
"Ha...mukhang busog ka na," bati ng bagong dating. "Kumain ka na. Nagtira ako ng itlog," walang gana kong sambit at tinapos ang pagkain ko.
Lalo akong naiyamot nang sumandok siya ng kanin sa rice cooker. "Alam mo, buntis na si Rizha! Hindi ko nabanggit kanina kasi sinigurado ko muna kaya ako umalis."
"Nice," tangi kong sagot at nagtungo sa hardin. Kailangan kong palipasin ang nararamdaman ko.
"Bakit parang galit ka? Darating din tayo roon—"
"Then, ano? Dapat ba akong maging masaya? Kaunting sensitivity naman!" hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin siya dahil sinundan niya ako sa garden sa halip na kumain.
"Zaney, please stop. They are married for pete's sake. Bakit ka nagkakaganyan? Akala ko ba may closure na kayo?" mahinahon niyang sabi pero ramdam ko ang pagkadismaya. "I can't get over on the fact na may closure kami. I thought, I had the chance kahit kasal na sila—"
There you have it. I saw how hurt he is when he heard me. Para bang sinugatan ko siya kahit wala namang akong ginagawang pisikal.
"Patawad, lulong ka nga pala sa kanya."
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.