Zaney's POV
"Pumasok ka muna. If you wanna talk to her, the rooftop's available," alok ni Gareth.
"Okay lang ba?" tanong ko. Hindi ko naman kasi ito bahay, "Bruha ka, feel at home ka na nga rito since then, of course he's welcome too!" binuksan niya ang kanyang refrigerator at kumuha ng alak. She made a face na parang iniinggit ako. Hindi pa naman sure kung mayroon na ngang laman e.
"Uh—Thanks," sumunod naman si Erdel sa sinabi.
"Later, Mare," cue ko ito na babalitaan ko siya sa magiging takbo ng aming pag-uusapan. She raised her bottle as a signal at umakyat na kami sa taas.
Open space ang kanilang rooftop kaya daman
"How come na alam mong nandito ako?" kinakabahan talaga ko nang itanong iyan sa kanya. Like, what's gonna happen with this conversation? Parang urgent.
"College days, Zan. Si Gareth lang naman ang fairy godmother mo," I remember how he felt jealous nang maging clingy ako sa girl best friend ko. Dalawang beses ha. Isang as friends at isang as lovers. Cringe at its finest!
"Anong pakay mo?" hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, "May scheduled flight bukas si Rizha papuntang France. Plano pala niyang pilitin na isama si kuya kaya dalawa ang ticket," ito ang headline niya kung iaayon ito sa balita.
I can't believe na nasisikmura ni Erdel ang mga naririnig niya sa kanyang asawa, "Gusto kong magalit sa kanya, I swear! Hindi ko malaman kung ginamit niya lang ba ako para mapalapit ulit kay kuya, o sadyang hindi lang siya maka-move on at gusto niya ng kasagutan sa mga tanong niya," dagdag pa niya.
"I came here to tell you na balak ko siyang sundan doon for good at humihingi na ako ng dispensa dahil hindi kami makakapunta sa kasal niyo," mula sa pagtitig ko sa sahig ay napatingin ako sa kanya. He's really head over heels for her.
"So you'll let her go first, tapos sikreto mo siyang susundan doon?" inulit ko ng kaunti ang sinabi niya para masiguradong tama ang pagkakaintindi ko, "Oo, kahit tinakot niya ako at sinabing hihiwalayan ako kapag sumama ako sa kanya. Ayaw pala niyang sumama ako, edi sige to follow na lang," hindi niya talaga kayang maging seryoso throughout the conversation. Napapikit ako at huminga through my nose para pigilang tumawa.
"You're wife's really crazy," nawalan na ako ng pakialam sa maaaring reaksyon ni Erdel kapag sinabihan ko ng ganoon si Rizha. "Sinabi mo pa," ngumisi siya at umupo.
"Bago ako umalis sa makalawa, gusto ko sanang kasama kita pagpunta sa airport para may support ako. Mahirap na, baka biglang magbago ng isip ko."
Hindi ko na ito masyadong pinag-isipan. Of course, papayag ako dahil kaibigan ko siya.
"Sure, basta sagot mo ang gas," sa tuwing sasagi sa isip ko ang pagtaas ng presyo nito ay gusto ko na lamang maglakad sa tuwing may pupuntahan ako.
"It's my turn to ask questions," nagulat ako dahil ang akala kong sadya niya lamang ay paghingi ng pabor o paumanhin. May kasunod pa pala.
"Go ahead," binalot ko ang aking sarili sa jacket kong dala dahil sa lamig, "Bakit ka nandito?"
"Time and space. Kailangan ko lang dahil tinaguan ako ng katotohanan," it was a bullseye for him at nagsalita siyang muli, "I have no right to disclose that thing to you because it's between kuya and Rizha," kahit siguro siya ay gusto ibahagi ito pero pinili niyang manahimik.
"Hindi naman kita sinisisi," pagtatama ko.
"Gusto ko lang na pagaanin ang loob mo. Akala mo siguro ay pinagkaisahan ka namin," tinabihan niya ako sa pag-upo at tumingala rin. Star gazing is the best.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.