Zaney's POV
Inantay muna namin na makaalis ang bagyo sa Pilipinas bago maghouse-to-house at namigay ng Invitation. Nagulat pa ang iba dahil nakabalot ito sa short envelope. Ang sabi ko ay hindi kasi alam ni Edsel ang disenyo nito at motif namin kaya ganoon. Umiling lang sila sa padali namin.
Ginawa naming alternate ang gawain. Kunwari ngayon ay bibisita kami sa hospital, bukas ay mangre-raid kami ng bahay for the wedding.
Today ang last day ng pagbibigay namin ng imbitasyon. Nakilala ko ang ilang kaibigan niya noong high school at nakakatuwa na hindi a rin nawawala ang bond na mayroon sila.
"Pare, mukhang hiyang na hiyang sa iyo ang misis mo ah," pinuri siya ni Jelmar na karga-karga ang sanggol at pinaiinom ito ng gatas gamit ang tsupon, "Sus, maganda na iyan kahit wala pa sa puder ko," natawa sa banat ang kanyang kabarkada at sumilip naman ako sa bakuran nila.
Ilang araw na rin ang nakalipas, hindi pa rin maayos ang kalagayan ni Rizha. Kinakausap niya ang mga doctor at nurse, pero wala siyang iniimikan sa amin na pamilya niya.
Nakaramdam tuloy ako ng takot. Ganoon pala ang epekto sa kanya at malala ito. It was precious for them at kulang ang grief para rito.
One time, sobrang naawa ako dahil nahuli kong tinitingnan ni Erdel ang ultrasound results ng asawa niya na dala sa ospital. Buo na kasi ang bata, tapos naging bato pa.
Hindi namin sila kinakausap nang matagal dahil kailangan nila ng oras para sa kanilang sarili. Silent moments are the best for healing process.
"Tara na," iniabot niya sa akin ang helmet dahil nagmotor lamang kami papunta rito para mabilis ang biyahe.
"Aasahan namin kayo!" paalam ni Edsel at kumaway naman ako. Siyempre sumalyap muli ako sa cute na baby bago umalis. Titig na titig sa akin ang bata. Hehe.
Kinuha ko nang mabilisan ang cellphone ko, "Pwedeng picturan?" tanong ko sa ama niya at tumango si Jelmar sa akin. Buti pumayag siya kasi babawiin ko ang invitation kung hindi. Chos.
'Mas maganda ka sa akin paglaki mo, pramis' -tiny voice inside me. Hinila na ako ng kasama ko matapos ang isang click.
"Ah-ah blurred naman, e!" angal ko at bumalik dahil hindi ako nakuntento. Napakamot sa buhok si Edsel at humingi ng paumanhin sa kaibigan niya.
"Salamat!" aniya ko at tuluyan na kaming lumisan.
Dumaan kami sa isang gasoline station at nagtaka ako rito, "Pauwi na tayo, ah?" siya kasi ang driver ngayon at sa tingin ko naman ay kaya pa ng karga kapag pauwi.
"Hindi pa, may dadaanan muna tayo," vague ang response niya pero hindi ko na pinahaba pa ang usapan dahil baka supresa ito.
Mahaba ang biyahe namin at na-enjoy ko naman ang mga nakikita ko. Hindi ko na nga namalayan na nasa destination na namin pala kami.
"Nasaan tayo?" tanaw ko rito sa aking pwesto ang malawak na anyong tubig.
"Nasa other end tayo ng Pilipinas, sa taas na parte nga lang," iginala niya ang tingin at saka dumako sa akin para masaksihan ang reaksiyon ko.
"Batanes...for real?" hindi ako makapaniwala pero nang tumango siya ay agad kong ibinigay ang cellphone ko para magpapicture.
"Selfie tayo, dali!" nagpicture kami sa may dulong part ng anyong lupa rito na kasama ang water form para makitang nasa may boundary kami.
Natigil ang kasiyahan ko mang maalala ko ang mga nasa hospital, "Dinala kita rito para hindi muna mag-isip ng wedding-related," hindi niya nahulaan ang tunay kong iniisip kaya no muna sa pag-ungkat nito, "Brilliant move, 99% ng utak ko, 'kasal' ang memory, e," I am moved. Pareho naming kailangan ito.
BINABASA MO ANG
Ex to In-law
RomanceZaney loved Erdel. Matapos ang ilang taon, nagparamdam ang ex niya para lamang imbitahan ito sa kanyang kasal. She thought that she would finally live at peace matapos ang araw na iyon until Edsel, his ex's half brother saw her.