Zaney's POV
Ngayon ang schedule namin for pre-nuptial shoot. I take back what I told Erdel about San Benito as my choice for honeymoon spot. Naisip ko na rito na lang kumuha ng magagandang memories at bahala na para sa sexy time venue.
Mabuti at nasa location na ang team composed of photographers and editors, may isa rin na stand by pero may knowledge rin sa art and photography. Bale tatlo lang sila. Isang babae at dalawang lalaki.
Maaga kaming pumunta rito as in. Madaling araw pa lamang ay nagme-make up na ako sa mag kubo rito habang hinihintay ang professional team na maghahandle sa amin.
I wore a floral puff sleeve long dress na pastel orange ang color. May dala rin akong brown sandals for the aesthetics.
"Pre-nup shoot pa lang ha, baka naman pang-wedding na ang ayos mo," paalala sa akin ni Edsel na mas maagang natapos sa akin na magbihis. Naka white polo lang ito at khaki pants na parang magsasaka talaga ang dating.
"Oo na," at nag-apply ako ng nude lipstick as the finishing touch. Nakaharap kasi ako sa salamin at doon niya sa mirror ako tiningnan para kausapin.
Inusap niya ang kanyang mga tao na kahit tanghali na mag-umpisa ngayon dahil nga gagamitin namin ang lugar. Pumayag naman ang mga masisipag niyang ka-trabaho dahil bayad pa rin ang oras nila kahit medyo late na magsisimula.
"Good Morning po, Mr. and Mrs. Atabello! Shall we start?" nagtungo kami sa taniman ng mais para sa unang scenery.
Inintay namin na masinagan kami ng araw para sa magandang effect. Sunkissed ba.
Naka-black rubber shoes nga siya sa halip na mag-leather. Para raw realistic at some point. Kinarir ba naman ang Farm-inspired shoot.
"Okay po, tingin po kayo sa isa't isa, in three...two...one!" sabay 'click' ng camera at pinag-iba kami ng pose, but same setting para marami kaming choices.
Habang nakatingin ako sa kanya ay hindi ko maiwasang matawa sa ginagawa naming tiis alindog, "I am so hot," nakangiting labas ang ngipin ko nang sabihin ko ito sa kanya. Napapikit at naitikom niya ang bibig sa tinuran ko. Halatang nagpipigil.
Lumipat kami ng pwesto naman na may taniman ng palay. Kinuha ko ang bilao na may bigas, at hinawakan ito as one of the props while my other half is holding a sickle (karit/lilik) na panggamas daw ng mga damo o kung ano pa. Naka-salakot sya at ako naman ay may telang nakabalot sa may buhok. Kamatchy-matchy ng aking damit na kulay kahel.
"The scenario po is like a dog chasing a cat. Sino pong gustong maghabol?" tanong sa amin isang crew, "Ako na lang, ang funny kasi kapag siya ang naghabol at may hawak na sharp obejct," suggestion ko dahil para siyang si kamatayan na kinakaon ako. Haha!
"Mukhang delikado po ang props niyo para sa shot, iyon po kayang rake (kalaykay)?" mugkahi ng isa pa nilang kasama na itinuro ng pwesto nitong nakasandal sa may kubo at sumang-ayon naman kami. para naman kasi itong tambo at safe na dalhin.
"Tuloy-tuloy lang po ang takbo kasi continuous din po ang shot para in motion," aniya ng babaeng kumuha sa amin kanina at ipinasa ito sa lalaki. Magtetake-turns siguro silang tatlo sa pagkuha para hindi lang isa ang pagod.
Mula sa malayo ay hinabol ko si Edsel. Medyo mabagal naman ang pagtakbo niya dahil malaki siyang tao.
"Hingal na ako, wait!" dala ko rin kasi ang bilao. Pinalitan namin ang bigas ng mga pinya, saging, at mangga kaya medyo bumigat ang dala ko.
Nang malampasan ko siya ay nagpatuloy lamang kami at parang ako na ang hinahabol niya nang makita namin ang image.
"Goods na po ito, proceed na po tayo sa next," ibinigay sa lalaking free kanina ang camera dahil siya naman.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.