Second Encounter

34 3 0
                                    

Zaney's POV

"Ma, kahapon ko lang nakita ang lalaking iyan. Paano ko siya magiging jowa agad? At isa pa, unang kita, pakasal na agad? Mama naman," sinubukan kong kunin ang loob ng ina ko para may kakampi ako at itigil ang kahibangang ito.

Ngumiti nang nakakaloko ang nagluwal sa akin at inayos ang buhok ko, "Nagkita kayo sa kasal ni Erdel? Tadhana na ang nagtulak sa iyo, Zaney. Ayaw mo pa?" ani niya. Grabe na. Ayaw pa nilang tumutol e, mas gwapo pa nga si Papa sa kanya!

Dahil hindi ko na makayanan ang sitwasyon, tinungo kong muli sina Papa at inamin ang dapat sabihin, "Pa, ex ko po ang kapatid niya," seryoso kong saad at hinintay ang reaksiyon nila.

"Si Erdel ba? Edi maganda, magiging brother-in-law mo siya," sambit ni Papa. Naloko na. Ano bang kinain nila kagabi at ganito sila? nawala lang ako ng isang araw, ang dami nang nangyari!

"Hello tito! Masyadong mabilis magpatakbo si kuya ng kotse niya, naunahan po tuloy kami," nagmano ang kararating lamang na bisita. Siyempre sino pa ba? Ang ex ko. May hawak pa itong pagkain at ibinigay sa akin. Ginawa ba naman akong katulong.

Animo'y may press conference nang pumasok sina Tita Ednesse at Tito Fargo. Nasa likuran nito ang isa pang babae na wari ko ay Ina ni Edsel dahil kamukha niya ito.

"Wala nang kumustahan, pulong agad. Anong balak ninyo sa kasal, aber?" umupo na parang donya si Tita at ngumiwi naman ang isang babae.  At least walang iringan sa kanilang dalawa.

Napatingin ako sa sahig para mag-imbento ng sagot, "Church wedding na lang po siguro, hindi naman po kailangang magarbo."

"Sa tingin ko, magandang magpakasal sa buwan ng Mayo sa isang taon, hija," hinawakan ng Ina siguro ni Edsel ang kamay ko na para bang ako sagot sa lahat ng problema nila. Susko. "A-ah...siguro nga po," nahihiya kong pagsang-ayon.

Paano ko ba ibi-bring up na kahapon lang kami nagkita? Naman oh. Tinutusta na kami ng mga suggestion e.

"May nahanap na ba kayong lugar para sa reception niyo?" kaswal na tanog ni Erdel. Palibhasa okay na kami kagabi kaya ang lakas ng loob.

"Mayroon na akong kausap para roon. Si Zaney na lang talaga ang kulang, kung tutuusin," asa namang mayroon talaga. Pinagsasasabi ni Edsel?

Ngumisi naman ang nakababatang kapatid, "Sus, hotel nga kaagad ang hinanap mo. Sabik ba?"

Ipinikit ko nang mariin ang mata ko sa aking narinig. Pwede bang tapusin na? Sana talaga may tumutol sa seremonyas ng kasal sa mismong araw. Mag-hire kaya ako ng fake mistress?

Inexcused ko ang sarili ko at nagtungo sa kusina. Naakamot ako sa buhok ko nang makita ang inihanda ng aking pamilya para rito. Mas malala ito kaysa noong nagfiesta rito. Tipong all-out ba.

Kung ano-ano ang pinag-usapan nila at tumango na lamang ako. Ang sabi kasi sa akin makikipagkita lang naman. Wala na akong kamalay-malay, nakasangla na pala ang civil status ko.

Pumunta ako sa bakuran at isinalampak ang sarili sa duyang nakatali sa dalawang puno ng saging. Hinayaan kong tamaan ako ng sinag ng araw para mahismasan ako kahit kaunti.

"Pasensiya ka na, biglaan," bungad ni Edsel. Wala akong ideya kung sinundan ba niya ako o kararating lang niya sapagkat nakapikit ang aking mga mata at may taklob na sumbrero.

"Okay lang kuya, mabilis naman akong pumick-up. Gets ko kaagad," sa tingin ko naman ay may rason siya kaya hindi ko hinayaang magbuga ako agad ng apoy. Yes, understanding.

"Ayaw mo talagang tantanan ang pagtawag ng kuya, ah?" bakas ng tawang gustong kumawala sa boses niya. "Sinasadya ko lang to remind you of our age difference. Nagbaka-sakali lang na umurong ka sa kasal," paliwanag ko.

Lumakas ang boses niya at sa tingin ko, he came closer, "Masyadong malawak ang gap na nasa isip mo. Malaki na ba sa'yo ang 3 buwan na diperensya?"

Tinanggal ko ang hat sa mukha ko at napa-upo. Umuga nang bongga ang duyan dahil sa pagka-OA ko. "27 ka rin, for real?"

Tumango ito at humigop ng kape. "Sorry, akala ko, nasa mid 30s ka na," sabay higa ulit.

"Sige, kunwari compliment na I looked so mature, but let's not get into there," hinila niya ang upuan na at itinapat sa duyan ko, "The thing is...ako ang dahilan kung bakit hindi ikaw ang pinakasalan ni Erdel."

Naestatwa ako saglit at napatingin sa kanyang direksyon na ngayo'y nakaupo na sa harap ko.

Ex to In-lawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon