Fifteenth Encounter

16 2 0
                                    

Zaney's POV

Sabado ngayon at hininiling ng nanay ni Edsel na si Tita Dolores na roon matulog ng isang araw. Na-miss siguro nang sobra ang kanyang panganay at ako ngayon ang nagmamaneho ng kotse.

Pasulyap-sulyap ako sa gawing kanan dahil kanina pa siyang hindi mapakali, "Pwede ko pa namang iliko," minabuti ko pa rin na sabihin ito kahit na desidido naman siya nitong nakaraan, "Choice pa bang lumiko kung kita ko na ang bahay namin?" napagtanto niya na katawa-tawa ang suggestion ko.

Mahilig daw sa cake ang mga nakababata niyang kapatid kaya gumawa ako ng cake roll at binitbit ko papasok sa bahay nila.

Malaki raw ang ipinagbago nito simula nang nakaangat si Edsel. Mula sa kahoy ay naging sementado na ang kanilang tahanan at hindi na binabaha sa tuwing may bagyo.

"Kuya, may pasalubong po?" binuhat niya ang pinakabata niyang kapatid na si Eva, base sa kwento niya sa akin, "Ayan! Si Ate Zaney ang pasalubong ko sa inyo," pilyo siyang ngumiti sa iba pang sumunod na kapatid na pinupog siya ng halik at yakap.

"Luko 'yang si kuya, heto ang cake, oh!" iniabot ko ito kay Elias na sumunod kay Edsel. Agad ko siyang nakilala dahil sa mga pictures na ipinakita sa akin, "Bakit po kuya rin ang tawag mo sa asawa mo po? Hindi ba dapat, mahal po?"

Nagkatinginan kami ni Edsel at hindi ko malaman ang isasagot ko sa inosenteng tanong ng batang si Ezekiel na mas matanda kay Eva.

Tinakpan ni Eloisa ang bibig ng kanyang kapatid at pinagsabihan, "Ang daldal mo talaga, Zek. Hindi ka palalapitin ni kuya Eds sa baby kapag nagkaroon na sila, sige ka," she tried to scare him at umakto ang baka na i-zinipper ang bibig.

Nakalimutan ko ang edad nilang lahat pero musmos pang mag-isip sina Eva at Ezekiel.

Eva covered her mouth na parang gulat na gulat, "Buntis na po siya?"

"Nako kayo talaga, pumarito kayo sa hapag nang tigilan muna kayo ng mga bata," inawat sila ni Tita Dolores at nagmano ako sa kanya.

Nagbabasa naman ng diyaryo ang isa pang matanda na napansin ang presensiya namin. Nakaramdam ako ng pisil sa kamay ko na kanina pang hawak ni Edsel dahil sa kanyang panginginig.

"Magandang tanghali po, Tito Nomer," nagmano ako sa kanya at tiningnan akong maiigi. Hindi naman ako na-informed na mangingilatis siya today, edi sana nagmake-up ako ng pang malakasan.


Tumango lang siya at sinundan ako ni Edsel sa pagmamano, "Kumusta ang buhay mag-asawa?" ungkat ng mother-in-law ko nag-hain ng pagkain sa mesa.

"Masaya naman po, alagang-alaga po ako ng anak niyo," na siyang tunay naman. Hindi ako magugutom sa kanya, "Halata naman, anak, blooming ka," segunda pa niya at pareho kaming humagikgik.

"Gumagawa ka pa ba tuwing galing sa trabaho?" pinigilan kong ipakita ang pagka-dismaya ko sa tanong niya at parang nagiging kontrabida ang role ng asawa ko, "Kusang loob ko naman po iyon kahit pagod pero madalas po na si Edsel ang gumagawa sa bahay," paliwanag ko at kumuha ng pagkain.

"Hindi ko naman po pinapagod masyado ang asawa ko," sabat ni Edsel. Naramdaman niya sigurong gusto siyang sisihin sa isang bagay.

"Ang lupa sa San Benito, kumusta?" ito ang sinasabi ng asawa ko na binili niya at nabanggit ngayon ng kanyang ama-amahan, "Binibisita ko po tuwing biyernes para alamin kung may problema. Maayos pa rin naman po ang bentahan," sagot ni Edsel. Para tuloy siyang na-hot seat.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan.

"Kailan ninyo balak magka-anak?" nagkaroon siya ng interes sa bata, "Mahal naman," saway ng ginang sa kanyang asawa, "Nagtatanong lang ako. Hindi ko sinabing ora mismo," depensa ng matanda.

"Kailangan po muna namin na magplano para riyan," ang anak-anakan niya ang sumagot at gayak ay hindi na ako sasagot pa.

Naalala ko ang banat ni Edsel sa akin, "Malay niyo po, in two years mayroon na?"

"Huwag ninyong madaliin, anak. Hihintayin na lang namin ang balita," Tita Dolores is really soft-hearted. Kaunting ngiti ang isinukli ko sa sinabi niya.

Natapos kaming kumain at tinulungan ko ang kanyang ina sa pagliligpit.

"Ako na rito, Zaney. Magbihis muna kayo ni Edsel sa kwarto," binabanlawan na kasi ang mga hugasin kaya pumayag ako, "Salamat po."

Nang magtungo ako papuntang kwarto ay nakarinig ako ng pagbagsak ng isang bagay.

Dali-dali akong pumasok at nakaupo si Edsel sa tapat ng nabasag na perfume.

Nakatungo siya at napa-iwas sa akin nang ilapit ko ang kamay ko sa may chin niya at balak ko sanang itunghay ang mukha niya, "Sorry, ibibili na lang kita ng bago."

Kumabog nng mabilis ang dibdib ko, "Did you think that...I am going to hit you?" ang inasta niya ay kadalasang response ng mga physically abused. Naawa ako at tinulungan siyang linisin ang bubog.

Pumikit siya at tumango-tango, "He told me before na way niya iyon ng pagdi-disiplina. I don't want you to hate him, pero mas malala pa raw ang ginawa ng kanyang Ama sa kanya," I could imagine their silent cries sa tuwing may palo, pasa sa katawan, at malakas na boses.

"Hindi naman ibig sabihin noon ay dapat niya rin na gawin sa iyo," pagta-tanggol ko. "Siguro dahil anak ako ni Mama sa iba, kaya iba rin ang trato niya sa mga sumunod sa akin. Nakakainggit," hindi niya maiwasan kahit matanda na siya na namnamin ang sakit na naramdaman niya bilang isang anak.

I patted his head like a child, "Should I stop hitting you kapag natatawa ako?" baka kasi minsan ay napapalakas, "It's okay, Zaney. Mahina lang naman 'yun," ibinalot ko ang mga bubog sa old newspaper bago ito itapon.

"Well, as long as you won't hurt my child—"

"For me, hurting him means hurting you, too. Kaya hindi ko gagawin 'yun," he cut my words. Humiga siya at huminga nang malalim.

Silence came again, ubtil realization hit me.

"Anong 'him'? 'her' dapat!" pagtatama ko. Akala niya ay palalampasin ko iyon?

"Mahirap magbuntis," animo'y nakaranas na siya, "Alam mo naman pala, e. Kaya kapag babae agad, tama na 'yun dahil masaya na ako," umupo ako sa kama at nagbihis.

Gumaya rin siya at hindi tinapos ang usapan, "Fine. Basta hindi ako titigil hangga't walang lalaki kung gusto mo ang masusunod," pananakot niya at pinanlakihan niya ako ng mata.

Hinarap ko siya, "And you think, bibigay ako? Magsariling sikap ka na lang."

"Ayaw mo pala sa lahi ko. Sayang. Your loss, though?" umiling-iling siya. Napakahambog! "Paki ko sa lahi mo kung maganda ako?" nilabanan ko ang sinabi niya.

Nag-unat siya at umupo sa kama, "Ano ba 'yan. Talo na naman ako."

I thought of something unrelated and impulsive move. I went at his back and hugged him from behind. Sa balikat niya ako humawak, then I nibbled his right earlobe.

"You did not lose. Nakuha mo nga ako, e."




















Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon