Edsel's POV
Mula sa San Benito ay dali-dali akong umalis nang makatanggap ng tawag sa hospital na malapit sa bahay namin sa San Francisco.
"Dad, she gave birth already," ito ang una kong narinig kay Zerif nang tawagan niya ako. Walong taong gulang na ang panganay ko at kalmado niya itong ibinalita sa akin.
Hindi pa ngayon ang due date niya. Sa susunod na linggo pa dapat ito kaya nagulat ako nang tawagan ako ay naisilang na ang pangatlo namin.
Pandalas na ako papuntang Emergency Room at nakita sina Tita Ednesse at Tito Fargo na nakasilip sa may nursery room ng ospital na ito.
"Edsel!" napansin nila ang presensiya ko at hinanap ko ang kwarto ng asawa ko.
"Nasaan po si Zaney?" tanong ko. Siguro ay nailipat na siya sa isang room para makapagpahinga.
Nakaramdm ako ng akbay mula sa likod, "Late ka na kuya, hindi ka na papapasukin."
It was Erdel. Umuwi sila rito 5 years ago at may kasama nang kambal.
"Hi tito," nagmano sa akin ang dalawa niyang anak, "Sino sa inyo si Tyron?" identical twins sila kaya nalilito ako minsan, "Ako po!" tumaas ang kanyang kamay. May nunal siya sa ibaba ng labi.
"Ah, you must be Byron?" itinuro ko naman ang isang may nunal sa ilalim ng mata.
Tumango sila pareho at nagkatinginan. Sabay silang tumawa at nagtaka ako.
"Hanggang ngayon ba naman, hindi mo pa rin sila kilala," pagtataray sa akin ni Rizha. Nagpipigil din siyang tumawa.
"Niloloko ka na ng mga inaanak mo, hindi mo pa alam," dagdag ni Erdel at sinenyasan akong pumunta sa pwesto niyang nasa harap ng isang kwarto.
"Papa—"
"Shhhh" inilagay ko ang aking daliri sa bibig para patahimikin siya. Siya naman si Ezron, ang pangalawa naming anak na limang taong gulang pa lamang.
Nasa loob din ng kwarto ang magulang ni Zaney. Nagbow ako ng kaunti para batiin sila at nagmano rin.
"Buti ay nakarating ka kaagad," aniya ni Tita. Naglakad si Ezron papunta sa akin at nagpabuhat. Dinala ko ito sa isang upuan at doon kinalong.
"Oo nga po, mukhang hindi dinalaw ng traffic ang San Benito," sagot ko. Tulog na tulog si Zaney at nakahiga sa hospital bed. Nakahanda na rin sa kanyang gilid ang paglalagyan ng bata kapag ililipat na ito.
"Nako, ilang beses niyang sinabi na hindi na siya magbubuntis ulit habang nagle-labor. May video pa nga si Erdel nito," siya siguro ang nagsama sa kanya sa loob. Wala naman akong problema roon dahil magkaibigan sila.
Tumawa ako saglit, "Tama na po siguro. May babae na, e," hindi talaga siya pumayag na walang babaeng anak. Ilang beses din niya akong kinalabit noon kaya grabeng pagtitimpi ang ginawa ko. Napag-usapan na namin ang tungkol sa Family Planning noong pinagbubuntis niya si Zerif. Kaya lamang, saka siya nakumbinsi matapos manganak.
Close na rin kami ni Tito Nomer. Nagtext ako sa kanya na nanganak ang aking Misis. Tumawag pa ito sa akin at pinangaralan ako.
Gabi na rin kasi nang pumutok ang panubigan niya ayon kay Tita. Inihatid ko sila sa San Ildefonso dahil hindi ko kayang iwanan ang mag-iina ko nang mag-isa lamang sa aming bahay.
"Papa, kailan po ilalagay ang baby roon? Inaantok na po ako, e," kinusot ni Ezron ang mata niya at mukhang gustong makita nang malapitan ang bunso.
"Matulog ka muna, gigisingin na lang kita kapag dinala na rito," sambit ko sa kanya at inayos ang tuwalya niya sa likod. Umiling siya at pinanlakihan ako ng mata, "Gising po ako, gising," pagmamatigas niya at tumingin sa kanyang Inang nakapikitbang mata.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.