Sixteenth Encounter

14 2 0
                                    


Zaney's POV

Namasyal kami sa may ilog na malapit sa kanilang bahay kasama ang kanyang mga kapatid.

"Kuya, ang sakit na po ng paa ko," agad namang kinarga ni Edsel si Eva sa kanyang likuran at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Kumapit naman sa akin si Eloisa at mukhang may agenda, "Ate, sweet po ba si kuya sa inyo?"

Natawa ako sa tanong niya, "Nasobrahan sa tamis 'yang si kuya Edsel, nauumay na ako minsan," pabiro kong sagot.

"Curious din po ako kung bakit kuya ang tawag mo sa kanya," lumitaw sa harapan ko si Elias at umupo muna kamibsa may batuhan.

May sariling mundo ang panganay at bunso sa may damuhan kaya sinamahan ako ng apat.

Sinenyasan ko si Ezekiel na Ihiga ang ulo sa kandungan ko at nagkatinginan pa silang magkakapatid. Nahihiya pa siguro.

Maingat kong inalalayan siya at nilayasan ng hiya nang ngumiti ako. "Akala ko kasi super laki ng agwat ng aming edad nang una ko siyang makita."

"'Yun pala, tatlong buwan lang," nagtawanan sila sa plot twist, "Mukhang tatay na po kasi kuya, ano? Sobrang matured ng hitsura niya," that, I can't deny, Elias.

"Sana po, makadalo kami sa church wedding," nagparinig si Eloisa at sinagot ko ito, "Hindi ko sisiputin ang kuya niyo kapag wala kayong apat doon."

Nalungkot ang tatlo, "Si Papa po kasi...baka hindi na naman pumayag," oo nga pala, sa pagkakatanda ko ay si Tita Dolores lang ang dumating noong civil wedding namin.

"Sige, susubukan ko siyang kumbinsihin," kahit papaano ay gumaan naman ang ekspresyon ng kani-kanilang mga mukha.

"Nag-kiss na po ba kayo—Ay!" napagtanto ni Eloisa na mas mata kaming kasama, "Puro nakaw lang ang nagawa ko. Parang ayaw niya pa, e." umakto akong dismayado ara kampihan nila ako.

"Baka po nahihiya lang. Bigla ba naman po kayong inayang magpakasal," depensa ng utol niyang si Elias.

Ngumuso si Ezekiel, "Tagalan niyo pa po ang honeymoon, ayaw ko pang magka-anak si kuya," pinisil ko nang bahagya ang pisngi niya.

"Oo nga po, hindi na kami ang favorite," angal ni Eloisa.

"Buti pa kayo, okay na okay kung matagalan. Ang mga mas matatanda kasi sa amin, pine-pressure na kami," sambit ko. Mga bata nga naman, "Katawan niyo naman po iyan, hanggang sabi lang sila," aniya ni Elias.

Napaka-swerte ko na at walang may ayaw sa akin sa pamilya niya. Marami akong naririnig sa iba na kontrabida lagi ang pamilya ng katuwang pero grabe ang pag-welcome nila sa akin. Naramdaman kong para akong artista.

Pinangaralan ko sila at nakinig naman silang mabuti. Inabot na kami ng paglubog ng araw at inaya ko na si Edsel na umuwi gawa ng mga bata.

"Hi, Eva! Ang damot ng kuya mo, sinolo ka kanina. Now, my time has come!" hawak ang maliit na kamay nito ay sabay kaming naglakad pauna at iniwan si Edsel kasama ang iba niyang kapatid.

"Alam ko pong cute ako, pero pumila ka po ate, mahaba na ang linya at doon ka na lang po sa likod ni kuya," this kid! natalbugan ang kuya niya sa kayabangan!

"Abaaaa!" ito lamang ang nasabi ko at tumawa naman siya.

Nagkaroon ng katahimikan at mas lalo kaming nauna sa nakasunod sa amin.

"Love mo po ba talaga si kuya?" sinamantala ng bata ang pagkakataon, "Hindi ko pa masabing mahal kasi ang bilis, e. Pero gusto ko na siya at sigurado naman ako roon," pagtatapat ko. Hindi ko kayang magsinugaling sa bata dahil masasaktan ito kung ito ang ibibigay ko sa kanya.

"Huwag ka pong sumuko, ah?" ang tanong ay dapat para sa kuya niya. Sana huwag siyang mapagod maghintay sa akin.

Tumango ako at hinunta pa siya hanggang sa narating namin ang bahay nila.


"Mukhang napasarap kayo, ah?" bungad ni Tita Dolores sa amin nang makapasok kami sa loob.

"Muntik na kayong abutin ng dilim," bungad ni Tito Nomer na kay Edsel nakatingin at ikinalma ko ang sarili ko.

"Papa, na-missed lang po namin nang sobra si kuya kaya nagtagal po kami," nilambing ni Eva ang kanyang ama at nakahinga ako nang maluwag.

Nanood kami ng balita sa TV bago kumain. Nagpresintang magligpit si Edsel at nagtungo naman ako sa kwarto namin para magkape.

Hindi ko maatim na ganito ng trato sa kanya kahit narito ako. Mas mabuting wala sa bokabularyo ng Ama niya ang ka-plastikan, pero kahit na.

Maybe, he also used marriage to escape this. Totally understandable.

Patay ang ilaw sa kwarto at tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang ilaw sa silid na ito.

"Edsel?" naring ko ang tunog ng bumukas na pintuan.

"Ang dami kong pictures mo kasama ang mga kapatid ko. Tamo," wala siya sa mga kuha niya sa kanyang cellphone. Ang nauna ay kaming apat at sumunod naman ay kaming dalawa with his youngest sister.

"Sana sinabi mo para naman umawra ako. Ang haggard ko kaya riyan," reklamo ko. "Luh, edi hindi na candid or stolen shot," tunog gusto niyang sabihin 'panira ka sa plano'.

"Napakasupportive ng mga kapatid ko. Siya lang dapat ang pipicturan ko kaso humirit siya at ang ganda niyo raw tingnan," he added.

"Sus, gusto mo lang ako picturan e, oh," nagpose pa ako at hinawakan ang tasa ng kape with class para ipakita sa kanya na ready ako anytime.

Tumunog ang kuliglig sa labas at humigop ako ng kape, "Kaya mo pa ba?" pag-iiba ko ng topic nang lumapit siya sa pwesto ko sa tabi ng bintana at hinarap ako.

"Ang alin?" marami kasi itong pwedeng ipahiwatig. Humalukipkip siya.

"Na tiisin ang trato niya sa'yo?" mukhang wala pa siyang usapang matino kaya walang pagbabago.

"Ganoon na talaga siya. Bumait pa nga ngayon," komento niya. "But I am still bothered," nirerespeto ko ang kanyang magulang pero hindi ko gusto ang ugali ng isa rito.

"Gusto ko silang makita sa simbahan," alam kong mage-gets niya ang punto ko, "Ako rin naman, kahit noong sa city hall pa lang, gustong-gusto kong makita ka na nila."

Huminga siya nang malalim at nagsalitang muli, "Kakausapin ko siya para sa kasiyahan nating dalawa, okay? Matulog ka na," sinubukan niyang kunin ang tasang nasa kamay ko na wala nang laman para dalhin sa labas, ngunit hinigpitan ko ang pagkakahawak ko rito.

He held my face and used his thumb to caress my cheek, "Amain ko siya, Zaney. I will be okay."

Umalis na siya at humiga na ako sa kama. Sana nga. Baka hindi ako makatulog nito kaiisip.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon