Fourteenth Encounter

13 2 0
                                    

Zaney's POV

He was taken aback. Parang ayaw niya pang maniwala sa sinabi ko, "Are you sure? Hindi naman kita pine-pressure."

Pinagdikit ko ang noo naming dalawa to catch up. Hiningal na agad ako sa ginawa ko.

"Sige bawiin ko na lang—" he pressed his index finger on my lips. "Touch move," akala mo'y hinawakan talaga. Sabi lang naman, "Binayaran mo talaga 'yung nga commentators ngayong araw para pagselosin ako," inakusahan ko siya para matanggal na ang hiya ko.

"Hindi ko naman inexpect na magiging territorial ka, akala ko lang ay magiging proud ka sa akin," he hugged me tight dahil sa lamig ng hangin na humampas sa amin, "Happy ka?" para kasing hindi. Sana man lang ay sinuklian niya ng kiss back sa lips. Hindi pa siya nagi-initiate ng ganoon at puro ako ang first move.

"Over the moon pa," then he smiled ear to ear. Ngumuso ako para sa cue na sunggaban niya ako pero umiling siya to tease me. Napaka!

"Bakit ba ayaw mo? Isa lang, e," yamot na sabi ko. Ikaw ba naman, dry season until kanina, biglang na-watered. Edi lalo kang nauhaw, "'Yung isa na 'yan, susundan ng isa pa, afterwards," na para bang alam na alam niya ang takbo ng sistema ko. Duh? Marunong naman akong makuntento. I-save na lang for some other time ang iba, ganoon.

"Sabi ko nga tama na," tumalikod ako at inayos ang swimsuit ko na nakalag pala ang tali sa unahan.

He thought na nagtampo ako kaya iniharap niyang muli ako sa kanya at itinuro ang ilong niya. Hindi ko na-gets noong una pero lumapit ako at sinubukan kung tama ang gusto niyang iparating.

Pinag-umpog ko ang ilong ko sa kanya to do an Eskimo's kiss. I closed my eyes to feel the moment we have now. "Ang tangos ng ilong mo," he said in between the romantic gesture.

Naramdaman ko ang labi niya sa tungki ng ilong ko. "Umahon na tayo at nang maawat sa kakesohan," mungkahi niya at sumunod ako.

Binilisan ko ang lakad at kinuha ang tuwalya niya. "Umupo ka muna," then I dried his hair.

"Bakit tumawag si Erdel sa'yo kanina?"

Natigil ako sa ginagawa ko, "How did you know it was him?" lumayo kaagad ako nang tanggapin ko ang tawag na ito. Aakalain ng iba na tawag galing sa trabaho.

"You smiled before taking the call," wala namang bakas ng pagka-bitter sa sinabi niya. Sadyang sigurado lang siya, "Sabi niya bibisita raw sila sa bahay one of these days," hindi ko na binanggit na humingi ng tawad ang half brother niya dahil baka magkaroon pa ng mabilisang argumento.

"Okay lang ba sa'yo?"

Gusto kong sabihin na hindi, dahil minsan ay hindi ko kilala ang sarili ko. One second, emotional berserk, "Siguro kaya ko naman silang harapin ulit. I should be happy for the baby," ginulo ko ang buhok ni Edsel for worrying about me. He's hurting too, pero ako pa rin ang una niyang inisip.

Matiwasay naming nilisan ang beach resort. Ang lugar kung saan nais ko sanang ikasal ay nabago na sa isang iglap.

Tulog sa balikat ko si Edsel habang nakadungaw ako sa bintana ng sasakyan. Pauwi na kami at kaming dalawa na lamang ang nasa loob dahil nakababa na ang iba.

Huminto ang sasakyan at minataan kami ng driver. Niyugyog ko ang tulog-mantika, "Nandito na tayo."

"Sabihin mo kay kuya, umikot muna," nahampas ko ang braso niya sa kanyang kagustuhan. Balak pang pahabain ang biyahe para magtagal kami sa pwesto namin kanina.

"Siraulo, iiwan kita rito kung ganoon," wala naman siyang nagawa kundi dalhin ang mga bag at nang makauwi na rin ang driver namin, "Salamat po, kuya!" paalam ko at kumaway naman ito.

Pagod kami sa byahe kaya dumiretso kami ng kwarto upang makapagbihis ng pambahay na damit.

Isinalampak ko na ang sarili ko sa kama kahit nakadapa at yumupyop sa unan ko.

"Zaney?"

Iminulat ko ang mata ko nang bahagya, "Hmm?"

"Thank you for bringing me with you," nagkumot siya kahit umagang-umaga at tumabi sa akin.

Ginaya ko siya at nagkumot din, "You're welcome, kuyang sumabit."

Dinambahan ko siya at nagpagulong-gulong sa kama hanggang sa nalaglag kami. We ended up hugging each other at tumayo siya.

"Magluluto na ko, ako ang gusto mo?" he's really playful with words, "Anong 'ako'?" apela ko at mukhang sinadya.

"Sorry typo," binato ko siya ng isang maliit na unan at sapul sa mukha niya, "Gusto ko ng sinangag," natakam kaagad ako sa suggestion ko  kahit hindi pa naluluto.

"Pwede bang breakfast cereal na lang?" sinamaan ko siya ng tingin, "Nagtanong ka pa!" ang dali-daling i-prepare 'nun kaya siguro binanggit niya. Tinamaan pa nga ng last minute katamaran.

Naghilamos muna ako at bumaba para maghintay ng kakainin. Kapag wala pa rin, siya na lang lalapangin ko. Jokings.

Napanganga ako nang masilayan ang wannabe cook sa kusina.

"Anong trip 'yan?" paano ba naman, shirtless tapos isinuot ang DIY apron ko with boxers lang.

Hindi niya ako sinagot kaya umupo ako sa hapag kainan. Inihayin niya ang Sinangag sa harap ko and he sat in front of me.

Hindi ako makapagsimula at tiningnan ang hitsura niya, "Kakain ka o aalis ako?" pananakot niya pero hindi naman ako natakot ni 1%. 99% na natawa lang ang inner me.

"Pwede namang both, nakaka-distract ka kasi," pumikit ako at sumubo. In fairness, parang fried rice sa Chowking.

"Wala akong abs, but doing this might still seduce you," kumindat pa siya. Akala niya ikina-cute niya 'yun? Acute, "Do I look like I got charmed by you? Gross."

"Oo kaya. Gusto mo nga tayong mag lips to lips, e. Buti na lang at mahaba ang pasensiya ko," kumain din siya ng kanyang niluto at hinubad ang apron. Ilang beses ko na rin naman siyang nakitang half-naked kaya hindi na ako nagulat.

"Hormones! I wanna have a shot of oxytocin. That's all," palusot ko. "Sinisi mo pa ang science," as if, he sounded defeated.

"Let's sleep first after this. We need energy for the rest of the day," pag-iiba ko ng usapan dahil busog na ako.

"You go ahead, I'll check my babies," I rolled my eyes at naglinis ng kinainan.

Erdel's coming here with Rizha. Bibisitahin din namin ang biological mother at foster father ni Edsel. I hope maging okay ang meetings na nasa isipan ko.





















Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon