Zaney's POV
We enjoyed eating at lumusong na ang iba sa dagat. Nakaramdam ako ng gutom nang dumako ang mga mata ko sa pakwan na hindi pa nagagalaw.
Nakita kong kinuha ito ni Edsel at inosenteng kumuha ng kutsilyo. Pansamantala kong kinuting-ting ang aking selpon at iniabot niya sa akin ang isang parte ng prutas.
"Dali, kagat," pinansin ko siya at itinulak sa bibig niya ang alok sa akin, "Kainin mo 'yung laman, magiwan ka ng bottom part," seryoso kong sambit at kita sa mukha niya na hindi makapaniwala.
Inisip pa niya ang posibleng dahilan nito, "Ayaw mo ng mabutong parte?" na tinanguan ko naman.
"Magbe-beach volleyball daw, gusto mong sumali?" tanong ko nang maalala na binanggit ito sa akin ni Thalima.
"Baka masunog ako," umakto pa siyang parang pinorotektahan ang kanyang katawan, "Kunin mo 'yung body lotion na may sun protection sa bag ko," utos iyon dahil tinatamad ako. Haha.
Ngumuso siya at kumagat ng pakwan, "Samahan mo ako."
Hindi niya ibinigay ang bottom part ng watermelon hangga't hindi ako napayag na sumama sa kanya. Napilitan tuloy ako dahil mouthwatering ang pagkain niya nito kanina pa. He's trying to mock me pa talaga.
Kanina pa akong nakapagpahid nito kaya hindi agad ako pumayag din kanina. Kinuha ko rin ang towel pamunas ng pawis at palabas na sana, ngunit humarang siya at ini-lock ang pinto.
Kinabahn ako nang bahagya at napawi agad nang magsalita siya, "Pahiran mo ako," demand pa niya, nakuha niya ang tingin kong ipinaabot sa kanya na may kamay naman siya pero itinaas niya ang kamay na may hawak na dalawang slices ng pakwan, "Hindi naman ako si four arms sa Ben 10 kaya hindi ko kayang pahiran ang sarili ko," nai-topic pa niya ito para lang makumbinsi ako. Kainaman.
"Tumalikod ka," I commanded him ay sumunod naman siya. Ayaw kong makita ang mukha niya habang nagpapahid dahil iba ang naiisip ko. Me and my green mind.
Wala namang naging problema nang dumampi ang na ang kamay ko sa balat niya. Napapikit lang ako nang tumagal na dahil sa init na naramdaman ko sa aking palad. Ganito pala kahit simpleng haplos lang. Umiling ako at minadaling daanan ang hindi pa nabibigyang pansin.
"Tara na," yakag ko at saktong magsisimula na ang laro.
Hindi ko inasahan na magaling si Edsel dito. Siya ang sumasalo sa pagiging beginner ko at wala akong narinig na reklamo.
"Ang galing ni kuya oh, na-save!"
"Hinay-hinay naman po sa palo,"
"Palitan ko na kaya si ate,"
Rinig na rinig ko ang sinasabi nila kahit naglalaro ako. Pinilit ko naman na hindi ito isipin pero na-pressured pa rin ako.
"Huwag mong masyadong galingan, nalalait ako e," pabiro kong sabi kay Edsel. He chuckled at my remark at nag-pokus na ulit sa laro.
Muntik na kaming matalo dahil sa akin. Buti na lang bumawi ang magaling kong asawa. I owe him one tuloy.
"Good game," parang naging entertainment ang laro namin sa iba kong mga ka-trabaho. Friendly game lang naman ito dahil inaya lang kami nina Gretna at Thalima.
"Shuta mare, kanina pa akong kinukulit ng mga nanonood sa side namin," biglang lapit sa akin ni Thalima. Kunot malala naman ang kilay ko sa balita niya, "Bakit naman?"
Ngumiwi siya, "Tinatanong kung anong pangalan ng asawa mo, ang sabi ko ay may sing-sing na e. Hinihingi pa rin!"
"Ibinigay mo naman?" si Gretna kasi at ang kasama niya ang kalaban namin sa second game kaya si Thalima lang ang na-hot seat.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.