Twentieth Encounter

13 1 0
                                    

Zaney's POV

Hindi ko na mabilang kung ilang araw, linggo, at buwan ang lumipas magmula noong magselos siya. Gumising na lang ako na isang araw, hawak-hawak niya ang medida kahit nagkakamot pa lang ako ng tiyan pagkababa.

"Measure and Diet?" hinulaan ko ang pakulo niya ngayong umaga at iniikot ang tape measure sa waist ko. He used it to pull me at tinakpan ko ang bibig ko dahil sa mabaho kong hininga tuwing umaga.

"Hindi. Ako ang gagawa ng wedding gown mo," I was not surprised with his statement. Isang araw ay nakakita ako ng gown sa bodega at it was mesmerizing. Nanlumo ako nang malaman na he did it for his ex years ago, pero hindi naman naibigay o naisuot.

Isa ito sa mga hilig niya bukod sa farming at pagiging botanist. Minsan gusto ko na lang haplusin ang kamay niya sa galing nitong gumawa.

"Sigurado ka?" I am not questioning his skills. Top tier nga ito kung tutuusin dahil grabe siya sa details ng gown. Pulido.

"Yes, pati sa programme ako na rin ang iisip at mage-email kay Ms. Gatiano," tinutukoy niya ang host at wedding organizer na inusap namin.

"Cool, lalakarin ko ngayon ang simbahan at reception," ito naman ang naisip kong ambag sa kasal namin.

Sinukatan niya ako sa kung saan-saan at kumain na ng umagahan.

We became busy afterwards para sulitin ang holiday ngayon.

Dati, gusto ko sa malaking simbahan ako ikasal para ma-overwhelmed ako. Tipong malayo ang mararating ng mata ko makita ko lamang ang mga ilaw na nagsabit sa taas o kung ano mang disenyo ang mayroon ang sagradong lugar.

Ngayon, mas ninais ko nang maliit ang lugar na pangyarihan ng pinakapaboritong seremonya sa buhay ko. Gusto kong marindi sa tugtog ng romantikong musika kapag naglakad na ako nang dahan-dahan. Hangad ko na mas makita ako sa malapitan ng mga taong nakaalala at inaalala ko sa araw-araw. Importante na masilayan nila kung gaano ako kasaya na parte sila ng kaligayan ko sa araw na iyon.

"By the way, beach wedding pa rin ba ang gusto mo?" tanong niya habang magkatapat kaming kumakain ng ramen.

Pinigilan kong matawa sa sinabi niya, "Hindi na, iyon lang ang hint ko para sa'yo," sisikapin kong hindi niya malalaman ang lugar kaya ako ang gagawa ng invitation namin.

Sa wedding reception naman, before ay gustong-gusto ko sa beach din ito mangyari, pero iniba ko na rin at iniayon sa ikagagalak naman niya.

Wedding Venue at the Glass Garden seems surreal for me. Tutal, hilig naman niya ang nature, bakit pa ako lalayo?

Ang concept ay having tea in the afternoon. Nahanap ko ito sa google at sinabi sa isang article na ang indoor garden ay may natural live plants na pinapalitan kada buwan para fresh! The glass walls also allow natural light to come in, at ito ang nakapagpaganda sa lugar.

Nagmotor ako papunta sa lugar na kailangan kong tingnan at may ilan akong nakasabayan na balak din magpakasal o magdaos ng programme sa lugar.

Mayroon akong nakasabay na young couple, ang isang pares ay madadagdagan na ng isa pa, at ang isa naman ay matanda na at magpapakasal muli.

Ako lang ang pumuntang mag-isa rito sa shrine (maliit na simbahan) kaya na-intriga ang mga naririto, "Excuse me miss, where is your partner?" tanong sa akin ng babae sa binanggit kong young couple, "Oh, he's busy making my wedding gown," kahit na sinukatan pa lang naman ako. Ang b*tchy kasi ng tono niya, parang gusto akong kaawaan dahil alone ako ngayon.

Natawa ang buntis na nakarinig ng conversation namin. Pinagsabihan pa tuloy siya ng kanyang mister at tinanguan ako.

Sinabihan kami na magkakaroon ng mga seminars, kumpisal, at kung ano pang preparasyon nang magalista kami sa opisina o tanggapan ng shrine.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon