Zaney's POV
Patulog na ako para ikalma ang aking sarili. Grabe ka, Edsel. Pati araw ng kasal natin, limot mo na?
I scheduled my tampo for tomorrow morning dahil wala yata siyang balak na kibuin ako. Walang suyo. Walang kalabit. Walang sweet dreams.
Nakita ko siyang naglatag ng banig sa sahig na kinuha siguro mula sa storage room namin. Kunot na kunot ang kilay ko pero ayaw kong magsalita dahil nga sa nabasag kong expectations.
"If it's our anniversary today, that means you got a gift for me?"
Windang ang buong pagkatao ko. Parang nagbackfired ang tampo at away kong sinimulan.
Birthday nga pala niya. Ack!
Nag-isip ako ng pwedeng alibi pero walang neurons na tumulong sa akin. Sana pala nagkape ako para gising ang diwa ko.
"Sorry, nawala rin sa isip ko," ibinaba ko na agad ang aking toptier pride at sinubukan siyang paakyatin sa kama.
"Matulog ka na, Zaney," awit. Tinawag ako sa pangalan ko. Nalipat na 'yung tampo ko sa kanya.
Hindi ba dapat ang cycle ay 'Edsel gets angry, Zaney gets angrier, Edsel apologizes,' according sa tatay ni Kriz Uy? Ako pa tuloy ang dapat magpa-good shot ngayon, argh!
Hindi ko na siya pinilit pa dahil dismayado rin naman ako! Itinaas ko ng kaunti ang pride ko dahil nagmatigas siya.
--
"Mom, it's late in the morning," nagising ako sa yugyog ni Zerif sa aking paa. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong nasa banig ako.
"Nasaan ang Dad mo?" tanong ko at nagligpit ng hinigaan nang mabilisan. Linggo naman ngayon at walanh pasok, pero aasikasuhin ko pa ang mga anak ko.
"He's bathing Eddy. Maaga rin po siyang nagising to water his plants," sagot niya. Umupo ako sa kama saglit at naghanap ng tuwalya pampaligo.
"Oh, I see. Thank you for waking me up. Mauna ka na sa baba," sambit ako at ginulo nang kaunti ang buhok niya.
Pagkababa ko ay sinalubong ako ni Ezron, "Mama! kuya said you slept po sa banig," bulong niya sa akin nang buhatin ko ito.
"Nahuhulog kasi si Mama sa kama kaya may banig na naka-ready sa baba," palusot ko at tumawa naman ang anak ko. Paniwalaan mo, please.
Pagkalabas ng mag-ama ay nagtago ako sa may kusina. Sinikap kong hindi mahuli at dumiretso sa CR para makaligo na.
"Did you fight po ba with Dad?" nagulat ako sa bungad ni Zerif paglabas ko ng palikuran. His arms were crossed at parang imbestigador.
"Hindi, sadyang wala lang ako sa huwisyo pagkagising," pinaningkit niya ang kanyang mga mata at umalis na sa harap ko.
I thought of some possible ways to make up with him. Sana gumana kahit isa.
"Honey, ako muna ang mag-aalaga kay Edreese. You can go out on a date with Zerif and Ezron," alok ko at kinuha si Eddy sa kanyang crib.
Tumango lang siya at sinenyasan ang mga anak na magbihis sa taas. Ayaw niya pa 'nun? Quality time nilang mag-aama! Sa akin kasi laging nakabuntot ang panganay at pangalawa kong anak.
Pinakain ko ang mga rabbit na bigay sa amin. Marami na silang anak at lumapit kami ni Edreese sa kulungan nito. Ang satisfying kasi nilang panoorin.
"Eddy, say Nanay~" sumegue ako at kinausap ang bunso ko habang nasa walker.
"Tata!" labas na labas ang ngipin nitong ngumiti s akin. May kaunting laway pa kaya pinunasan ko kaagad ito.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.