[Fourth Encounter]
Zaney's POV
I stayed the night at my parent's house. May damit naman kasi akong dala na pang opisina kaya rito na ako magpapatibuhat.
Tinabihan pa nila ako sa pagtulog kasi iba na raw ang kasiping ko bukas ng gabi. Inang, wala naman pong mangyayari. Baka maalala ko lang si Erdel.
**
Nagising ako sa tilaok ng manok ni Papa at nagmadali. Medyo malayo ang byahe mula rito kumpara mula sa apartment ko papuntang opisina.
"Work mode na work mode ka ngayon, ah? May lakad ka, ano?" yes, Gretna. Kasal ko ngayon at nakakaloka.
Isinend ko ang file through gmail sa aking boss at inintay ang approval niya, "Oo. Manlalalaki ako, sasama ka?" hamon ko at itinaas niya ang kilay habang nage-encode.
"No thanks, ako ang hinahabol ng lalaki. Si Thalima, baka sumabit," suggestion niya.
Thalima looked so tired this morning. Nagkabati na ba sila ng boyfriend niya?
"Goods na ba kayo ni Martin?" nilingon niya ako at nagkusot ng mata, "Ah, yes! Napagod nga ako kagabi hehe. Alam mo na," ngumuso lang ako at nakitang napahawak siya sa kanyang balakang at ibinaba ang long neck niyang suot para sa proof na hickey. What the hell.
Huminga ako nang malalim at kumain ng choco-mucho na kinuha ko galing sa cabinet.
My lips formed a curve on both sides nang makita ang approved file na reply ng boss namin. Nag-okay sign pa siya sa room niya at nasulyapan ko ito.
"Mga Mars, mauna na ako, ha? Mago-overtime na lang ako bukas," paalam ko kina Gretna at Thalima na tumango lamang dahil busy sa trabaho.
Inayusan ko ang aking sarili with light make up just to look presentable. I even wore the chiffon dress that Aunt Ednesse bought for me. Dala nila ito kagabi at nagsuot ako ng silver heels.
Hindi ba ito naman ang gusto ko? Kahit sino na lang, basta nahinga. Wish granted nga naman, I should be thankful.
Ang sabi ni Edsel, susunduin niya ako ngayon sa opisina ko pero nag-email pa siya kanina habang naghihintay ako sa opisina at sinabing change of plans. Ang pamilya ko naman ay doon na tatagpo.
Nakita ko sa malayo ang aking mga kapatid na nagtatawanan as soon as my fancy dress and heels hit the ground. Nakakatawa lang na ganito ang suot ko habang nagda-drive. Para akong runaway bride.
Habang papalapit ako ay hindi ko maiwasang mainggit. May chance silang makatuluyan ang gusto talaga nila. Maaari nilang habulin at ipaglaban. Ako, I can't chase him anymore. He was caught by someone else.
Pagkapasok ko ay naroon na ang ilan sa mga inaasahan ko. Erdel and Rizha looked at me at nilapitan naman ako ng kaibigan ko, "Wala pa si kuya pero heto ang bouquet mo," iniabot niya sa akin ang mga rosas. Nadismaya lang ako dahil nauna pa ako sa rito sa City Hall. Umupo muna ako saglit at tinanaw ang mga halaman sa labas para ma-relaxed.
Shello poked me at mukhang naiinip na, "Ate matagal pa ba? Gutom na po kami ni Staffa," kumalam ang sikmura nila pareho kaya binigyan mo muna ng candy. Si Shello ang sumunod sa akin at bunso naman si Staffa. All girls.
30 minutes na ang nakalipas at nakita kong magpapanic na ang mga kasama ko. Sinusubukan nilang tawagan sina Tita Ednesse na kasamang pupunta raw dito si Edsel.
"Let's start this thing. Thank you for patiently waiting," nagising ang diwa ko nang marinig si Edsel. Papikit na sana ako dahil sa puyat.
For a groom, he looked pale. Iniwasan kong mag-overthink at mabilis namang natapos ang procedure. Hinalikan niya lamang ako sa pisngi kanina.
"Sorry, pangbunso ang kiss ko kanina. Next time, pang-kuya na," bati niya nang papalapit na kami sa sasakyan.
"Ako na ang magmamaneho. You don't look fine," puna ko at sumang-ayon siya sa pamamagitan ng pag-abot sa akin ng susi ng kanyang kotse. Ang sasakyan ko naman ay ginamit ni Papa.
Tahimik lang kami buong byahe at sinilip siya sa rear view mirror na nasa itaas ng kotse. Nakatulog siya sa backseat at nagising nang ihinto ko ang sasakyan.
Narito kami sa bahay nila na puno ng halaman. When I said full, I meant it's everywhere.
Nakaupo lang siya habang kinakausap ang ibang bisita at napapahawak sa dibdib. Really, what is wrong with him?
May ilan kaming natanggap na regalo kahit hindi pa church wedding. What more pa kaya sa mismong day?
I sighed and changed my clothes. Ayaw kong marumihan ang suot ko dahil mahirap maglaba ng all white. Nakakatakot.
He excused himself. Nagtama ang mga mata namin at akala ko ay pupuntahan niya ako rito sa kusina. Kinuha niya ang isang pot na may halaman at ipinakita sa mga bisita.
"I love the way you talk to your plants! I think, even the plants are happy to be with you. Kaya lang, baka naman mas asawahin mo pa iyan kaysa kay Zaney," asar ng kumpare ni Tito Fargo.
Nangunguna sa kantyaw ang boses ni Erdel kaya nadagdagan ang inis ko, "Tito, sabi niyo nga po kanina, magaling magtanim si kuya kaya malabo pong mangyari,"
Naghalakhakan ang mga nasa living room and I made a face nang makatalikod sa hiya. Of course, ibang berde ang tinutukoy nila.
His biological mom approached me and started to look sorry, "Anak, naghyperventilate si Edsel kanina. Sinubukan naming ipa-post poned sana ang kasal niyo pero ang sabi, kaya naman daw niya,"
Napatingin naman ako sa kanya at naawa. Mahirap talaga ang may asthma. Oras-oras, pwede kang atakihin. "Ayos lang naman po, tita. Ang mahalaga ay maayos na po siya ngayon," sagot ko.
Nagpaaalam na ang ibang bisita at naiwan kaming dalawa na naglilinis ng kalat. Nagpaulan kasi kanina ng petals at confetti nang makapasok kami sa bahay nila. Muntik pa akong makalunok ng fresh petals.
"Magpahinga ka na sa kwarto mo, ako na rito," parang utos na rin ang tono ko dahil parang babagsak na ang katawan niya. Lasing ba siya?
Tumira pala sila ng Alfonso Light. 25% ang alcohol content nito pero ang lakas na agad ng tama sa kanya. Low tolerance pa nga. Paano na kami uusad nito, e we both can't hold liquor for too long?
Hindi siya nakinig at nagwalis pa rin, "Pulang-pula ka na, ako na sabi," pagpupumilit ko.
Napaluhod siya at yumakap sa aking baywang. Ang init niya at kinabahan ako dahil baka sukahan niya ako nang wala sa oras.
"Ma, magugustuhan kaya ako ni Zaney?"
Sinubukan kong tanggalin ang pagkakapulupot ng braso niya sa akin at parang ginawa pang basahan ang suot ko.
"Hindi ako ang Mama mo, Edsel. Tumayo ka," I've got a grasp on his hair and surprisingly, it's smooth. "Hmm" he moaned at my touch at kinilabutan ako.
"Ang lala talaga ng pagkaganda niya..."
Tuluyan na siyang bumagsak sa sahig at nagpatulong ako kina Tita Ednesse at sa Ina niya mismo. Umuwi na ang pamilya ko kaya kami na lamang dito.
"Anak, ikaw na ang bahala sa kanya ha? may trabaho pa ako bukas at pagod na rin ako. Ang nanay naman niya ay may uuwian na isa pang pamilya," paliwanag ni Tita Ednesse na pabagsak na rin ang mata sa antok.
Nagmano ako sa biological mother niya at ibinulong sa akin ng pangalan, "Okay po, Inay Walda," ngumiti naman siya at kumaway na.
"Sisilip-silipin ko rin kayo mamaya kapag nagising ako. Congratulations, Mrs. Atabello! Call me Tita-Mommy bukas," nagawa pa niyang humirit at ngumiwi na lamang ako. Naihatid na kasi namin si Edsel sa kwarto niya.
Inayos ko na rin ang sarili para humiga sa tabi niya. Pinaglaruan ko rin ang singsing sa daliri ko at pinagmasdan ito bago ako magpaubaya sa tukso ng mga unan.
Magtagal kaya ito sa kamay ko?
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.